X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Pag-amin ng isang misis: Nang mahiwalay ako sa asawa, naging kabit ako.

4 min read

Sa isang liham, ikinuwento ng isang misis ang kaniyang istorya kung paano siya nagkaroon ng relasyon sa isang lalaking may asawa. Basahin ang pag-amin ng isang kabit.

Matapos kaming maghiwalay ng mister ko, nakaramdam ako ng lungkot. Naging masakit ang paghihiwalay naming mag-asawa. Sa madaling salita, ako ang iniwan.

Nang lumipas ang anim na buwan, sinubukan kong mag-move-on. Sumali ako sa isang social networking site upang makakilala ng taong pareho ang mga interes katulad ko.

Nahanap ko siya dito. Nag-chat kami at nagpalitan ng email bago kami nagdesisyon na magkita para mag-kape. Nagustuhan namin agad ang isa’t isa. Matalino siya. Magaling siyang makinig at tinatanong ang mga opinyon ko tungkol sa mga bagay.

Nang lumaon, napunta ang mga pag-uusap namin sa paksa ng sex. Nagtanungan kami kung ano na ang mga nagawa namin, kung ano ang mga gusto namin sa kama.

Nabanggit niya na may asawa na siya. Hindi ko kailan man ginusto na maging kabit… Pero gusto ko siya.

Kahit dati pa, na-e-enjoy ko ang sex. Ngunit hindi ko pa nasubukan na maging adventurous sa kama. Nang magsimula ang aming relasyon, doon ako nakahanap ng katapat ko pagdating sa pagtatalik. Pinag-uusapan namin kung ano ang mga gusto naming subukan at pag nagkita na kami, tinutupad namin ang aming mga pantasya. Naging higit sa sex ang ginagawa namin, kundi pag-explore sa isa’t isa.

Sa ngayon, inaamin kong nag-e-enjoy ako sa relasyon namin. Alam kong kabit ako at ayoko na mapunta sa sitwasyong ito. Ngunit nakatagpo ako ng lalaking nagpapaligaya sa akin. Sa tingin ko, hindi pa namin kayang tumigil.

Paano itigil ang relasyon

Walang ano mang rason na makakapagpatama sa pakiki-apid sa taong may asawa. Ngunit kung ikaw ang nasa sitwasyong ito, minsan hindi mo nakikita na walang magandang maidudulot ang ganitong relasyon.

Narito ang ilan sa mga dapat mong pag-isipan, kung ikaw ang nasa ganitong posisyon:

1. Tignan ang kanilang ginagawa imbis na pakinggan ang kanilang sinasabi

Kadalasan, sasabihin ng lalaki na binabalak nilang iwan ang asawa nila o di kaya’y naghahanap pa sila ng tamang panahon para iwanan ang kanilang misis. Gusto mo man siyang paniwalaan, ang katotohanan ay malamang, ikaw ang iiwanan niya sa huli.

Madali na sabihin na iiwanan nila ang asawa nila, ngunit tignan ang kanilang mga ginagawa. Makikita mo na pinapaasa ka lang niya at tinutuloy lang ang relasyon habang madali pang kumawala.

2. Hindi mo nakikita ang kaniyang buong pagkatao

Kung sa tingin mo na kilala mo ang pagkatao niya, nagkakamali ka. Nakikita mo lang ang isang bahagi ng kaniyang personalidad—ang bahagi na gusto niyang makita mo. Hindi mo alam kung paano siya pag kasama niya ang pamilya niya o ang ibang tao.

Kinakasama ka lang niya dahil madali ito para sa kaniya. Nagkakaroon ng kerida ang mga lalaki dahil pakiramdam nila na nakakalaya sila sa kanilang mga obligasyon sa asawa at anak.

3. You deserve better

Hindi ka dapat nakukuntento na maging kabit na itinatago sa publiko. Kailangan mo ng isang taong bibigyan ka ng tamang pagmamahal at alaga. Deserve mo na magkaroon ng isang relasyon na hindi nakapaloob sa mga kasinungalingan.

4. Makipaghiwalay ng harapan

Huwag makipaghiwalay gamit ang text o chat. Kausapin siya ng harapan para hindi mo maramdaman na walang closure sa inyong paghihiwalay. Kapag kaharap mo siya mas magiging maayos ang pagtatapos ng inyong relasyon. Hindi ito magiging madali pero kailangan mo itong gawin.

5. Huwag magpaligoy-ligoy

Kung makikipaghiwalay na sa kaniya, sabihin mo ang gusto mong sabihin at huwag magpa-ligoy-ligoy. Huwag din magbigay ng pag-asa sa kaniya na maaari pa kayong magkabalikan. Iwasan na sabihin ang mga linyang, “Sana maging magkaibigan pa rin tayo” o di kaya’y “Mahal pa rin kita.” Mas magiging mahirap mag let go kapag alam niyong may relasyon pang puwedeng balikan.

Huwag siyang paasahin. Kapag sinabi mong hiwalay, iparating mong wala nang balikan.

6. Maging matatag

Ang pinakamahirap sa paghihiwalay ay ang pagkakaroon ng disiplina na huwag nang umulit pa. Maaaring subukan niyang sabihin na iiwanan niya ang pamilya niya para sa ‘yo o yayain kang lumabas ulit bilang “magkaibigan” lamang. Pigilan mo ang sarili mo at maging matatag na huwag makipag-usap. Kalimutan mo na lang siya.

Partner Stories
One Fine Valentine's At Rustan's
One Fine Valentine's At Rustan's
5 ways to be healthy—with your kids
5 ways to be healthy—with your kids
SEE, TASTE AND LOVE THE NEWEST DAIRY-FREE MILK IN THE METRO
SEE, TASTE AND LOVE THE NEWEST DAIRY-FREE MILK IN THE METRO
The Experts Have Spoken:  What They Wish Parents of 3+ Toddlers Knew
The Experts Have Spoken: What They Wish Parents of 3+ Toddlers Knew

Importanteng isipin mo kung anong makakabuti sa iyo at kung anong makakapagpasaya sa ‘yo—at siguradong hindi ito ang pakikipagrelasyon sa lalaking may asawa.

 

Source: yahoo.com, The Guardian, The Asian Parent

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Candice Lim Venturanza

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • Pag-amin ng isang misis: Nang mahiwalay ako sa asawa, naging kabit ako.
Share:
  • Sikreto ni Misis: Tuwing nasa abroad si Mister, nakikipag-sex ako sa iba

    Sikreto ni Misis: Tuwing nasa abroad si Mister, nakikipag-sex ako sa iba

  • REAL TALK: May happy ending ba ang mga kabit?

    REAL TALK: May happy ending ba ang mga kabit?

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Sikreto ni Misis: Tuwing nasa abroad si Mister, nakikipag-sex ako sa iba

    Sikreto ni Misis: Tuwing nasa abroad si Mister, nakikipag-sex ako sa iba

  • REAL TALK: May happy ending ba ang mga kabit?

    REAL TALK: May happy ending ba ang mga kabit?

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.