Marami nang naisulat kung paano mo masusulit ang karamihan ng araw sa iyong maternity leave, pero hindi napag-uusapan kung paano ka dapat mag-adjust para makabalik ka sa trabaho pagkatapos ng ilang buwan.
Talaga nga namang mahirap ang pangungulila sa iyong bagong panganak na sanggol. Madali nitong makukuha ang focus ng iyong enerhiya na dapat sanang ginagamit mo sa paghahanda sa iyong isipan at katawan na maging produktibo sa trabaho.
Unang araw sa trabaho matapos ang maternity leave? Ano-ano ang mga dapat mong gawin?
Mababasa sa artikulong ito:
- Balik trabaho after maternity leave: Mga paraan upang kayanin ang pagtatapos ng maternity leave
- Checklist para sa balik trabaho after maternity leave
- Paano mo ito makakayanan? Paghahanda sa pagbalik sa trabaho matapos ang maternity leave sa Pilipinas
Talaan ng Nilalaman
Balik trabaho after maternity leave: Mga paraan upang kayanin ang pagtatapos ng maternity leave
Sundan ang mga tips mula sa Mayo Clinic upang makapaghanda sa matagumpay na pagbabalik sa trabaho habang ikaw ay nasa maternity leave.
-
Maghanap ang tagapangalaga ng iyong baby na iyong mapagkakatiwalaan
Manghingi ng payo sa doktor ng iyong baby, mga kaibigan, kapitbahay, at katrabaho. Tignan ang mga inirekomendang tagapangalaga at pagkatiwalaan ang iyong instincts.
-
Makipag-ugnayan sa iyong boss
Siguraduhin na naiintindihan mo ang iyong mga responsibilidad at oras sa trabaho upang alam mo na mga dapat mong asahan matapos ang iyong maternity leave. Maaari kang magtanong patungkol sa part-time work, telecommunicating, o pagkakaroon ng flexible hours.
-
Planuhin kung paano ka pa magpapatuloy sa breastfeeding
Kung plano mong magpasuso kapag bumalik sa trabaho, ipaalam mo ito sa iyong boss. Humiling ng pribado, at malinis na kwarto na mayroong breast pumping outlet. Ikonsidera ang pagbili o pagrenta ng electric pump na maaaring gamitin ng sabay-sabay sa pag-pump ng breasts.
Dalawang linggo bago bumalik sa trabaho, i-adjust ang oras ng pagpapadede sa bahay. Upang ang iyong pag-pump ay hindi bababa sa isang beses sa isang araw, at magpadede bago at pagkatapos ng oras ng iyong trabaho.
Magbigay pahintulot sa ibang tao na pakainin ang iyong anak sa bote na mayroong breastmilk upang matulungan din itong mag-adjust.
Kung magkakaroon ng pagkakataon na madala ang iyong baby sa trabaho o sa malapit na paalagaan ng bata, pag-isipan kung paano ka magpapadede sa umaga.
-
Itakda ang araw ng pagbalik sa trabaho
Sa loob ng isang linggo, bumalik ng huli hangga’t maaari. Ang unang linggo ng pagbalik mo sa trabaho ay mahahati sa gitna.
Checklist para sa balik trabaho after maternity leave
Unang araw ng pagbabalik sa trabaho galing maternity leave?
Kapag bumalik ka sa trabaho, asahan ang mga ups and downs sa pagbabali mo sa mga responsibilidad mo sa trabaho, at sa mga naiwan mong responsibilidad bilang ina. Gayunpaman, maaari mong bawasan hirap nito sa pagsunod ng mga tips na ito:
1. Gumamit ng checklist at maging organisado
Gumawa ng pang-araw-araw na to-do list. Maaari mo itong hatiin sa mga tungkulin mo sa trabaho at sa bahay, pati na rin ang mga tungkulin mo sa iyong sarili at sa iyong partner at career. Magpasya kung kalian mo ito kailangang taousin, kung ano ang pwede makapaghintay, kung ano ang maaaring ipagpaliban.
2. Magkaroon ng back up plan
Kung ang iyong anak ay may sakit o hindi pwede ang tagapangalaga ng iyong anak sa araw ng trabaho, magplano ng maaga upang magkaroon ng oras na makapag-day off ka o ang iyong asawa, o manghingi ng suporta mula sa iyong babysitter, kaibigan, o sinomang mahal sa buhay.
3. Huwag kalimutan ang iyong mga breastfeeding essentials
Huwag kalimutan ang iyong breast pumo, milk containers, insulated bag, at ice packs na makakatulong sa ‘yo. Magdala ng breast pads kung sakaling tumulo ang gatas sa iyong suso.
Kung ikaw ay nagkakaroon ng problema na makahanap ng oras na makapag-pump, subukang mag-pump sa oras ng iyong lunch break o mag-work from home upang makabawi sa mga oras na Nawala.
Ang pagpapadede sa iyong baby ng kaunti ngunit maraming beses bago at matapos magtrabaho ay makakatulong sa ‘yong magtagumpay sa pagpapadede. Ang pag-pump ng marami tuwing weekends ay makakatulong na mas maparami ang iyong supply.
Kopyahin ang checklist na ito:
- Bumili ng extra breast pump parts para kung sakaling mapansinan ang isa o maiwanan sa bahay o trabaho.
- Mas mabuti kung makakapag-imbak ng mga bagay tulad ng breast pump wipes at steamer bags.
- Magtanong tungkol sa pumping rules ng iyong kumpanya sa HR o sa katrabaho mong isa ring ina.
- Magandang ideya ang pag-pump at paglalagay sa freezer ng extra na gatas.
- Para sa unang araw, siguraduhin na mayroon kang nakahandang malabnaw na gatas. Ipwesto ang ice pack at cooler bag sa loob ng freezer, at sa counter.
BASAHIN:
Signs of separation anxiety in babies and how to deal with them
When can I travel after giving birth? Moms, here’s your guide on postpartum travel
4. Kung ikaw ay nagpapadede sa bote, siguraduhing mag-iwan ng sapat na dami
Linisin ang mga bote ni baby bago pumasok sa trabaho. Siguraduhin na mayroong sapat na dami ng gatas at bote na iiwanan mo sa tagapangalaga ng iyong anak.
5. Huwag kalimutan ang sarili
Mas magiging emosyonal ang mga araw na ito. Ang pangangalaga sa iyong anak ay kasing kahalaga ng pangangalaga mo sa iyong mental health.
Matapos matulog ng iyong baby, mag-relax sa tub o magbasa ng libro, o making sa musika. Bawasan ang mga obligasyon na hindi pa naman kinakailangan.
Gumawa ng night time schedule para sa sarili at sundin ito. Kapag wala kang pasok, matulog ka rin kapag nakatulog ang iyong baby.
Paghahanda sa pagbalik trabaho matapos ang maternity leave sa Pilipinas
Paano mo makakayanan kung hindi mo maibalik ang momentum? Narito ang limang bagay na maaari mong subukan.
1. Role-play
Isa o dalawang linggo bago ka bumalik sa trabaho, subukang iwan ang iyong anak sa iyong partner o tagapag-alaga ng ilang mga oras kada araw.
I-lock ang sarili sa isang kwarto o gumawa ng mga aktibidad na nangangailangan ng focus tulad na lamang ng pagbabasa.
Sanayin ang iyong sarili na malayo sa iyong anak. Mas madali itong sabihin kaysa gawin pero matapos ang iyong maternity leave, makikita mo na kahit papaano ay nababawasan nito ang iyong separation anxiety.
2. Mga nakagawian
Ang ilang linggp matapos ng kapanganakan ay ang pinakamagulo. Lalo na kapag sa isang araw ay kailangan mo nang sumagot ng mga e-mail o umattend sa mga meeting, ang iyong oras ngayon ay umiikot na sa isang maliit na tao na nangangailangan ng iyong pagmamahal at atensyon.
Gumawa ng schedule at sundin ito. Nakakatulong ito na ma-ogranisa ang iyong utak at maalis sa iyong araw ang mga aktibidad na hindi mo naman ginagawa sa iyong trabaho.
3. Magkaroon ng magadang kalagayan sa pangangalaga
Ayon nga sa isang kasabihan ay dapat iwan mo lamang ang iyong anak sa isang tao na kaya mong ipagkatiwala ang iyong buhay. Kung ito man ay ang iyong partner, o yaya, ang pagkakaroon ng magandang kalagayan sa pangangalaga ay nakakatulong na maitaas ang iyong kumpiyansa na umalis at makapagtrabaho ng maayos,
4. Manghingi ng update sa loob ng isang araw
Ang pagkakaroon ng magandang Sistema sa pangangalaga sa isang lugar ay makakatulong upang masigurado na ang mga update sayo ay pare-pareho. Magbigay ng schedule at subukang kontrolin ang dami ng oras na iyong ginagamit sa pag-check sa iyong baby.
5. Focus on the bigger picture
Kung sakaling pumasok sa iyong isipan ang pangungulila mo sa iyong anak sa gitna ng pagtatrabaho, isipin mo ang tunay na rason kung bakit ka nagtatrabaho. Paalalahanan ang iyong sarili kung para kanino mo ito ginagawa. Ang pagbalik sa trabaho ay hindi pagiging makasarili.
Ang pagkakaroonng magandang trabaho ay isang paraan din ng pangangalaga sa kanila. Ito ay ang pag-secure sa kanilang kinabukasan at matiyak na mayroon silang magulang na nakakahanap ng fulfilment, sa paghahabol man ito ng career o pagsama sa kanila sa bahay.
Unang araw sa trabaho matapos ang maternity leave? ‘Wag mag-alala!
Ang pagbalik sa trabaho ng mga nanay matapos ang kanilang maternity leave ay maaaring magdulot ng mental health issues. Mainam na laging tandaan na walang nanay na perpekto.
Ang pagtatrabaho sa labas ng bahay ay hindi nangangahulugan na isang kang masamang ina. Lalo na kapag inaalagaan mo ang iyong anak, huwag kalimutan na kailangan mo rin ng pangangalaga na ibinibigay mo sa iyong anak at sa inyong pamilya.
Kung nais basahin ang English version ng article na ito, i-click dito!