Mahalaga ang bakuna para makasigurado tayong makakaiwas tayo sa mga sakit, hindi lamang sa mga matatanda kundi para sa mga baby at mga bata.
Alam naman natin na noong nakalipas na dalawang taon ay nakaranas tayo ng COVID-19 pandemic at maraming tao ang nakita ang halaga ng bakuna para sa ating kalusugan.
Noong 2020, inilunsad ng theAsianparent Philippines na sinusuportahan SANOFI, ang campaign na BakuNanay na ang pangunahing layunin ay magbigay ng impormasyon at kahalagahan ng bakuna sa kalusugan ng ating mga anak.
Noong 2018, halos 32% ang vaccine confidence level ng mga ina kumpara sa taong 2015 kung saan 93% ito. Kaya naman, binuo ng theAsianparent Philippines na sinusuportahan ng SANOFI ang BakuNanay. Isang komunidad at movement upang mapalaganap muli ang confidence ng mga ina sa bakuna sa kapwa nila ina.
Layunin nito na magbigay impormasyon sa kapwa nila ina kung paano mapoprotekhan ang kanilang mga anak at pamilya sa mga sakit gamit ang pagbabakuna. Ang komunidad na ito ginawa para sa kanila upang pag-usapan ang lahat tungkol sa pagbabakuna o immunization.
Kung saan malaya silang makapag-usap at magtanong sa kapwa nila ina patungkol sa kanilang karanasan tungkol sa pagbabakuna sa kanilag mga anak nang walang takot na mahusgahan.
Katuwang ang aming VIP parents naipalaganap namin ang komunidad na ito. Dagdag pa rito, naglunsad din tayo ng mga webinars at mga events katuwang ang Sanofi at ang Department of Health, upang masagot ang mga frequently asked questions ng mga Pilipinang ina tungkol sa bakuna.
Umabot sa halos 3 milyon followers at reach at halos isang milyong engagement sa FB at IG. Isang tagumpay ito para mapalaganap at maibalik ang confidence ng ating mga magulang sa bakuna.
Mula sa BakuNanay, nailunsad naman ang ating programang BakuNation na ang pangunahing layunin ay maibalik sa pamilyang Pilipino ang confidence sa pagpapabakuna.
Hindi lamang mga nanay kundi ang mga tatay, tito, tita, lola, ate, at kuya ang nais nating mabigyang kaalaman sa halaga ng bakuna. Ngayong taon, ang 1st anniversary BakuNation at masaya nating ibinabahagi ang tagumpay at patuloy na pagpupunyagi ng BakuNation para makapaglikha ng isang malusog na pamilya.
Narito ang ilang posts ng ating mga Moms, tungkol sa ating BakuNanay at Bakunation.
Yearly I make my own dream/vision board that helps me stay motivated and inspired. It also helps me visualize all the things I need to achieve. Happy to share with you my BakuNanay Dream Board this year 2023! It focuses on achieving greater health and wellness that looks far beyond diet and exercise.
One of my main goal this year is for my family to get the flu vaccine. We haven’t had vaccines in the past years but after joining the Bakunanay and learning its importance, I undoubtedly include this to my dream board. Wanna know more about vaccines? Watch the latest BakuNation Video here: https://fb.watch/hhhbAZ9FfU/
Enjoy watching!
– Mommy Jenette Refamonte Naval
Nagpapasalamat ako dahil may Family ako na nagiging Inspirasyon ko para Lumaban sa araw-araw.
Nagpapasalamat ako sa aking mga Kaibigan na lagi kong kausap lalo na kapag may Problema ako may napagsasabihan ako at may nagbibigay ng advice sakin.
Nagpapasalamat ako dahil Malusog , Malakas at Bakunado kaming buong Pamilya lalo na nagpandemic naging Protektado kami sa kahit anomang Virus ang dumating.
Madami pa kong dapat ipagpasalamat.
– Mommy MachikangInay
“My 5 health and wellness Goals for 2023”
1. Eat Healthy foods avoid to eat junkfoods and Softdrinks
2. Healthy Lifestyle start to exercise Early in the morning for 30mins- 1hr and drink lots of water
3. Sleep on time avoid too much use of cellphone
4. Happiness and Success for my family
5. Complete Vaccines /boosters for my kids especially my 3months old baby.
Let’s fight the misinformation against the vaccines.
Spread the good news that vaccines can saves live
I am Proud BakuNanay and I’m encouraging you to Take the Pledge as well!
Ilan lamang ito sa patunay kung gaano kaapektibo ang pagsasama-sama ng mga komunidad upang makapagbigay ng tamang impormasyon sa mamamayan. Dahil sa kolektibong pagsasama-sama ay nakalikha tayo ng community kung saan safe place para sa discussion patungkol sa bakuna.
Sa pagbibigay ng tamang impormasyon tungkol sa bakuna ay makakalikha tayo isang safe at healthy na community. Sapagkat may mga sakit na hindi talaga maiiwasan kung walang bakuna.
Kaya para sa isang safe at healthy family, magpabakuna na! Maging bahagi ng BakuNation at magbigay rin ng mga personal na karanasan sa pagpapabakuna sa kapwa ina o ama!
Take the pledge today! Click here!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!