Ayon sa marriage therapist na si Aaron Anderson, kadalasan sa mga mag-asawang naghihiwalay ay masaya naman. Kadalasan pa nga raw nilang sinasabi na “they never saw it coming”. Itong tinatawag na false sense of security ay delikado. Kapag masyado kang kampante dahil maayos naman ang inyong pagsasama, maaaring ito pa nga ang inyong ikasira.
Akala ng marami ay unhappy marriage ang dahilan ng pag-cheat ng isang partner, pero mali pala ito. Sa katunayan, karamihan daw sa mga taong nagtataksil sa kanilang mga asawa ay nagsasabing masaya naman talaga sila ang isa’t isa.
Kaya nga tanong ng marami, bakit nangagaliwa ang isang tao kung masaya naman siya sa kanyang relasyon?
Bakit nangangaliwa ang isang tao?
1. Personal na pagkukulang at takot na magkamali
Minsan, nagagawang mag-cheat ng isang tao dahil sa kanyang past issues. Kahit masaya naman sila ay minsan bigla silang makakaramdam ng insecurity at dahil dito ay hahanapin nila ang sa tingin nila ay kulang sa ibang bagay o tao.
Isang halimbawa nga raw nito ay kapag ang iyong asawa ay nagiging overachiever sa trabaho. Dahil madalas, imbis na pag-usapan kapag may problema ay iniiwasan na lang niya ito.
Madalas ang pagsasawalang-bahala ng mga problema ay mas nakakaapekto sa mga relasyon. Mas maigi talaga na pag-usapan kahit ang mga maliliit na hindi pagkaka-unawaan.
2. Paghahanap ng fulfillment sa ibang bagay
Minsan ang rason kung bakit nangangaliwa ang isang tao ay dahil naghahanap ang iyong partner ng paraan para masabi ang kanyang frustrations. Kung ito ay hindi niya masabi sa’yo at hindi niya maramdaman na tanggap mo ang mga ito, maaring humanap siya ng ibang tao na pwede niyang mapagsabihan. Alamin kung “superficial happiness” na lang ang mayroon kayo. Dahil hindi makakatulong kung itatago niyo lang ang inyong issues sa isa’t isa.
Bakit nga ba madalas ay hindi inaasahan ang pangangaliwa ng isang tao?
Kung papatagalin niyo pa ang pagpapanggap na ang lahat ay ayos lang, hindi niyo talaga makikita ang mali. Lahat ng iniiwasan niyong mga problema ay bigla na lang kayong bibiglain kapag nangyari na nga ang pangangaliwa.
Kahit kailan ay hindi naging sagot na mangaliwa kapag hindi na kayo nagkakaintindihan ng iyong significant other. Hindi mo dapat hanapin sa iba ang hindi mo makita sa kanya dahil una sa lahat, minahal mo siya dahil sa kung sino siya. Kaya sa panahon na naiinis ka sa kanyang pinapakita, hindi mo dapat siya sukuan. Kundi dapat ay intindihin mo siya at sabihan. Dahil panigurado ay willing din naman siyang baguhin ito kung para naman sa ikabubuti ng inyong relasyon.
Paano naman ba iiwasan ang pangangaliwa sa isang relasyon?
Maaring sabihin mo na hindi mo naman mapipigilan ang iyong partner na mangaliwa dahil ito ay personal nilang desisyon. Pero narito ang ilang tips para mapagtibay ang inyong relasyon at maiwasan na lang na mangyari ito.
Dapat niyong matutunan na mag-usap nang masinsinan. ‘Wag magpapanggap lang. Kung mayroon talagang problema o issue sa isa’t isa, sabihin ito. Mas maigi nang maging honest sa iyong partner kaysa naman nabubuhay kayo pareho sa false security. Makinig din kapag sila ay may sinasabi at ‘wag mapangunahan ng emosyon.
Kahit ang mga masasakit at di kaaya-ayang bagay ay dapat niyong masabi nang walang pagdadalawang-isip. At mangyayari lang ito kapag naramdaman ng inyong partner na pwede ka niyang mapagkatiwalaan. Kailangan mong tanggapin kahit ang mga hindi masyadong magandang salita, dahil ito ang huhubog sa inyong relasyon para lalong tumibay.
If you want to read an english version of this article, click here.
BASAHIN: ALAMIN: Ang iba pang uri ng cheating maliban sa sex, Micro-cheating: Ang mga simpleng paglalandi na maaaring sumira sa relasyon