Isa akong ina ng isang kahanga-hanga at aktibong baby boy. Umandar na agad ang aking motherly instincts noong ibinigay pa lamang siya sa akin ng doktor, matapos ko siyang ipanganak. Nang ang aking munting anghel ay tumuntong ng isang taong gulang, doon ko inumpisang ipakilala sa kanya ang mga supplements. Ngunit ang mga bata ay mga tusong nilalang na mahirap linlangin. Kung kaya’t nang dumating ang panahon na ipakikilala ko na sa kanya ang mga supplements, ay kinakailangan kong bumaba sa kaniyang lebel at pag-aralang mabuti kung paano ko ba ito magagawa nang maayos.
Ngunit bago ko ibahagi ang aking munting sikreto, nais kong idetalye kung bakit ko nga ba inumpisahang bigyan siya ng supplements.
1. Nagkakaroon ng pagbabago sa kanilang diet kapag sila ay tumuntong na sa pagiging toddler.
Kahit sinong magulang ay makaka-relate dito – ang mga bata ay minsang mga anghel na kakainin kahit ano man ang ibigay mo sa kanila. At biglaan nilang matutunan ang salitang HINDI at ang kanilang mga kamay ay matututong itapon ang mga pagkain sa sahig. Diyan nag-uumpisang sumakit ang iyong ulo sa pagpapalaki ng bata at ibigay sa kanila ang tamang nutrisyon na kailangan nila (habang nililinis ang kalat na ito!).
Ito man ay pagiging maselan sa pagkain o simpleng pag-lalaro o ‘di kaya naman ay hindi pagkakaroon ng kakayahang ibigay sa kanila ang tama at balanseng diet, walang mali sa pag-amin na kailangan natin ng tulong.
Habang sinusubukan ko ang lahat ng aking makakaya upang mapakain ang aking anak, na kailangan niya sa araw-araw. Inaamin ko na ang pagpapalaki ng bata ay nangangailangan ng dagdag na tulong upang matugunan ang kanilang pag-unlad.
At makukuha natin ang tulong na ito mula sa mga supplements para sa bata. Maraming bata ang nagiging sobrang mapili sa pagkain at ang simpleng paraan upang masigurado na nakukuha nila ang sapat at tamang nutrisyon ay sa pamamagitan ng pagkonsumo ng supplements.
2. Ang kakulangan sa ehersisyo o mga aktibong gawain sa labas
Ang pandemya ay nakaapekto sa lahat, lalong-lalo na sa mga bata. Dahil sa takot para sa kanilang kalusugan, hanggat maaari ay sinusubukan nating huwag silang palabasin nang madalas para ma-enjoy ang sariwang hangin at sikat ng araw.
Ang paglabas ay nakatutulong sa pagsulong ng kalusugan ng bata. Kapag ang iyong anak ay nasa labas, mas maraming espasyo at kalayaan para gumalaw tulad ng pagtakbo, pagtalon, at pagsipa. Ang mga aktibidad na ito ay maganda para sa kanilang kalusugan at pisikal na pag-unlad.
Ang paglalaan ng oras sa labas ay makakatulong sa pagpapatibay ng immunity level ng mga bata. Dagdag pa rito, ang kaunting exposure sa sikat ng araw, ay makakatulong upang i-boost ang ang vitamin D sa katawan ng bata.
Ngunit sa kasamaang palad, hirap na tayong lumabas sa mga panahong ito, maging ang dalhin ang ating mga anak sa parke. Dahil sa kakulangan sa ehersisyo, ang mga magulang ay nag-aalala na baka maapektuhan nito ang immunity ng kanilang mga anak.
Dito pumapasok ang paggamit ng mga supplements. Ang mga supplements ay tumutulong palakasin ang immunity at iyan ang dahilan kung bakit ang pagbibigay ng dagdag na nutrisyon sa mga bata sa pamamagitan ng supplements ay nakatutulong nang malaki sa mga panahong ito.
Ang mga supplements ay tumutulong na gawin ang mga bagay na ito.
Idagdag pa rito, ang mga supplements ay mayroong maraming benepisyo sa aking anak dahil nagbibigay ito ng mahalagang bitamina at minerals.
Ano nga ba ang paraan ko upang mapakain ng supplements ang aking anak?
Ang aking paraan upang mapakain ko ng supplements ang aking anak ay gumagawa ako ng MALAKING kasunduan ukol dito. Ginawa ko ito upang ang kaniyang mahalagang treat na nakukuha niya sa loob ng isang araw. Ang sabi ko sa kaniya at alam niya na oras na para uminom siya ng multivitamins. (Sinisigurado ko rin na magsasabi siya ng please at thank you!).
At kapag humingi pa siya, ay sasabihin kong makakakuha lamang siya sa susunod na araw. Kapag dumating na ang sunod na araw, inaabangan niya ang pagkuha nito.
Nagi-guilty ba ako sa panlilinlang sa kaniya? Hindi. Kailangan niya ito para sa pag-unlad at ito ang isa sa pinakamadaling paraan mapakain siya ng supplements ng walang pagtanggi.
Saklaw ng Gerber Supplement
Ngayon, ang bagay upang maging epektibo ang paraang ito, siguraduhing nakakaakit ang supplements. Gusto ng mga bata ang matitingkad na kulay at cute na mga hugis, at ang Gerber supplements ay nagtataglay ng lahat ng ito. Ang aking anak ay walang magawa kundi kumain ng isa tuwing nakikita ito.
- Gerber Grow Mighty Complete Multivitamins
Ang multivitamins na ito ay espesyal na dinesenyo para sa mga batang edad 2 taong gulang at pataas upang masuportahan ang malusog na paglaki at pag-unlad.
Ang karaniwang kakulangan sa mga batang nag-aaral ay fiber, calcium, folate, iron, magnesium, potassium, at vitamin E. Naiulat na 2 sa karaniwang kakulangan ay ang iron at vitamin D na makikita halos sa malulusog na bata.
Ang Gerber Grow Mighty Complete Vitamins ay nagtataglay 15 mahahalagang nutrisyon tulad ng Vitamin C, D3, E B-Vitamins and Choline na may malaking benepisyo sa paglaki at pag-unlad ng iyong anak.
Ang pinakamagandang parte nito ay wala itong gluten, artificial flavors at synthetic colors, walang mani, dairy o gelatin ingredients.
- Gerber Lil’ Brainies Multivitamins & Omega Tri-Blend & DHA
Gerber Lil’ Brainies Multivitamins ay espesyal na idinesenyo para sa mga batang edad 2 taong gulang at pataas upang masuportahan ang pag-unlad ng kanilang utak at memorya.
Ayon sa pananaliksik ng Feeding Infants & Toddlers (FITS) ang diet at nutrisyonal na pangangailangan ng bata, ang mga bitamina ay may mahalagang nutrisyon na tumutulong upang makuha nila ang kanilang mga pangangailangan.
Nagtataglay ito ng DHA, Omega 3–6-9 at Choline para sa pag-unlad ng utak at memorya at vitamins d, e at Choline.
*Ang mga pahayag na ito ay hindi pa nasuri ng Food and Drug Administration. Ang produktong ito ay hindi inilaan upang mag-diagnose, gamutin, lunasan o maiwasan ang anumang sakit.
Ayon sa Feeding Infants and Toddlers Study (FITS), 2016. FITS ay isa sa pinakakilalang pagsusuri ng Gerber na hanggang ngayon ay patuloy na nag-aaral mula sa nakaraang 17 taon upang maintindihan ang diet ng mga bata at kaugnay na pag-uugali.
- Gerber Good Start Grow Toddler Probiotic 1+
Gerber® Good Start® Grow Toddler Probiotic naglalaman L. reuteri (DSM 17938) na natural na sumasakop sa digestive tract at nagpo-promote ng good bacteria. Ang araw-araw na paggamit ng L. reuteri ay sumusuporta sa digestive health at immune system. Ito rin ay nakatutulong sa isyu sa tiyan na madalas nararanasan ng mga bata.
- Gerber Good Start Grow Kids Probiotic 3+
Ang probiotic na ito ay naglalaman ng L. reuterie (DSM 17938) na natural na sumasakop sa digestive tract at nagpo-promote ng good bacteria. Ang araw-araw na paggamit ng L. reuteri ay sumusuporta sa digestive health at immune system.
Ito rin ay nakatutulong sa okasyunal na digestive discomfort o sirang tiyan, sinisuportahan nito ang kabuuang digestive function at sinusuportahan din ang immune system.
*Ang mga pahayag na ito ay hindi pa nasuri ng Food and Drug Administration. Ang produktong ito ay hindi inilaan upang mag-diagnose, gamutin, lunasan o maiwasan ang anumang sakit.
Karagdagang bagay na puwedeng gawin ng mga magulang
Maliban sa pagpapakain ng supplements sa inyong mga anak, maaari ring humanap ng iba pang mga produkto sa pagbili ng pagkain ng inyong mga anak. Ito ay makatutulong sa inyong mga anak para matugunan ang kanilang nutrisyunal na pangangailangan.
Kaya kung ikaw ay may anak na maselan sa pagkain. Huwag kalimutang ipakilala ang mga supplements at subukang mapalawak ang kanilang mga panlasa.
Alamin pa ang ibang mga impormasyon tungkol sa saklaw ng Gerber Supplement dito o bilhin ito mula Gerber Official store sa Shopee or Lazada.