Singaw sa bibig: Dahilan, lunas at paano makakaiwas

Kailan dapat ipag-alala na ang pagkakaroon ng singaw sa iyong bibig.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bakit nagkakaroon ng singaw? Isa ito sa mga posibleng naitanong na natin sa ating sarili. Pero ano ba ang sanhi ng pagkakaroon ng singaw? Huwag mag-aalala parents, ito ang mga impormasyon na dapat mong malaman tungkol sa singaw. Ilang tips din para makaiwas para rito.

Bakit nagkakaroon ng singaw?

Ang singaw o canker sore sa English ay tumutukoy sa lesion o sugat sa loob ng bibig. Ito ay madalas na pabilog o pa-oval ang hugis na maaaring kulay puti o dilaw at may red border sa kaniyang paligid.

Kaiba ito sa tinatawag na cold sores na pangunahing sintomas ng sakit na herpes simplex virus o HSV. Sapagkat ang canker sore o singaw sa ilalim ng dila ay tumutubo lamang sa loob ng bibig. Tulad na lang sa loob ng ating labi at pisngi.

O kaya naman sa ating gums o sa ilalim at ibabaw ng ating dila. Habang ang mga cold sores nama’y makikita sa labas o paligid lang ng ating bibig.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Flickr

Mga posibleng dahilan ng singaw sa bibig na sa english ay canker sore

Wala pang matukoy na eksaktong dahilan kung bakit nagkakaroon ng singaw o canker sores. Ngunit ayon sa mga pag-aaral, ito ay maaaring dulot ng iba’t ibang factors tulad ng mga sumusunod:

  1. Minor injury sa bibig dulot ng dental activity tulad ng napalakas na pagsisipilyo o aksidente sa nilalarong sports.
  2. Maaaring dulot din ito sa ginagamit na toothpaste o mouthwash na may taglay na sodium lauryl sulfate.
  3. Ito’y maaaring dulot din ng food sensitivities o allergic reactions sa mga pagkain tulad ng chocolate, coffee, strawberries, itlog, nuts at cheese. Pati na sa mga maanghang o acidic na pagkain.
  4. Ang emotional stress ay iniuugnay rin sa pagkakaroon ng singaw sa bibig, lalo na sa mga sensitive na bahagi tulad ng singaw sa ilalim ng dila.
  5. Sinasabing epekto rin ito ng kakulangan ng katawan sa vitamin B-12, zinc, folate o iron.
  6. Maaaring dulot din ito ng isang bacteria na kung tawagin ay helicobacter pylori na nagdudulot ng peptic ulcer.
  7. Sa mga babae, maaaring dulot rin ito ng hormonal shifts habang mayroong regla o menstruation.
  8. Maaaring dulot din ito ng malalang sakit na tinatawag na celiac disease. Ito’y isang seryosong intestinal disorder dulot ng sensitivity sa protein na gluten.
  9. Ipinapakitang sintomas din ito ng mga inflammatory bowel diseases tulad ng Crohn’s disease at ulcerative colitis.
  10. Isa rin ito sa sintomas na ipinapakita ng Behcet’s disease, isang disorder na nagdudulot ng inflammation sa buong katawan.
  11. Maaaring dulot din ito ng sakit na HIV/AIDS na nagpapahina sa immune system ng katawan.
  12. Ito rin ay maaaring namamana o hereditary na sa isang pamilya.

Hand photo created by cookie_studio – www.freepik.com 

Paano mawala ang singaw?

Bagama’t masakit at nakakaapekto sa pagkain at pagsasalita ang singaw, hindi naman ito nakakahawa. Madalas ay kusa rin itong nawawala sa loob ng isa o dalawang linggo.

Ang mga pinapayong paraan nga upang natural itong malunasan o maibsan ang pananakit na dulot nito ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Mag-mumog ng maligamgam na tubig na may asin o baking soda.
  • Patakan o pahiran ng milk of magnesia ang singaw ng paulit-ulit sa loob ng isang araw.
  • Umiwas sa pagkain ng maanghang o acidic na pagkain para hindi na lumala pa ang pananakit nito.
  • Lagyan ng ice ang singaw o magbabad ng maliit na piraso ng yelo sa loob ng iyong bibig.
  • Dahan-dahanin ang pagsisipilyo o gumamit ng soft brush at foaming agent free na toothpaste.

Kung ang mga singaw sa bibig ay hindi gumaling sa pamamagitan ng nabanggit na paraan ay mabuting magpakonsulta na sa iyong doktor. Lalo na kung ang singaw ay malalaki at paulit-ulit mong nararanasan.

Ganoon din ang mga singaw na matagal gumaling o inaabot ng higit sa dalawang linggo. Pati na ang nagdudulot ng labis na hirap sa pagkain at pananalita.

Lalo na kung sasabayan ang singaw sa bibig ng lagnat. Dahil may mga medikasyon o gamot na maaaring i-reseta ang doktor para maibsan ang discomfort na idinudulot ng singaw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ganoon din upang tuluyang malunasan ito.  Subalit bago ito, kailangan munang mag-perform ng blood test para matukoy kung ano ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng singaw ang isang pasyente.

Paano mawala ang singaw: Pwede ba ang toothpaste na gamot sa singaw?

Ang sagot ay HINDI. Ayon sa mga eksperto ang mga taong may canker sore ay kinakailangan iwasan ang paggamit muna ng toothpaste sa bahagi ng singaw sapagkat maaari itong magdulot pa ng singaw o lumalala pa ito. 

Paano aalagaan ang bata kapag siya ay nagka-singaw?

Samantala, para sa mga parents, ano nga ba ang dapat nating gawin 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Woman photo created by pressfoto – www.freepik.com 

Paano ito maiiwasan?

Para naman maiwasan ang pagkakaroon ng singaw, narito ang lagi mong dapat gawin.

  • Iwasan ang mga pagkaing maaaring magdulot ng singaw o maaaring maka-irritate sa iyong bibig. Lalo na ang mga pagkaing sensitive o allergic ka.
  • Kumain ng masusustansyang pagkain gaya ng prutas at gulay para maiwasan ang nutritional deficiencies.
  • Magkaroon ng good oral hygiene habits. Regular na mag-sipilyo at mag-floss ng ngipin. Gumamit ng soft bristles na toothbrush at umiwas sa toothpaste na may taglay na sodium lauryl sulfate.
  • Kung naka-braces o iba pang dental appliances ay magtanong sayong doktor tungkol sa orthodontic wax para matakpan ang mga sharp edges nito na maaring magdulot ng singaw.
  • Umiwas sa stress sa pamamagitan ng mga stress-reduction techniques tulad ng meditation.

Kailan dapat pumunta sa doktor? 

May ilang pagkakataon na kinakailangan nang pumunta sa doktor dahil sa nararanasang singaw. Lalo kung mga bata o baby ang nakakaranas nito. Pumunta sa doktor kung nakakaranas ng mga sumusunod: 

  • Singaw sa bibig na hindi normal ang laki
  • Kapag ang singaw ay umabot sa bandang labi
  • Paglitaw ulit ng isa pang singaw kahit hindi pa nawawala ang isa pa
  • Sakit na hindi na nawawala kahit ginawa na ang mga self-care measure para sa singaw
  • Hirap sa pag-inom
  • Nahihirapang kumain
  • Nilalagnat habang may singaw sa bibig
 
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement