Kung ikaw ay magulang ng isang 5 taong gulang at pababa na bata, maaaring nagtataka kung bakit nangingitim ang ipin ni baby. Ayon sa mga eksperto, maaaring ikaw ang dahilan nito.
“Ang Nursing Bottle Syndrome (NBS)…ay nangyayari kapag ang ngipin ng baby ay nadidikit nang matagal sa mga inumin na may asukal tulad ng gatas, formula o juice,” ayon sa isang Huffington Post report.
“Nagdudulot ito ng matinding pagkabulok. Dahil dito, ang mga batang nasa 2 taong gulang pa lamang ay nangangailangan ng pasta, crowns o pagbunot.”
Si Humairah Shah na isang dentista at manunulat ng children’s book ang sumulat ng naturang report. Kanyang ibinunyag na mayroong malaking pagtaas nitong nakaraang dekada ang bilang ng mga toddler na nangangailangan ng dental procedure dahil sa NBS.
Bakit nangingitim ang ipin ni baby?
“Kapag ang bata ay nakatulog nang may subong bote o nagbre-breastfeed, naiiwan ang gatas sa kanilang bibig buong gabi,” ayon sa kanya.
“Ang bacteria na matatagpuan sa bibig ay bine-break down ang sugar bilang asido, na nagdudulot ng pagkasira ng ngipin.”
Kanuang iminungkahi na matapos ang unang taon ng pag-breastfeed, maghanda ng bote ng tubig. Pagkatapos mag gatas ng bata, painumin ito ng tubig nang mahugasan ang ininom mula sa mga ipin.
“Gawing layunin na unti-unting mabawasan ang dami ng pagpapakain sa gabi.”
Kanya ring nabanggit na umaabot ng $2,ooo (mahigit P100,000) ang nagagastos ng mga pasyente dahil sa NBS.
“Karamihan ng mga pasyente na may NBS ay mga batang wala pang 5 taong gulang,” ayon sa kanya. “Nakita ko silang nahihirapan at ang mga magulang ay umiiyak habang isinasagawa ang paggamot. Isipin ang mangyayari kung gamitin ang perang ito para turuan ang mga magulang at anak tungkol sa issue na ito.”
Paano iwasan ang NBS
Ibinahagi ni Humairah ang tips kung paano iiwasan ang NBS:
- Ipag-wean ang mga bata mula sa bote pagdating ng 12 hanggang 14 buwan
- Huwag hayaan ang bata na maglakad na may subong bote ng gatas nang mahigit 20 minuto
- Simulan ang regular na pag-toothbrush sa bata kapag may ngipin na
- Dapat masimulan ang dental examinations sa ika-12 buwan o masmaaga, kapag makitang may problema
- Dapat iwasan ang juice at soda dahil maaari itong magdulot ng pagkasira ng ngipin; 4oz ang maximum na dami ng juice na dapat iniiom ng bata sa isang araw
- Dapat pakainin ang mga bata kada 2 hanggang 3 oras
- Ang tipikal na schedule ay almusal nang 8am, meryenda nang 10am, tanghalian nang 12pm at iba pa
- Tubig lang dapat ang kanilang iniinom sa pagitan ng mga pagkain
Kailan nga ba nagsisimula ang pagngingipin?
Ang mga sintomas ay sadyang nauuna ng halos tatlong buwan kaysa sa paglabas ng unang ngipin ni baby. Karaniwang lumalabas ang ngipin sa ika-6 na buwan, ngunit may mga tabang 3 buwan pa lamang ay may mga nagsisimula nang lumabas. May iba rin na umaabot ng halos isang taon bago pa magkangipin. Madalas na nauuna ang dalawang ngipin sa harap, sa ibaba, kasunod ng dalawang ngipin sa harap din, sa itaas.
Gamot sa sakit ng ngipin ni baby
Dahil ang anak mo ay bata pa, mas maigi kung gumamit na lang muna ng mga natural na gamot sa sakin ng ngipin ni baby. Narito ang ilang options na puwede mong gamitin:
- Pamumugin siya ng salt water solution. Katulad sa matatanda, mainam ang halo ng maligamgam na tubig at asin para sa sakit ng ngipin ni baby.
- Puwede rin ang cold compress para maibsan kaagad ang sakit at hindi na siya umiyak.
- Kung hindi gumana ang mga ito, maaring bigyan din sila ng mga anti-inflammatory gels na safe para sa baby. Ito ay madalas na nakakaibsan ng sakit ng ipin pati na ng pamamaga ng gums.
Kapag nagawa na ang mga ito, magpa-appointment na kaagad sa kanyang dentista para magabayan sa tamang proseso ng pagngingipin ni baby.
BAWAL: Ayon sa Food and Drug Administration (FDA), huwag bibigyan si baby ng topical numbing agents, tulad ng herbal o homeopathic teething gels at iba pang katulad na medisina.
Kung ang unang ngipin ni baby ay wala pa rin pagdating ng 18 buwan, ikunsulta ito sa iyong pediatrician, na maaaring mag-rekomenda ng pediatric dentist para kay baby. Hindi dapat mabahala kung huli ang paglabas ng ngipin ng anak. Kailangan lang siguraduhing walang ibang komplikasyon ito.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Source: Huffpost
Basahin: Ngipin ng bata: Pagsunod-sunod at timeline ng baby teeth at permanent teeth