Ilang araw bago lumabas ang ipin ng baby? Tuklasin lahat ng kailangang malaman sa pagkakasunod-sunod ng paglabas at timeline, sa baby teeth at permanent teeth. May tips din sa pag-aalaga sa ngipin ng baby.
Ang ngiti ng baby ay isang bagay na talaga namang nagdadala ng saya sa isang magulang. Lalo na kapag nakikita mong nagsisimula nang tumubo ang kaniyang mga ngipin.
Ang paglabas ng ngipin ng baby ay bahagi ng kaniyang physical milestones. Pagdating niya ng 2 hanggang 3 taong gulang, lahat ng 20 na unang ngipin o tinatawag na baby teeth ay dapat lumabas na. Sa article na ito, susuriin natin ang pagkakasunod-sunod ng paglabas ng baby teeth at primary teeth. At kung ilang araw bago lumabas ang ipin ng baby ng siya ay maipanganak.
Talaan ng Nilalaman
Kailan o ilang araw bago nagsisimulang lumabas ang ipin ng baby?
Ang unang mga ngipin ng bata ay karaniwang lumalabas sa gilagid pagdating ng 6 na buwan. Tandaaan lamang na pagdating sa pagngi-ngipin, iba-iba ang bawat bata.
May mga batang nagkakangipin nang maaga, simula 4 na buwan, at mayroon din namang sinisimulan pa lamang tubuan ng ngipin pagdating ng kanilang unang kaarawan.
Subalit mayroon ding mga kaso na ang sanggol ay ipinapanganak na mayroon nang isang ngipin o higit pa.
Narito ang ilang kaalaman tungkol sa pagngingipin o teething ng baby:
- Kadalasan ay mas maagang lumalabas ang ngipin ng mga babae kumpara sa mga batang lalaki.
- Ang mga premature at magaan nang ipinanganak ay maaaring mas nahuhuli ang paglabas ng ngipin at may enamel defects na nagiging panganib sa pagkasira ng ngipin.
- Bilang tanda, sa loob ng 6 na buwan na pagngingipin ng baby, tinatayang 4 na ngipin ang lumalabas.
- Kadalasang nauunang lumabas ang mga ngipin sa baba kumpara sa nasa itaas.
- Kadalasang pantay ang paglabas ng mga unang ngipin. Ang mga ngipin sa parehong panga ay lumalabas nang dala-dalawa — isa sa kanan at isa sa kaliwa.
- Mas manipis ang enamel ng mga unang ngipin (kaya naman kailangan nila ng fluoride), mas maliit at mas maputi kumpara sa permanent teeth.
- Ang mga puwang sa pagitan ng mga baby teeth ay mahalaga para sa sapat na lugar para sa mas malalaking permanent teeth.
- Inirerekomenda ng American Academy of Pediatrics (AAP) ang pakikipag-usap sa dentista kung hindi pa rin tumutubo ang ngipin ng baby pagdating niya ng 18 buwan.
Bakit wala pang ngipin si baby?
Mayroong 5 uri ng mga ngipin na made-develop sa unang tatlong taon ng buhay. Ang iyong baby ay kadalasang makukuha ito sa ganitong pagkakasunod-sunod:
- central incisors (ngipin sa harapan)
- lateral incisors (pagitan ng central incisors and canines / pangil)
- mga unang molars
- canines (katabi ng mga unang molars)
- second molars
Mahalagang alalahanin na maaaring magkakaiba ang paglabas o ilang araw bago lumabas ang ipin ng baby.
Ang ngipin ng bata ay maaaring matanggal nang kahit anong pagkakasunod-sunod, ngunit ang baby teeth ay kadalasang natatanggal katulad ng pagkakasunod-sunod ng kanilang paglabas. Gayundin, kung ang baby teeth ay lumabas nang huli kumpara sa iba, mas matagal niya rin ang mga ito bago matanggal.
Inilista namin ang pagkakasunod-sunod ng (kadalasang) paglabas ng baby teeth, at inaasahang pagtanggal ng mga ito.
|
Uri ng Ngipin
|
Kailan lalabas
|
Kailan natatanggal
|
Lower central incisor |
6 hanggang 10 buwan |
6 hanggang 7 taong gulang |
Upper central incisor |
8 hanggang 12 buwan |
6 hanggang 7 taong gulang |
Upper lateral incisor |
9 hanggang 13 buwan |
7 hanggang 8 taong gulang |
Lower lateral incisor |
10 hanggang 16 buwan |
7 hanggang 8 taong gulang |
Upper first molar |
13 hanggang 19 buwan |
9 hanggang 11 taong gulang |
Lower first molar |
14 hanggang 18 buwan |
9 hanggang 11 taong gulang |
Upper canine o cuspid |
16 hanggang 22 buwan |
10 hanggang 12 taong gulang |
Lower canine o cuspid |
17 hanggang 23 buwan |
10 hanggang 12 taong gulang |
Lower second molar |
23 hanggang 31 buwan |
10 hanggang 12 taong gulang |
Upper second molar |
25 hanggang 33 buwan |
10 hanggang 12 taong gulang |
Nagdudulot ba ng lagnat ang pagngingipin?
Habang nagsisimulang tumubo ang ngipin ng baby, maaaring makaapekto ito sa kaniyang ugali o pagkilos.
Maaari siyang magkaroon ng rashes (dahil sa labis na paglalaway), posible rin na maging balisa ang bata at dumadalas ang paggising sa gabi, lalo na kung sabay-sabay na tumutubo ang kaniyang ngipin. May mga kaso rin na siya ay sandaling nawawalan ng gana sa pagkain ilang araw bago lumabas ang ipin ng baby.
Lahat naman ito ay normal lang at kusang nawawala, pero pwede mo ring tulungan si baby sa pamamagitan ng pagbibigay ng malamig na teether o milk popsicle para bahagyang maibsan ang pananakit at pamamaga ng gilagid.
Paniniwala pa ng matatanda, minsan raw ay nilalagnat ang bata dahil sa pagngingipin. Ayon sa mga eksperto, posible na bahagyang tumaas ang temperatura ng sanggol dahil sa pagngingipin, subalit hindi ito sapat upang magdulot ng lagnat sa bata.
Ayon kay Dr. Maria Belen Vitug-Sales, isang pediatrician mula sa Makati Medical Center, hindi naman talaga mismong ang pagngingipin ang sanhi ng sakit ng sanggol, pero maaaring konektado ito sa mga bagay na kanilang isinusubo.
“Ang theory ko diyan kapag nagngingipin, the ipin starts to come out around 7 months. So around 6 months nanggigil na sila lahat ng puwedeng isubo, isusubo na nila. Lalo na ilang araw bago lumabas ang ipin ng baby.
And they like biting with everything, nanggigil na sila. Kasi siguro maga na iyong kanilang gums.
The fact that they put everything in their mouth gives them a risk of getting bacteria there and they may get diarrhea. Not because eksaktong lumabas iyong ngipin, pero nag-coincide at the same time.” paliwanag niya.
Bakit wala pang ngipin si baby?
Ilang araw bago lumabas ang ipin ng baby
Isa sa mga development na maaaring pagdaanan ng baby ay ang teething. Ang teething o odontiasis ay nangyayari kapag nagsisimula ng tumubo ang ipin ng baby o ilang araw bago lumabas ang ipin ng baby.
Maaari ng magsimula sa ika 90 araw ang teething ng baby. Kung pagbabatayan naman ang chart ng teeth eruption sa itaas, maaaring tumagal ng 120 hanggang 210 o ilang araw pa bago lumabas ang ipin ng baby.
Ilang months bago tubuan ang ipin ng baby
Ang kasunod na tanong ng mga mommies ay ilang months nga ba bago tumubo ang ipin ng baby? Karamihan sa mga baby ay may 4 hanggang 7 o ilang months bago tumubo ang ipin ng baby.
Sa ibang pagkakataon naman, mas matagal pang tubuan ang baby kaysa sa average na bilang kung ilang month bago tumubo ang ipin.
Wala ring dapat ipag-aalala kung hindi man naaayon sa timeline ng kung ilang araw o ilang months bago lumabas ang ipin ng baby. Hindi naman pare-pareho ang development ng lahat ng baby.
Bakit matagal tubuan ng ngipin si baby
Napapatanong tayo mga mom kung bakit matagal tubuan ng ngipin si baby. Bilang bahagi ng milestones ang pagtubo ng ipin, hindi ito basta-basta nangyayari at maiiugnay ito sa mabagal din na development ng mga buto sa katawan ng inyong anak.
Sa ibang kaso naman, may mga baby na bakit matagal kung tubuan ng ngipin ay dahil sa sila ay premature birth baby at may low weight nung ipanganak. Ito naman ang nagiging sanhi ng marupok na ipin dahil sa enamel defects na meron sila.
Bakit mahalagang alagaan ang baby teeth?
Kung hindi naman pala permanente ang tumutubong ngipin ng baby, bakit pa ito kailangang ingatan kung matatanggal at mapapalitan rin naman ito?
Ayon sa mga dentista, mahalaga pa rin na alagaan ang baby teeth dahil kapag nagkaroon ng cavities ang bata, maaari siyang makaranas ng sakit, at makakaapekto ito sa kaniyang kalusugan.
“Baby or primary teeth are important because they are key to your child’s overall health, nutrition, and development.
Kids who are cavity-free eat more, in terms of quantity and variety of food, making physical growth faster. They enjoy a better quality of life because they are pain-free with a reduced risk of systemic infections from bacteria that come from decayed teeth,” ani Dr. Carmina Gulmatico Dela Cruz, isang pediatric dentist at orthodontist.
Narito pa ang ilang dahilan kung bakit dapat pangalagaan ang mga unang ngipin ng iyong anak:
- Nagre-reserve ito ng lugar para sa permanenteng ngipin napapalit.
- Nagbibigay ito ng normal na itsura sa mukha.
- Nakakatulong sa development ng pagsasalitang naiintindihan.
- Nakakatulong sa pagtanggap ng tamang nutrisyon (ang kulang o sirang ngipin ay nagpapahirap sa pagnguya, naging dahilan ng pagtanggi ng bata sa pagkain).
- Nagbibigay ng magandang simula para sa permanent teth eth. Ang pagkasira o impeksiyon sa baby teeth ay nagiging sanhi ng itim na spots sa permanent teeth na nade-develop.
Paano nagkakaroon ng bulok na ngipin ang baby?
Maaring magtaka ang ilang magulang, “Paano nasisira ang ngipin ng baby ko kung hindi naman siya gaanong kumakain ng matatamis?”
Subalit kung ang iyong anak ay dumedede habang natutulog, o kaya naman ay nakapasok pa ang kaniyang bote sa kaniyang bibig habang natutulog, maaari siyang magkaroon ng tinatawag na baby bottle tooth decay.
Ito ay isang uri ng tooth decay kung saan nasisira ng mga matatamis na inumin ang ngipin ng isang bata. Hindi lamang ito limitado sa gatas, dahil posible rin ito mangyari sa ibang matamis na inumin. Ngunit madalas kasi ay gatas ang pangunahing dahilan nito, kaya’t ito ang naging pangalan.
Para sa karagdagang imapormasyon tungkol sa baby bottle tooth decay, basahin rito.
Samantala, narito naman ang ibang bagay na dapat alalahanin pagdating sa pangangalaga ng ngipin ng baby:
Tips sa pag-aalaga ng bago na tubo ong ngipin ng baby at bata
- Bago pa lumabas ang ngipin, maaari nang simulan ng mga magulang ang pagpunas sa gilagid ng baby gamit ang malambot na pamunas o malambot na sipilyo para maging kaugalian ang oral hygiene.
- Para sa breastfed na mga baby, itigil ang pagpapakain sa gabi kapag lumabas na ang ngipin.
- Ang mga fruit juice, soft drinks, matamis na tsaa, formula, o gatas ay huwag ilagay sa bote ng bata o sippy cup sa pagtulog. Sa mga oras na ito, dapat ay tubig lamang ang laman ng mga bote o sippy cup.
- Sanayin na sa baso ang baby pagkaya na nitong umupo (mga 6 buwang gulang) at pilitin tanggalin ang paggamit ng bote pagdating ng 1 taong gulang.
- Linisin o isipilyo ang mga ngipin ng bata dalawang beses sa isang araw. Ang mga toothbrush ng mga bata ay dapat malambot na may maliit na ulo at malaking hawakan.
- Ayon sa AAP, ang pagsisipilyo ay dapat binabantayan hanggang kaya nang magmumog at maghugas ng bata ng sobrang toothpaste (kadalasan hanggang 6 taong gulang). Ang mga mas bata pa ay wala pang sapat na hand coordination na kailangan para mag-isang magsipilyo bago ang edad na iyon.
- Huwag dapat hayaan ang bata na lumunok ng toothpaste na may fluoride.
Tandaan na upang makaiwas sa baby bottle tooth decay, mahalaga na magsipilyo ang bata pagkatapos niyang kumain at bago siya matulog.
Kapag tumungtong na ng 1-taong-gulang ang bata, dapat ay dalhin na siya sa dentista para matingnan ang kaniyang ngipin at mabigyan ng payo kung paano pangangalagaan ito.
Mas maganda na sa murang edad ay magkaroon na ng good dental habits ang bata upang kapag lumabas na ang kaniyang permanent teeth ay alam na niya kung paano ingatan ito.
Pagkakasunod-sunod ng pag-labas ng permanent teeth
Ang paglabas ng permanent teeth ay nagsisimula sa pagitan ng 5 at 7 taong gulang at natatapos pagdating ng 13 hanggang 14 taong gulang. Ang bata ay malamang na makukuha ang 28 permanent teeth pagdating ng 13 taong gulang. Samantalang ang apat na wisdom teeth ay kadalasang dumarating kapag siya ay 17 hanggang 21 taong gulang.
Ang tipikal na pattern para sa paglabas ng permanent teeth ay central incisors, lateral incisors, first molars, premolars, canines, second molars, at third molars (wisdom teeth), bagama’t hindi lahat ay nade-develop o lumalabas ang third molars.
Narito ang isang chart kung kailan mo maaasahang lumabas o tumubo ang permanenteng ngipin ng iyong anak.
Bakit wala pang ngipin si baby?
Tandaan, ang pagkakaroon ng good dental habits ay makakatulong para makaiwas sa pananakit at pagkasira ng ngipin ng iyong anak, kaya mahalaga na turuan siya nito nang maaga. Importante ang pagsisipilyo, at kung kaya na ng iyong anak, turuan na rin siyang gumamit ng dental floss at mouthwash.
Kung mayroon kang katanungan tungkol sa tamang pagtubo ng ngipin at pangangalaga ng ngipin ng iyong anak, huwag magdalawang-isip na kumonsulta sa isang dentista.
Sintomas ng nagngingipin na baby ilang araw bago lumabas ang ipin
Ang mga sintomas at senyales ng nagngingipin na baby ilang araw bago pa lumabas ang ipin ay magkakaiba sa bawat baby. Pero, maaaring tignan ang mga indikasyon na ito para ma-excite sa pagtubo ng ipin niya:
- Namamagang gilagid ng baby
- Maiirita at umiiyak ng umiiyak ang baby
- Lagnat na umaabot lamang sa 38 degrees Celsius
- Pangangagat at gustong ngumuya ng matitigas na bagay
- Sobrang paglalaway ng baby, na nagiging dahil ng rashes sa mukha
- Pag-rub ng kanilang pisngi o paghila ng kanilang tenga, marahil dahil sa sakit ng namamagang gilagid
- Laging pagpasok ng kamay sa kanilang bibig
- Pagbabago sa eating at sleeping pattern
Mga sintomas na may komplikasyon sa pagngingipin na baby
Ang mga sintomas ng nagngingipin na baby ay masakit din para kay baby habang tumutubo ang ipin. Pero, ang mga sumusunod na senyales ay dapat ng ikonsulta agad sa doktor. Dahil hindi na ito normal na sintomas ng nagngingipin na baby o ang mga kaniyang mararanasan na ilang araw bago lumabas ang ipin ng baby:
- Pagtatae ng baby dahil sa ngipin
- Pabalik balik na lagnat ng baby dahil sa ngipin
- Pagsusuka ng baby
- rashes sa katawan ng baby
- pag-ubo at pagkakaroon ng congestion
Akala natin, ang pagtatae at pabalik balik na lagnat ng baby dahil sa ngipin ay kabilang sa mga normal na senyalas bago lumabas ang ipin ng baby. Ang pagkakaroon naman ng lagnat ng baby dahil sa ngipin ay normal kung ito ay isang beses lang mangyayari at hindi ganoon kataas.
Vitamins para sa ngipin ng baby ilang araw bago lumabas ang ipin
Dahil mai-eexpect na natin kung ilang araw o buwan bago lumabas ang ipin ng baby, maaari na natin siyang painumin ng vitamins na makakatulong sa matiwasay na pagtubo ng ipin at essential para sa gums niya.
Narito ang mga vitamins para sa ngipin ng baby na maaaring ikonsulta muna sa inyong pediatrician kung aling brand ang dapat bilhin:
- vitamin D
- Calcium
- phosphorus
- vitamin A
- vitamin C
- Iron
Ang mga vitamins na ito para sa ngipin ng baby ay maaaring makuha rin sa mga pagkaing pwede niyang kainin. Ang pagtubo ng ipin ni baby ay maaaring kasabay na rin ng pagsisimula niya sa solid foods.
Gamot sa teething ng baby
Narito naman ang gamot na dapat muna ring ikonsulta sa doktor para sa teething ng baby:
- Maliit na dose lamang ng acetaminophen (pain reliever) para maibsan ang matinding sakit ng pagtubo ng ipin
Huwag painumin ng ibuprofen ang inyong baby. Hindi rin makakatulong ang mga gamot na ipinapahid sa gilagid. Iwasan ang mga gamot na may benzocaine dahil hindi pa dapat ito ma-in take ng bata below 2 years old.
Sana ay nasagot ng artikulong ito ang mga dapat asahan ilang araw bago lumabas ang ipin ng baby. At ang mga dapat mong gawin sa oras na tumutubo na ang kaniyang baby teeth para masigurong ito ay healthy.
Karagdagang ulat mula kay Camille Eusebio at Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!