TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Becoming a Parent
  • Ages & Stages
  • Parenting
  • Health & Wellness
  • Education
  • Lifestyle Section
  • Become a VIP
  • Press Room
  • TAP Recommends
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Becoming a ParentBecoming a Parent
  • Ages & StagesAges & Stages
  • ParentingParenting
  • Health & WellnessHealth & Wellness
  • EducationEducation
  • Lifestyle SectionLifestyle Section
  • Become a VIPBecome a VIP
  • Press RoomPress Room
  • TAP RecommendsTAP Recommends
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Read Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

Download our free app

google play store
app store

Sanhi ng tooth decay sa baby

4 min read
Sanhi ng tooth decay sa baby

“When children fall asleep while having the bottle or while breast feeding, the milk remains in their mouth all night long. Bacteria present in the mouth breaks sugar down into acid, causing tooth decay.”

Kung ikaw ay magulang ng isang 5 taong gulang at pababa na bata, maaaring nagtataka kung bakit nangingitim ang ipin ni baby. Ayon sa mga eksperto, maaaring ikaw ang dahilan nito.

“Ang Nursing Bottle Syndrome (NBS)…ay nangyayari kapag ang ngipin ng baby ay nadidikit nang matagal sa mga inumin na may asukal tulad ng gatas, formula o juice,” ayon sa isang Huffington Post report.

“Nagdudulot ito ng matinding pagkabulok. Dahil dito, ang mga batang nasa 2 taong gulang pa lamang ay nangangailangan ng pasta, crowns o pagbunot.”

Si Humairah Shah na isang dentista at manunulat ng children’s book ang sumulat ng naturang report. Kanyang ibinunyag na mayroong malaking pagtaas nitong nakaraang dekada ang bilang ng mga toddler na nangangailangan ng dental procedure dahil sa NBS.

Sanhi ng tooth decay sa baby

Photo: The Huffington Post

Bakit nangingitim ang ipin ni baby?

“Kapag ang bata ay nakatulog nang may subong bote o nagbre-breastfeed, naiiwan ang gatas sa kanilang bibig buong gabi,” ayon sa kanya.

“Ang bacteria na matatagpuan sa bibig ay bine-break down ang sugar bilang asido, na nagdudulot ng pagkasira ng ngipin.”

Kanuang iminungkahi na matapos ang unang taon ng pag-breastfeed, maghanda ng bote ng tubig. Pagkatapos mag gatas ng bata, painumin ito ng tubig nang mahugasan ang ininom mula sa mga ipin.

Sanhi ng tooth decay sa baby

Photo: The Huffington Post

“Gawing layunin na unti-unting mabawasan ang dami ng pagpapakain sa gabi.”

Kanya ring nabanggit na umaabot ng $2,ooo (mahigit P100,000) ang nagagastos ng mga pasyente dahil sa NBS.

“Karamihan ng mga pasyente na may NBS ay mga batang wala pang 5 taong gulang,” ayon sa kanya. “Nakita ko silang nahihirapan at ang mga magulang ay umiiyak habang isinasagawa ang paggamot. Isipin ang mangyayari kung gamitin ang perang ito para turuan ang mga magulang at anak tungkol sa issue na ito.”

Paano iwasan ang NBS

Ibinahagi ni Humairah ang tips kung paano iiwasan ang NBS:

  • Ipag-wean ang mga bata mula sa bote pagdating ng 12 hanggang 14 buwan
  • Huwag hayaan ang bata na maglakad na may subong bote ng gatas nang mahigit 20 minuto
  • Simulan ang regular na pag-toothbrush sa bata kapag may ngipin na
  • Dapat masimulan ang dental examinations sa ika-12 buwan o masmaaga, kapag makitang may problema
  • Dapat iwasan ang juice at soda dahil maaari itong magdulot ng pagkasira ng ngipin; 4oz ang maximum na dami ng juice na dapat iniiom ng bata sa isang araw
  • Dapat pakainin ang mga bata kada 2 hanggang 3 oras
  • Ang tipikal na schedule ay almusal nang 8am, meryenda nang 10am, tanghalian nang 12pm at iba pa
  • Tubig lang dapat ang kanilang iniinom sa pagitan ng mga pagkain

Kailan nga ba nagsisimula ang pagngingipin?

Ang mga sintomas ay sadyang nauuna ng halos tatlong buwan kaysa sa paglabas ng unang ngipin ni baby. Karaniwang lumalabas ang ngipin sa ika-6 na buwan, ngunit may mga tabang 3 buwan pa lamang ay may mga nagsisimula nang lumabas. May iba rin na umaabot ng halos isang taon bago pa magkangipin. Madalas na nauuna ang dalawang ngipin sa harap, sa ibaba, kasunod ng dalawang ngipin sa harap din, sa itaas.

Gamot sa sakit ng ngipin ni baby

Dahil ang anak mo ay bata pa, mas maigi kung gumamit na lang muna ng mga natural na gamot sa sakin ng ngipin ni baby. Narito ang ilang options na puwede mong gamitin:

  • Pamumugin siya ng salt water solution. Katulad sa matatanda, mainam ang halo ng maligamgam na tubig at asin para sa sakit ng ngipin ni baby.
  • Puwede rin ang cold compress para maibsan kaagad ang sakit at hindi na siya umiyak.
  • Kung hindi gumana ang mga ito, maaring bigyan din sila ng mga anti-inflammatory gels na safe para sa baby. Ito ay madalas na nakakaibsan ng sakit ng ipin pati na ng pamamaga ng gums.
gamot-sa-sakit-ng-ngipin-ni-baby

Image from Freepik

Kapag nagawa na ang mga ito, magpa-appointment na kaagad sa kanyang dentista para magabayan sa tamang proseso ng pagngingipin ni baby.

BAWAL: Ayon sa Food and Drug Administration (FDA), huwag bibigyan si baby ng topical numbing agents, tulad ng herbal o homeopathic teething gels at iba pang katulad na medisina.

Kung ang unang ngipin ni baby ay wala pa rin pagdating ng 18 buwan, ikunsulta ito sa iyong pediatrician, na maaaring mag-rekomenda ng pediatric dentist para kay baby. Hindi dapat mabahala kung huli ang paglabas ng ngipin ng anak. Kailangan lang siguraduhing walang ibang komplikasyon ito.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

 

Source: Huffpost

Basahin: Ngipin ng bata: Pagsunod-sunod at timeline ng baby teeth at permanent teeth

Partner Stories
New to the Mom Game? Celebrate Mother's Day with These Awesome Deals and Activities
New to the Mom Game? Celebrate Mother's Day with These Awesome Deals and Activities
Parents, here's what you should do when your child sees you and your spouse fighting
Parents, here's what you should do when your child sees you and your spouse fighting
#SendLoveWithBebeBata
#SendLoveWithBebeBata
3 Game Changing Baby Products that’s Now Available
3 Game Changing Baby Products that’s Now Available

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!

img
Written by

Camille Alipio-Luzande

Become a Contributor

  • Home
  • /
  • Advice For Parents' Adult Concerns
  • /
  • Sanhi ng tooth decay sa baby
Share:
  • "I'm Glad You Shared That": A Simple Phrase That Can Change Your Child's Life Through the Power of Non-Judgmental Listening

    "I'm Glad You Shared That": A Simple Phrase That Can Change Your Child's Life Through the Power of Non-Judgmental Listening

  • How to Communicate with a 2-Year-Old During Tantrums and Meltdowns That Give Moms a Headache

    How to Communicate with a 2-Year-Old During Tantrums and Meltdowns That Give Moms a Headache

  • Teaching Kids to Learn from Problems: 10 Everyday Situations as Examples

    Teaching Kids to Learn from Problems: 10 Everyday Situations as Examples

  • "I'm Glad You Shared That": A Simple Phrase That Can Change Your Child's Life Through the Power of Non-Judgmental Listening

    "I'm Glad You Shared That": A Simple Phrase That Can Change Your Child's Life Through the Power of Non-Judgmental Listening

  • How to Communicate with a 2-Year-Old During Tantrums and Meltdowns That Give Moms a Headache

    How to Communicate with a 2-Year-Old During Tantrums and Meltdowns That Give Moms a Headache

  • Teaching Kids to Learn from Problems: 10 Everyday Situations as Examples

    Teaching Kids to Learn from Problems: 10 Everyday Situations as Examples

Feed

Feed

Get tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Participate in interesting polls and see what other parents think!

Photos

Photos

Share the photos of loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Join communities to bond with fellow mums and dads.

Tracker

Tracker

Track your pregnancy as well as baby’s development day-by-day!

theAsianparent

Download our free app

Google PlayApp Store

Mums around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it