TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login / Signup
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

8 karaniwang dahilan kung bakit nangangaliwa si mister

4 min read
8 karaniwang dahilan kung bakit nangangaliwa si mister

Maraming dahilan kung bakit nangangaliwa ang mga lalaki ngunit karamihan sa mga ito ay bumabalik sa kakulangan at hindi pagkakaintindihan ng kasulukuyang karelasyon.

Isang mainit na usapin lalo na sa panahon ngayon ang pangangaliwa ng mga lalaki sa kanilang asawa. Sa dami nga ng gumagawa nito ay naging popular na topic at storya na ito sa mga palabas telebisyon, katulad ng Halik ng ABS-CBN. Ngunit ano nga kaya ang dahilan bakit nangangaliwa ang mga lalaki?

Ang bawat pagsasama ay dumadaan sa mga pagsubok, isa na sa pinakamatinding pagsubok na ito ay ang pagkakaroon ng third party o kabit.

Ayon kay Laurie Watson, isang sex therapist, ang pangangaliwa ng isang lalaki ay isang palatandaan ng pagkakaroon ng problema sa isang mag-asawa o minsan naman ay sintomas na ng isang sakit o personal psychopathology.

Samantalang, ayon sa isang marriage at family therapist na si Dr. Kat Hertlein, humigit kumulang 40% ng mga lalaki ang naghahanap na “sexual satisfaction” kaya sila nangangaliwa at naghahanap ng ibang babae.

Bakit nangangaliwa ang mga lalaki?

Ano nga kaya talaga ang dahilan kung bakit nangangaliwa ang mga lalaki? Narito ang ilang mga paliwanag kung bakit may kabit ang mga lalaki.

1. Immaturity o kakulangan ng karanasan

Isa mga tinuturong dahilan kung bakit may kabit ang mga lalaki ay ang immaturity o ang kawalan ng karanasan sa isang mahaba at seryosong relasyon. Dahil dito, hindi niya naiisip na mali at nakakasakit na ang kaniyang ginagawa sa kaniyang partner dahil hindi nya nararanasan na mangyari sa kaniya at masaktan.

2.Pagkakaroon ng bisyo

Maari ring nalululong sa pag-inom ng alak o iba pang bisyo ang dahilan kung bakit nangangaliwa ang mga lalaki. Dahil ang pagkakaroon ng bisyo ay nakakaapekto sa tama niyang pag-iisip na nagreresulta ng mga maling desisyon lalo na pagdating sa pakikipagrelasyon at pakikipagtalik.

3. Insecurity o kawalan ng kumpyansa sa sarili

Isang dahilan din kung bakit nangangaliwa ang mga lalaki ay ang insecurity o ang pagkawala ng kanilang kumpyansa sa sarili. Iniisip nila na masyado na silang matanda o kaya naman ay pangit na sa paningin ng kanilang partner sa buhay—kaya naghahanap sila ng ibang babae na makaka-appreciate o makakaparamdam sa kanila ulit na sila ay may halaga at may dating parin ang kanilang pagkalalaki.

4. Pagkabagot o bored sa karelasyon

Ayon kay Steve Santagati, sumulat ng Code of Honor Men: The Ten Commandments That Define All Bad Boys, 99% ng dahilan kung bakit nangangaliwa ang mga lalaki dahil sa pagkabagot o “bored” na sa kanilang karelasyon. Dahil dito ay naghahanap sila ng babaeng makakapagbibigay ng bagong sigla sa kanilang pagkatao at makakabuhay ng kanilang sexual desires at fantasies.

5. Pagbabago pisikal na itsura ng partner na babae

Ayon parin kay Santagati, isang dahilan din kung bakit may kabit ang mga lalaki ay ang kawalan ng gana sa kanilang partner dahil sa pagbabago sa pisikal na hitsura nito. Tulad ito ng pagkawala ng hubog ng katawan o pagtaba at ang kawalan ng oras na mag-ayos sa sarili o pagkalosyang. Kaya naman naghahanap sila ng bagong babae na magiging kaaya-aya sa kanilang paningin na nagiging simula ng kanilang pangangaliwa.

6. Pagbabago sa pakikitungo ng partner na babae

Isa pang dahilan kung bakit nangangaliwa ang mga lalaki ay ang pagbabago sa pag-uugali ng kanilang partner na babae. Hinahanap nila ang paglalambing na mayro’n noong bago pa lamang ang kanilang relasyon. ‘Yong dating pag-a-aruga at pagaasikaso na sa kadalasan sa pagdaan ng panahon ay nawawala na kaya naman humahanap siya ng iba na makakapagparamdam ulit sa kanila nito.

7. Hindi pagkakasunduan o pagkakaintindihan ng partner na babae

Tinuturo ding dahilan kung bakit may kabit ang mga lalaki ay ang hindi pagkakaintindihan o pagkakasundo nila ng partner niyang babae. Kaya naman upang maiwasan ang away na dulot nito ay naghahanap sila ng ibang babae na makakaintindi at makakasundo pagdating sa mga gusto at hilig niya.

8. Pagtanggi ng partner sa pakikipagtalik

Dagdag naman ni Dr. Kat Harlein, ang pagtanggangi ng mga babae sa sex ay nagiging dahilan upang sila ay makaisip na subukan itong gawin kasama ang ibang babae.

Normal sa mga lalaki ang hilig sa sex o pakikipagtalik, kaya naman sa oras na tinanggihan sila ng kanilang partner ay nakakaramdam sila ng pagka-offend at kakulangan sa kanilang pagsasama. Dahil dito naghahanap sila ng babaeng makakapagbigay ng pangangailangan ng kanilang katawan.

Marami pang ‘tinuturong dahilan kung bakit nangangaliwa ang mga lalaki, ngunit karamihan sa mga ito ay bumabalik sa problema sa kasulukuyang karelasyon.

Hindi nga nasusukat ng tagal o haba ng pagsasama ang kasiguraduhan ng maayos na relasyon. Dahil ang pakikipagrelasyon ay isang mutual understanding na kinakailangan ng pantay na pagtanggap at pagbibigay.

 

Sources: RedBookMag, EverydayHealth, Psychology Today

Basahin: Pag-amin ng isang misis: Nang mahiwalay ako sa asawa, naging kabit ako.

Partner Stories
Mega Prime treats moms to a potluck and pamper date with Marian Rivera-Dantes
Mega Prime treats moms to a potluck and pamper date with Marian Rivera-Dantes
Keeping Plastics and the Ocean Apart
Keeping Plastics and the Ocean Apart
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
Ellana Cosmetics Invites You to #ChooseBetter With Its New Clean & Conscious Skin Care Line
Ellana Cosmetics Invites You to #ChooseBetter With Its New Clean & Conscious Skin Care Line

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • 8 karaniwang dahilan kung bakit nangangaliwa si mister
Share:
  • Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

    Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

  • Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

    Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

  • Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

    Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

  • Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

    Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

  • Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

    Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

  • Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

    Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko