Bakit nakukunan ang buntis? Alamin ang ilang posibleng dahilan rito.
Ang pagbubuntis at pagkakaroon ng anak ay isang espesyal na pangyayaring inaasam-asam at hinihintay ng maraming kababaihan. Subalit sa kasamaang palad, hindi naman lahat ng pagbubuntis ay natutuloy sa panganganak at nabubuhay ang bata.
Base sa mga pag-aaral, nasa 10% hanggang 25% ng pagbubuntis ay nauuwi sa miscarriage o nakukunan ang babae. Dahil dito, mahalaga na malaman ang iba’t ibang dahilan kung bakit nakukunan ang buntis.
Ito ay para maiwasan ang ganitong pangyayari, at kung hindi naman maiiwasan, mabigyan ng tamang suporta ang mga babaeng nakaranas ng pagkawala ng kanilang sanggol sa sinapupunan.
Ano ang miscarriage?
Ang miscarriage, o tinatawag ring spontaneous ay isang pangyayari na nagreresulta sa pagkawala ng buhay ng isang fetus sa loob ng sinapupunan ng kaniyang ina. Dito sa Pilipinas, sinasabi natin na “nakunan” ang babae kapag nagkakaroon ng miscarriage.
Mas madalas na maranasan ang miscarriage bago umabot ng 20 linggo ang sanggol sa tiyan, o sa unang trimester ng pagbubuntis..
Maraming posibleng dahilan kung bakit nakukunan ang buntis. Karamihan ay medical reasons na hindi niya naman kontrolado.
9 na dahilan kung bakit nakukunan ang buntis
Narito ang ilang posibleng dahilan kung bakit nakukunan ang buntis, ang mga sintomas nito at mga posibleng hakbang na gawin kaugnay ng pagtigil ng pagbubuntis.
1. Chemical pregnancy
Ayon kay Dr. Beth Davis, isang OB-Gynecologist sa Baylor Obstetrics and Gynecology ng Texas Children’s Pavilion for Women, ang chemical pregnancy ay nangyayari sandali pa lang matapos ang implantation o kapag ang fertilized egg ay nakarating na sa fallopian tube.
Maaari rin itong mangyari sa ika-limang linggo ng gestation. Karamihan sa mga nakakaranas ng chemical pregnancy ay hindi nakakaramdam ng sintomas ng pagbubuntis dahil sa mababang human chronic gonadotropon (HCG) levels.
Tinatayang nasa 50% hanggang 75% ng mga nakukunan sa first trimester ay dahil sa chemical pregnancy. Maaaring magpositibo ang kanilang pregnancy test ngunit makakaranas pa rin ng matinding pagdurugo at negatibong kasunod na pregnancy test.
Ito ang dahilan kung bakit dapat pa ring kumonsulta sa doktor kapag nakakuha ng positive result sa pregnancy test, upang makumpirma kung magtutuloy ba ang pagbubuntis.
Paano ba makunan ang buntis? | Image from Freepik
2. Blighted ovum
Ayon naman kay Dr. Nicole Manhert, isang OB-GYN sa Banner University Medical Center Phoenix, ang blighted ovum ay kilala rin sa tawag na anembryonic pregnancy. Ito ay ang pagbubuntis kung saan makikitang walang laman ang gestational sac
Nangyayari ito dahil sa isang bahagi sa simula ng pagbubuntis, tumigil ang pagdevelop ng embryo. Pinaniniwalaan na ito ay dahil sa abnormalidad sa chromosomes.
Ayon sa American Pregnancy Association, kalahati ng mga nakukunan sa first trimester ay dahil sa blighted ovum. Dahil sa mataas na levels ng HCG, magiging positibo ang kalalabasan ng pregnancy test. Dito nagiging mahalaga ang ultrasound upang makumpirma ang blighted ovum.
Ipinaliwanag ni Davis na nangyayari ang ectopic pregnancy kapag ang implantation ay mangyari sa labas ng uterus. Karamihan ay nangyayari sa fallopian tube ngunit maaari ring mangyari sa cervix, ovary, o peklat sa dating caesarean section.
Sa ectopic pregnancy, magkakaroon ng pagdurugo na maaaring may kaakibat na abdominal pain. Ang paggamot nito ay kakailanganin ng surgery o gamot na tinatawag na methotrexate.
At kung hindi ito magamot, maaaring malagay sa panganib ang nagbubuntis dahil hindi kakayanin ng fallopian tube ang lumalaking embryo.
4. Complete miscarriage
Ang complete miscarriage ay ang nakumpirmang paglaglag ng bata at walang produkto ng conception ang makikita sa uterus. Lahat ng tissue ay nailabas na ng katawan mula sa uterus.
Natural ang pagkawala ni baby sa sinapupunan. Makakaranas ang babae ng pagdurugo na may kasamang blood clots at pananakit ng puson na parang dini-dysmenorrhea.
Paano ba makunan ang buntis? | Image from Freepik
5. Incomplete miscarriage
Sa incomplete miscarriage, may maiiwan pang fetal tissue sa uterus kahit pa nakunan na ang nagbubuntis. Tulad sa complete miscarriage, makakaramdam din ng cramps at pagdurugo ang makakaranas nito.
Para matanggal ang mga naiwan na fetal tissue, kailangan sumailalim ng ina sa isang dilation and curettage procedure (D&C) para masigurong walang naiwang tissue sa uterus.
6. Missed miscarriage
Nangyayari ang missed miscarriage kapag ang nakunan ay walang naranasan na sintomas tulad ng cramps at pagdurugo. Ito ay matapos makumpirma sa scan na wala nang heartbeat ang fetus.
Gaya ng sa incomplete miscarriage, maaring sumailalim ang babae sa D&C para matanggal ang fetal tissue sa iyong uterus.
Ang stillbirth ang temang ginagamit kapag nakunan ang buntis matapos ang 20 linggo ng gestation.
Ayon sa American Pregnancy Association, maraming dahilan ang nasa likod ng stillbirth. Gayunpaman, hindi pa naiintindihan ang lahat ng dahilan na ito.
Ang mga posibleng dahilan na nakikita ay problema sa placenta, mga impeksiyon, birth defects at growth restriction.
Depende kung nasaang stage na ng pagbubuntis, maaring sumailalim ang babae sa D&C o kaya naman ay bibigyan ka ng gamot ng iyong doktor upang magsimula ang labor at mailabas mo sa natural na paraan ang fetus.
8. Abortion dahil sa medikal na rason
Kahit pa boluntaryong aksiyon, ang abortion para sa medikal na rason ay kinikilala bilang isang uri ng miscarriage. Nangyayari ito kung may makitang problema ang doktor sa mga tests para sa kondisyon ng chromosomes sa ikalawa o ikatlong trimester.
Isang halimbawa nito ang ang anencephaly, isang kondisyon kung saan ang fetus ay may mga kulang na bahagi ng utak at bungo. Karamihan sa mga mayroon nito ay hindi nabubuhay sa pagkapanganak o namamatay agad matapos ipanganak.
Sa mga ganitong pagkakataon, mas pinipili ng ilan ang boluntaryong makunan para hindi na mahirapan ang nanay at ang fetus.
Paano ba makunan ang buntis? | Image from Trym Nilsen on Unsplash
9. Komplikasyon dahil sa Rhesus factor
Ang Rhesus factor ang nagsasabi kung positibo o negatibo ang blood type ng isang tao. Kung hindi pareho o compatible ang blood type ng mag-ina (halimbawa, negatibo ang blood type ng nanay pero positibo ang sa sanggol), maaaring magdulot ito ng komplikasyon sa pagbubuntis.
Maaaring hindi ito maging problema sa unang pagbubuntis ngunit magiging dahilan para makunan sa mga susunod. Nangyayari ito dahil ang katawan ng nanay ay nagdedevelop ng antibodies na lumalaban sa fetus. Kung hindi kilalanin, ang fetus ay maaaring magkaroon ng in-utero anemia.
Sa kabutihang palad, maiiwasan ito sa pamamagitan ng pag-inject ng anti-D immune globin o Rhogram. Pinipigilan nito ang katawan sa pagbuo ng antibodies na papatay sa fetus. Ito ang dahilan kung bakit importanteng malaman ang bloodtype. Kapag naman makaranas na makunan at negatibo ang blood type, magpakonsulta dapat sa doktor.
Iba pang bagay na makaka-apekto sa pagbubuntis
Bagamat wala naman sigurong ina ang may gustong makunan o mawala ang batang kaniyang dinadala, ang kaniyang kalusugan at lifestyle habits ay maaring may kaugnayan o makasagabal sa development ng fetus. Narito ang ilan sa kanila:
- malnutrisyon o hindi pagkain nang tama
- pag-inom ng alak at paggamit ng ipinagbabawal na gamot
- edad ng ina
- sakit sa thyroid na hindi nagamot
- issues sa kaniyang hormones
- diabetes na hindi makontrol
- mga seryosong infection
- obesity o sobrang timbang ng ina
- mga problema sa cervix o uterus
- abnormal na hugis ng uterus
- matinding altapresyon o high blood pressure
- food poisoning
- mga gamot na hindi pwede sa nagbubuntis
Ugaliing kumonsulta sa iyong doktor bago uminom ng anumang gamot habang ikaw ay nagbubuntis.
Exercise at masahe – maaari bang magdulot ng miscarriage?
Para sa ilang babae, naging parte na ng kanilang routine ang pag-eehersisyo bago pa man sila mabuntis. Pero kinatatakot ng iba na maari itong makasama sa kanilang pagbubuntis at maging sanhi para makunan sila. Mayroon nga bang katotohanan ang paniniwalang ito?
Hindi naman lahat ng klase ng ehersisyo ay ipinagbabawal at makakasama sa buntis. Sa katunayan, inirerekomenda pa nga ang regular exercise sa mga buntis para maiwasan ang sobrang timbang at risk ng mga komplikasyon at stillbirth.
Ayon kay Dr. Ramon Reyles, Chairperson ng Department of OB-GY sa Makati Medical Center, may mga klase ng ehersisyo na hindi dapat ginagawa ng mga babaeng nagdadalang-tao. Anong mga ehersisyo nga ba ang bawal?
“Of course, ‘yong mga weights ganyan, jumping. Kasi the condition of the mom dictates what she can or what she cannot do.
Of course, ‘yong physical exertion, strenous, hindi pwede ‘yon. ‘Yong exercise like carrying heavy weights, bawal.
Overstretching, gymnastics, and anything that involved the risk of falling is dangerous to a pregnant mom of any gestational age.” aniya.
Paano mo ba malalaman kung ang iyong exercise na ginagawa ay hindi na makakabuti sa’yo? Narito ang paalala ni Dr. Reyles:
“If you are running, you have to slow down. Dapat mga leisure walks lang that will make you fit. Make sure when you are doing continuous exercise, the rate and the degree of exercise should still allow you to talk in a complete sentence.
Maganda sa mga buntis mayrooon silang kasama (mag-exercise). Kwentuhan, it will be a leisure form of exercise. So, if you notice that you cannot talk in a complete sentence that means your exercise is strenuous and you should slow down.”
Dagdag pa ng doktor, anumang ehersisyo o gawain na magdudulot ng hingal o hirap sa paghinga at pananakit sa katawan ay nakakasama na sa buntis.
“Any exercise that makes you breathless, that is bad. Anything, any exertion that makes you fatigue o something is aching, stop na ‘yon. Iyon ang masasama.”
Pagdating naman sa mga bagay na nakaka-relax sa isang buntis gaya ng pagpapamasahe o hilot, pwede pa rin ba itong gawin?
“Oo. It helps soothes ‘yong mga parts na may pain and it relieves the discomfort. Basta avoid lang ‘yong pressing the tummy of course. Kahit maliit ‘yan o malaki, avoid touching the tummy. Baka ma-stimulate yung contraction.
Tapos sa mga profesional masseur o ‘yong mga nag-aaccupressure, they advise to avoid the small toe especially yung side ng small toe at ‘yong below the ankles.
‘Yong malalim na part ng ankle inside and out kasi mga pressure points daw iyon na pwede mag-contract ang uterus. Kaya mas maganda, pabayaan mo yung paa, huwag na lang galawin.”payo ni Dr. Reyles.
Maari bang makunan ang buntis kapag nagpahilot siya?
“Hindi naman,” ani ng doktor. “Pero kung iyong hilot na gustong maglalag tulad ng pressing on the uterus to go down, that is harmful to early pregnancy.
Kaya nga yung lowerb abdomen in any time of pregnancy, hindi dapat ginagalaw. Kasi it can cause compression of the uterus. And it can lead to contraction. Baka mag-premature labor kaya huwag na lang.” paliwanag ni Dr. Reyles.
Anong dapat gawin kapag nagkaroon ng miscarriage?
Ang unang bagay na dapat gawin ng inang nakaranas ng miscarriage ay magpahinga. Hayaan mo ang sariling magluksa sa pagkawala ng iyong baby.
Huwag mong sisihin ang iyong sarili dahil karamihan ng mga babaeng nakakaranas ng miscarriage, hindi naman nila alam na mayroon na palang problema sa kanilang pagbubuntis.
Makakatulong rin kung makikipag-usap ka sa isang taong nakakaintindi ng pinagdaraanan mo. Pwede mong tanungin ang iyong OB-GYN kung pwede ka niyang i-refer sa isang psychologist o maging grief counselor.
Bagamat malayo pa sa isip ng isang babaeng nakunan na magbuntis ulit, puwede nang subukan uli na makabuo kapag handa na ang iyong katawan at damdamin.
Kung nakaranas ka ng complete miscarriage at natural ang paglabas ng fetus sa iyong katawan, maari nang subukang mag-conceive sa kasunod na menstrual cycle. Pero kung ikaw ay sumailalim sa D&C, kailangang maghintay muna na lumipas ang tatlong menstrual cycle, para mabigyan ng oras ang iyong katawan na maghilom.
Karagdagang ulat ni Camille Eusebio
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!