Bakit tila walang gana makipagtalik si misis? Ito ang posibleng dahilan ayon sa experts

Bakit walang gana makipagtalik ang mga misis minsan, ito umano ang posibleng dahilan kung bakit nawawalan na ng gana ang mga babae sa sex.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Madalas na bang tumatanggi si misis sa tuwing inaaya mo siyang makipag-loving-loving? O hindi na rin ba siya nauunang mag-ayang pakikipagtalik sa’yo?

Huwag mag-aalala dahil hindi palaging kahulugan nito ay hindi ka na niya mahal o may karelasyon nang iba. Alamin ang pag-aaral ng mga eksperto ukol dito sa artikulong ito.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Bakit walang gana makipagtalik ang babae? Ito ang posibleng dahilan
  • Psychosocial factors kung bakit walang gana makipagtalik ang mga babae

Bakit walang gana makipagtalik ang babae? Ito ang posibleng dahilan

Bumababa raw ang bilang ng mga kababaihang regular na nakikipagtalik kung sila ay may edad na. Habang mas bumababa pa ang bilang nito kung sila naman ay nasa yugto na ng “postmenopause” ayon sa mga eksperto.

Ang mga unang mga pag-aaral ng mga researcher ay nakapokus lamang sa mga biological  factors. Ilan sa mga biological na rason kung bakit nawawalan na ng gana sa pakikipagtalik ang babae ay maaaring hot flashes, sleep disruption, vaginal dryness at pananakit ng ari sa tuwing nakikipagtalik.

Napag-alaman naman ng mga researchers sa bagong UK study na may ambag din pala ang mga psychosocial factors dito. Nakita ng mga eksperto ang mga quantitative results ng mga psychological influences sa kawalan ng gana sa sex ng kababaihan.

Tinignan nila sa bilang ng 4,5000 postmenopausal na mga babaeng participants na kabilang sa UK Collaborative Trial of Ovarian Cancer Screening (UKCTOCS) kung bakit nangyayari ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kalahati sa bilang na ito ay sexually active bago ang screening, hanggang sa nababawasan pa sa pagdaan ng mga araw.

Larawan mula sa Freepik

Psychosocial factors kung bakit walang gana makipagtalik ang mga babae

Ito ang ilan sa mga nakitang rason sa pag-aaral:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Pagkabahala sa itsura.

Habang nagkaka-edad ay tumatanda rin ang mga parte ng ating katawan. Mahahalata na ang mga wrinkles o pagkakulubot ng balat.

Nagiging dahilan ito upang maramdaman ng mga babae na sila ay “less desirable” o hindi na kaaya-aya at kaakit-akit sa paningin ng kanilang partner. Nagdudulot ang ganitong mentality ng labis na stress sa kanila dahil sa parating kakaisip.

Nauuwi ito sa pagbaba ng self-confidence kaya hindi na pumapayag na makipagtalik o nag-aaya na makipagsex si misis.

2. Medical condition.

May psychosocial na factor din ang kundisyong medikal, hindi lamang ng mga babae kung hindi maging ng mga kalalakihan din.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa mga kababaihan, malaki ang tiyansa na may kinalaman ito sa sintomas ng pagme-menopause o mga iniinom nilang gamot. Sa mga kalalakihan naman, ay may iba-ibang medikal na kundisyon na maaaring ikonsidera.

Larawan mula sa Pexels

3. Isyu sa relasyon.

Malaki rin ang ambag na factor ang isyu sa relasyon ng mag-asawa. Ang hindi laging pagkakasunduan ay nauuwi sa bangayan at pag-aaway.

Kung minsan sa pagtatalo pa ay hindi na nagtatabi sa pagtulog kaya hindi na rin nagagawang mag-aya na makipagsex. Dahilan ito para tuluyang mabawasan na ang paglalambingan ng magpartner sa isa’t isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Kawalan ng partner.

Kadalasan sa mga may edad nang kababaihan ay wala nang mga asawa. Maaaring dahilan nito ay pagiging biyuda o pagkamatay ng asawa. Isa pang dahilan ang hiwalayan at hindi na nagtangkang mag-asawa pa ulit.

Dahil sa wala na silang partner sa matagal na panahon, at walang nang katalik ay unti-unti na ring nawawala ang gana nila dito. Pababa nang pababa ang libido dahil sa maraming araw na absent na ang pakikipag-sex sa kanilang buhay.

Ito na rin ang nagiging dahilan kadalasan ng isang psychosocial factor na kawalan ng partner.

Ayon sa mga experts common daw ang ganitong mga kaganapan sa kababaihan na nagkakaedad na, sinabi ni Dr. Stephanie Faubion, isa medical director ng The North American Menopause Society (NAMS) na,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Pexels

“Sexual health challenges are common in women as they age, and partner factors play a prominent role in women’s sexual activity and satisfaction, including the lack of a partner, sexual dysfunction of a partner, poor physical health of a partner, and relationship issues,”

Dagdag pa niya mararanasan daw talaga ng mga kababaihan ang vaginal dryness at pananakit ng ari sa pakikipagsex lalo na sa pagme-menopause.

Nakababahala lang din na kaunti lamang ang bilang ng mga kababaihang komukonsulta sa eksperto kahit pa marami na ang available na mga therapies para ganitong mga problema.

Mula sa bilang ng mga pariticipants sa pag-aaral, nakita ng mga researchers na 3% lamang sa kanila ang nagsabi ng positibong karanasan sa sex at 6% lang ang humihingi ng tulong para sa problema ng pakikipagtalik.

Mahalagang ikonsidera na problemang kailangang harapin ang kawalan ng gana sa sex. Ang pinakamainam na payong mahihingi ay sa mga propersyunal na eksperto na  ganitong problema.

 

Sinulat ni

Ange Villanueva