"Dads, okay lang umiyak" here are the reasons why it's good for you

Bakit nga ba hindi umiiyak ang mga lalaki? Dahil ba hindi lang nakasanayan o hindi kaya'y takot lang silang mahusgahan? Mga daddy, okay lang lang umiyak!

Isang stereotype kung tawagin ang paniniwalang ‘Lalaki ka. Hindi ka pwedeng umiyak.’ 

Naririnig na natin ito simula pa lang bata hanggang sa paglaki. At aminin mo, naniniwala ka rin dito. Ngunit bakit nga ba hindi umiiyak ang mga lalaki? Tama bang mabuhay tayo sa ganitong paniniwala?

Ikaw ba daddy? Pinipigilan mo ba ang pag-iyak kapag ikaw ay nasasaktan o natutuwa?

Bakit hindi umiiyak ang lalaki | Image from Unsplash

Bakit hindi umiiyak ang lalaki?

Ang pag-iyak ay karaniwang emosyon ng isang tao. Ito ay nagpapakita ng iba’t-ibang emosyon katulad ng galit, tuwa, lungkot o hindi naman kaya takot.

Sa kabila nito, may negative image pa rin ang pag-iyak sa ibang tao. Para sa kanila, ito ay masyadong feminine o hindi magandang tignan lalo na kung lalaki ang umiiyak. Alam kasi nating tigasin at matapang sila kaya may iba na ginagawang big deal ang pagiyak ng isang lalaki. Hindi kasi daw ito magandang tignan at pambabae lang ang pag-iyak. Nagpapakita rin ito ng kahinaan o emotional fragility na nakakapagpawala ng strong image ng isang lalaki.

Ngunit hanggang maaga pa lamang, kailangan nang matigil ang stereotyping na ito. May negatibong epekto kasi ito sa mga lalaki. Hindi nila magawang ilabas ang kanilang tunay na saloobin dahil takot silang mahusgahan ng mga tao.

Bakit hindi umiiyak ang lalaki | Image from Tom Pumford on Unsplash

“Dads, okay lang umiyak” here are the reasons why it’s good for you

Dads, okay lang umiyak. ‘Wag mong pigilan ang emosyon mo. Mas lalo lang bibigat ang iyong pakiramdam at lala ang pangyayari.

Okay lang umiyak at makita ng mga anak mo.

1. Nagpapakita ng true feelings

Kapag sobrang kulit ng isang bata o sabihin nating may ginawa silang sobrang bigat sa loob, hindi na napipigilan ng isang magulang ang magalit. Pero dahil hindi nila magawang paluin o saktan ang kanilang anak, ang tanging nagagawa na lamang nila ay pagsabihan ang kailang anak at saka iyak ng patago sa pagkadismaya.

Sa ganitong pagkakataon, mas mabuting umiyak ka sa harap ng mga anak mo dahil nasa punto ka ng confrontation. Nilalabas mo ang tunay mong saloobin (na gusto mo ring matutunan ng iyong anak). May tendency na madala siya ng iyong confrontation.  Katulad ng paghingi niya ng tawad at sabihing hindi na niya ito uulitin.

2. Empathic connection

Ang pag-iyak ay nagpapakita ng deep empathy sa isang bagay. Katulad na lamang kapag nakaranas ng sobrang bigat na problema o nakakalungkot na pangyayari ang isang tatay. Maaaring natanggal sa trabaho, pumanaw ang malapit na kaibigan o pagpapakita ng matinding pagmamahal sa kanyang asawa.

Bakit hindi umiiyak ang lalaki | Image from Devi Puspita on Unsplash

Walang maitatalang negatibong epekto ng pag-iyak dito. Dahil ito ay nagpapakita lamang ng malalim na ugnayan ng tatay sa isang bagay kay wala siyang ibang magawa kundi ang umiyak na lamang.

3. Stress Release

Isa sa hatid na benefits ng pag-iyak ay ang pagpapakawala ng matinding bigat sa feelings ng isang tao. Alam nating lahat ang pakiramdan kapag may matinding pinagdadaanan tayo. Hindi tayo mapakali, sobrang bigat sa dibdib at gusto na lang nating mag breakdown sa sobrang gulo ng isip.

Pero mga dads, alam mo ba na ang pag-iyak ay makakatulong upang gumaan ang pakiramdam mo? Hayaan mo lang ang iyong sarili na magpakalunod at iiyak lahat ng sakit. Panigurado, pagkatapos ng iyong pag-iyak, mababawasan ng kahit kaunti ang problema mo.

 

“Children will often be confused and afraid if they see their parents really upset. Afterwards, it is important to explain to the best of your ability, given your child’s age, that you had an emotional moment, but that you are OK, and that you’re going to continue to be OK.”

-Jillian Roberts

Source: Psychology Today , Huffpost

BASAHIN: Is it okay to let your baby cry it out?

Sinulat ni

Mach Marciano