Ang drooling o paglalaway ng baby ay kadalasang mapapansin sa kanila.
Ang paglalaway at paglalaro/ pagpapabula ng laway ng mga baby ay natural sa panahong nagsisimula na silang lumaki (3-6 na buwan) at ang panahon na bibig ang pangunahin nilang ginagamit sa pagkuha ng alinmang bagay.
Nagsisimula na ang pagtubo ng mga ngipin ni baby kapag sobra na ang kanyang paglalaway, bagay na nakatutulong sa kanyang mga gilagid.
Ngunit, kapag sobrang naglalaway si baby at mukha siyang nanghihina o may sakit, maaaring nahihirapan siyang lumunok ng pagkain. Nangangailangan ito ng agarang medikal na atensyon.
Paglalaway ni baby
Ang paglalaway ni baby ay may mga functions na nakakatulong sa kaniya habang lumalaki. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Pagkain. Pinalalambot ng laway ang pakain kapag nasa buwan na siya na puwede nang mag-solid food.
2. Bibig. Pinananatiling basa ng laway ang bibig ni baby (para din sa pagkain).
3. Paglunok. Nakatutulong ang laway sa moist ng bibig at lalamunan, bagay na kailangan para sa maayos at madaling paglunok ng pagkain.
4. Panlusaw. Nilulusaw ng laway ang mga natirang pagkain at tinga sa kanyang bibig.
5. Ngipin. Pinoprotektahan ng laway ang gilagid at ngipin ni baby, lalo na sa panahong nagsisimula na siyang kumain ng solid food.
Sapagkat ang paglalaway ni baby ay may benepisyo sa kanyang mga gawaing ginagamit ng bibig, tignan naman natin ang mga naitutulong ng paglalaway niya sa bawat yugto ng kanyang paglaki.
Larawan mula sa Shutterstock
Sa mga unang tatlong buwan ni baby, hindi pa siya maglalaway. Dahil ito sa laging patihayang posisyon niya. Ang ibang babies ay nagsisimulang mag-drool simula 3 buwan.
Sa panahong ito, medyo kontrolado na ni baby ang paglalaway niya. Nagtutuloy-tuloy lamang ito kapag naglalaro siya ng laway o kapag sumusubo siya ng laruan. Kadalasan, nagsisimula nang tumubo ang ngipin nila kaya sila naglalaway.
Sa stage na ito, nagsisimula nang matutong magpagulong gulong at gumapang. Nagpapatuloy pa rin ang kanilang paglalaway dahil may mga tumutubo pa ring mga ngipin. Ang pagtubo ng mga ngipin ay nagstimulate ng paglalaway ni baby.
Pagdating ng ganitong edad, nagsisimula nang matuto si baby na maglakad at tumakbo takbo. Pero, hindi siya naglalaway kapag o habang naglalakad o tumatakbo.
Kapag meron siyang bagay na pinagtutuunan ng pansin, doon naglalaway si baby.
Hindi naglalaway si baby kapag gumagawa siya ng mga gawaing ginagamit ng motor skills. Maaari silang maaglaway kapag sinusubuan sila ng pagkain o kaya ay kapag dinadamitan.
At sa wakas, minimal na ang paglalaway ni baby. Maaaaring madalas na hindi mo na siya makikitang naglalaway.
Ito ang mga bahagi ng panahon ng paglaki ni baby na kung saan ay nagpapakita rin ng kanyang development at kung paano nakakaapekto ang mga ito sa paglalaway ni baby.
Maaari rin na sa bawat babies, hindi sila eksaktong magkakapareho ng development. Maski ang paglalaway ng mga baby ay may iba’t ibang paraan.
Dapat bang hayaang maglaway si baby?
Ang tuloy-tuloy na paglalaway ni baby, lalo na sa mga buwan na tinutubuan siya ng ngipin, ay normal. Pero, kahit naglalaway siya nang tuloy-tuloy, kailangang punasan ito.
Ito ang dahilan kaya laging may pamunas para sa laway ang baby, o kaya ay mayroon siyang bib.
Ayon naman sa Birth Injury Help Center, minsan, kapansin-pansin sa mga baby ang sobrang paglalaway.
Kadalasan, ang sobra sobrang paglalaway na medically naire-record ay manipestasyon ng low muscle tone, kakulangan ng sensitivity ng mga labi at ng mukha, at nahihirapang lumunok ng pagkain.
Minsan naman, sa ibang babies, normal pa rin ang paglalaway after nilang tumuntong ng 2 years old. Pero, ang sobrang paglalaway na ito ay kadalasang sintomas ng mga batang may kondisyong neurological impairment.
Kaya mommies, mahalagang humingi ng konsulta mula sa inyong baby health care provider. Maaaring ang sobrang paglalaway ni baby ay sintomas ng mas malalang kondisyon ng birth injury.
Hindi dapat hayaang maglaway nang sobra si baby dahil maaaring makaapekto rin ito sa kanyang social life paglaki, maging sa mga araw araw niyang gagawin.
Larawan mula sa Pexels
BASAHIN:
Mga bagay na dapat i-consider sa pagpili ng damit ni baby
7 sintomas ng pagkaduling o pagkabanlag ng baby na dapat itong ikonsulta sa doktor
Pusod ng baby: Tamang paraan ng pag-alaga at paglinis nito
Mga ilang paraan ng paggamot sa sobrang paglalaway ni baby
Para masolusyonan ang sobrang paglalaway ni baby, ito ang mga naitala ng Parenting First Cry na maaaring makitang sintomas ng inyong doktor, at tatapatan ng applicable na solusyon:
|
Sintomas
|
Solusyon
|
Kung naisasara ni baby ang kanyang mga labi nang tama at kayang igalaw ang dila |
Tulungang matutunan o magpraktis si baby ng pagsasara ng mga labi |
Kung nakakalunok nang tama si baby |
Bawasan ang mga acidic foods sa mga kinakain ni baby; tulungan din siyang ngumuya bago ilunok ang pagkain |
Kung ang postura ng panga ni baby ay tama |
Oral motor therapy para patibayin ang muscles at buto panga, pisngi, at labi; tuturuan din si baby na lunukin ang kanyang laway sa tamang paraan |
|
|
|
|
Kung aabot na sa 3 taon si baby mommy, may isang paraan ng pag-inom ng gamot para mapagaling ang sobrang paglalaway. Ayon sa MedPage Today (2010), sa ibang bansa ay inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang bagong formula ng glycopyrrolate (Cuvposa) bilang gamot sa chronic severe drooling.
Maaaring inuman o i-prescribe ng mga doktor ito sa mga batang nasa edad 3-16 taon. Ang gamot na ito ay matagal nang ginagamit para sa peptic ulcer at nabababawasan o napipigilan ang sobrang paglalaway ng mga pasyenteng naka-anesthesia.
Ayon din sa FDA, ginagamot din ng Cuvposa ang sobrang paglalaway ng mga bata na nagkaroon ng disabilities at neurologic disorder tulad ng cerebral palsy.
Ngunit, bago mag-avail ng gamot mga mommies, tandaan na ito ay para sa mga bata na 3 taon pataas. Kumonsulta sa ibang medikasyon para sa iyong baby.
Mga positibo at negatibong dahilan kung bakit naglalaway si baby
Mommies, alam ninyo rin bang naglalaman ang saliva o laway ng tinatawag na ptyalin? Ang ptyalin ay isang digestive enzyme o elemento na nakatutulong sa pagtunaw ng kinain, na pinapalitan ang starch sa pagiging asukal.
Ang natural na antacid naman sa laway ay nakakapag neutrailze ng asido sa sikmura at nakatutulong rin sa pagtunaw ng kinain. Nakakatulong din ito sa pagpapabagal ng pagkabulok ng ngipin.
Kung ito ang mga natural na dahilan ng paglalaway ni baby, maiging tignan din natin mommies ang mga posibildad ng malala at sobrang paglalaway niya.
Ang dahilan ba ng sobrang paglalaway ni baby ay Cerebral Palsy?
Ang cerebral palsy (CP) ay isa sa mga neurological disorders na nakakaapekto sa kakayahan ni baby na igalaw at mag-maintain ng balanse at postura. Ito ang isa sa mga karaniwang motor disability ng mga bata.
Ang CP ay bunga ng abnormal na development ng utak o damage sa developing na utak. Apektado ng CP ang oral msucular control ni baby, kaya nasosobrahan siya sa paglalaway. Ang paglalaway ay laging nakikita sa:
- abnormalidad sa paglunok
- nahihirapan lunukin ang laway
- maling pagsasara ng bibig
- hindi stable na postura ng panga
- laging pagtutulak ng dila (palabas paloob)
Kinuha ang larawan mula sa | pexels.com
Ang dahilan ba ng sobrang paglalaway ni baby ay Bell’s Palsy?
Ang Bell’s Palsy (BP) naman ay isang temporary nerve disorder, na maaaring makita bilang paralysis ng mukha o facial paralysis. Sanhi ito ng damage o trauma sa mga ugat ng mukha.
Ang ugat na ito, na nakadugtong mula sa brainstem sa likod ng bungo patungo sa mukha ni baby, ang kumokontrol sa pagkindat at facial expression o paggalwa ng muscles sa mukha.
Kapag may BP si baby, hindi nagiging maayos ang function ng facial nerves niya, at nai-interrupt ang koneksyon sa pagitan ng utak at facial muscle. Bunga nito, nakakaranas ng partial na paralysis at mahinang paggalaw ng facial muscles.
Kung may BP si baby, maaaring makita na mayroon siyang mapungay, at tuyong talukap ng mata sa isang bahagi ng mukha. Dagdag pa dito ang sobrang paglalaway.
Mabuti na ang BP ay temporaryong sakit lamang na maaaring magamot sa pamamagitan ng pagpapakonsulta sa inyong baby health care provider.
Ang dahilan ba ng sobrang paglalaway ni baby ay sintomas ng Autism?
Isa sa mga sintomas na makikita kay baby kung siya ay diagnosed na may autism ay mabagal na pag-develop ng kontrol sa pagpapagalaw ng muscles sa mukha.
Nagbubunga ito ng sobrang paglalaway dahil sa paghihirap na maigalaw ang kanyang facial muscles.
Ang solusyon sa sobrang paglalaway ni baby na may autism ay dapat nakapartikular para sa kanya.
Maaaring humingi ng tulong sa inyong health care provider kung saang therapy maaaring sumasailalim si baby. Halimbawa, speech pathology.
Kaya parents, laging antabayanan ang paglalaway ni baby. May mga positibong dahilan kung naglalaway si baby, pero maaaring may mali na sa kanya kapag sobra na.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!