Easy at fun experiment na magtuturo sa anak mo na maghugas ng kamay

Napaliwanag mo na ba sa iyong anak kung bakit kailangan maghugas ng kamay palagi? Mabuting alamin ang witty experiment na ito mommy!

Ilang celeb mommy ang nagshare ng video kung paano nila tinuruan ang kanilang mga anak ng kahalagahan ng paghuhugas ng kamay. Ikaw mommy? Napaliwanag mo na ba sa iyong anak kung bakit kailangan maghugas ng kamay palagi?

Proper hygiene on kids

Mahalagang ugaliin ng isang ina na turuan ang kanilang maga anak ng proper hygiene sa araw-araw. Once na masanay ang kanilang mga anak, madadala nila ito paglaki at maiiwasan ang sakit na dulot ng mga bacteria at virus na kadalasang pinupuntahan ng anak mo.

Ang simpleng paghawak sa handrail ng school bus, ang bola sa play ground o kaya naman sa doorknob niyo ay maaaring pinamumugaran na ng sangkatutak na bacteria. Kaya mas mabuting palaging maglinis ng paligid. At ang tanging solusyon sa sakit na gulot ng dumi ay ang paghuhugas ng kamay.

Hindi maiiwasan sa isang bata ang magdampot ng kung anu-anong bagay na maaagaw ng kanilang atensyon, at ang worst, isusubo pa nila ng walang kamalay-malay ang kanilang mga daliri.

Maiiwasan ang ganitong pangyayari kung papanatilihin mong turuan ang iyong anak.

Halimbawa, pumunta siya ng dining table ng hindi pa naghuhugas. Sawayin siya agad at tanungin kung naghugas na ba ng kamay. Kasunod nito, sabihin sa kaniya ang magandang maidudulot ng paghuhugas ng kamay.

Ngunit minsan, hindi talaga nakikinig ang mga bata. Mahirap ipaintindi sa kanila gamit ang salita.

Pero bakit hindi mo itry ito at ipakita sa kanila ang maidudulot ng malinis na kamay?

Easy at fun experiment na magtuturo sa anak mo na maghugas ng kamay

Sa isang viral video ng isang guro, ipinakita niya ng personal ang isang experiment kung ano ang mangyayari kung sakaling sinanay mo ang iyong sarili na maghugas ng kamay.

Makikita sa video na may dalawang container. Ang isang container ay may lamang tubig na may nakalutang na maliliit na paminta.

Pinakiusapan ng guro ang kanyang estudyante na isawsaw ang kanyang kamay sa tubig na may maliliit na paminta. Ginawa naman ito ng bata at nagulat siya ng dumikit ang maliliit na paminta sa daliring sinawsaw niya. Sabi ng guro sa bata, ang pamintang dumikit sa daliri niya ang magsisilbing virus kapag hindi sila naghugas ng kamay.

Ang sunod na ipinigawa ng guro ay nakapag pamangha sa kanyang mga estudyante.

Pinakiusapan ulit ng guro, na isawsaw ng bata ang kanyang daliri sa pangalawang container. Ang container na ito ay naglalaman ng sabon. Nang maisawsaw ng bata ang daliri sa sabon, saka niya ulit ito isinawsaw sa container na may maliliit na paminta.

Sobrang namangha ang kanyang mga estudyante ng biglang gumalaw palayo ang maliliit na paminta sa daliring nasa tubig.

Ayon sa guro, ganito ang mangyayari kung sakaling naghugas ka ng kamay. Hindi ka makakakuha ng virus o bacteria kung uugaliin ang proper hygiene.

“You guys saw that? You see how important it is to wash your hands?”

Panoorin ang video dito:

www.instagram.com/p/B9kOH4HhZBA/

Namangha rin ang ilang mga celebrity moms nang mapanood ang video katulad ni Isabelle Daza at Andi Manzano.

“A simple way of teaching your kids about the virus and the importance of washing your hands. Sharing with you our little experiment today at home! You should try it with your kids!”

Bakit kailangan maghugas ng kamay | Screenshot image from Andi Manzano Instagram

 

“When i saw this video done by a teacher i immediately thought i wanted to do the experiment irl. A great way to show children importance of washing our hands 👋🏽 all you need is: pepper, water and soap.”

Bakit kailangan maghugas ng kamay | Screenshot image from Isabelle Daza Instagram

 

Ikaw mommy? Paano mo tinuturo sa iyong kids ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay?

 

SOURCE: mandymunchkins

BASAHIN: Effective ways to teach your child good hygiene

Sinulat ni

Mach Marciano