Safe ba kumain ng balot ang mga buntis?

Maraming benepisyo sa kalusugan na maibibigay sa buntis ang balot, ngunit dapat ay hindi masobrahan ang pagkain nito. | Lead image from Asian Filipina on Pinterest

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bilang isang buntis, nagiging maingat ka sa iyong bawat gagawin, kakainin, o iinumin dahil ano man ito ay makakaapekto at matatanggap rin ng sanggol sa iyong sinapupunan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Balut for pregnant
  • Masamang epekto ng balut
  • Iba pang ipinagbabawal na pagkain sa buntis

Kaya naman, marami sa mga babaeng nagdadalang tao ang todo ang pag-iingat lalo na sa mga pagkain. Isa sa mga ito ang pagkain ng balut o fertilized duck egg sa ingles.

Balut sa buntis, mabuti o makakasama sa pagdadalang-tao?

Balut for pregnant: pwede ba?

Tayong mga Pilipino ay likas na mapamahiin. Lalo na pagdating sa pagbubuntis na kung saan marami tayong sinusunod na paniniwala para sa babaeng nagdadalang-tao at sa kaniyang sanggol. Isa na nga rito ang hindi dapat pagkain ng balut sapagkat maari umanong maging mabalahibo o balbon ang sanggol na ipinagbubuntis.

Maraming babae ang nagsasabi at nakapagpatunay na ito nga ay totoo. Habang may ilan naman ang naniniwalang mabuti para sa buntis ang balut. Dahil mas pinapalakas umano nito ang nagdadalang-taong ina at marami itong hatid na bitamina sa dinadalang sanggol. Pero ano nga ba ang totoo? Safe nga ba ang pagkain ng balut sa buntis?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Pinterest

Ano ang balut o balot?

Ang balut o balut ay isa sa street food sa Pilipinas na kinahihiligan ng marami. Ito ay tumutukoy sa nilagang itlog o fertilized developing egg embryo ng itik na naglalaman ng sisiw na nasa pagitan na 14-21 araw na. Hinahanda o niluluto ito sa pamamagitan ng pagpapakulo rito sa loob ng 20 hanggang 30 minuto. Ito ay upang masiguro na maluluto ng tama at maayos ang loob nito. Saka ito kakainin ng mainit-init pa, kapares ng suka o asin.

Ayon sa mga taong mahilig kumain nito, nahiligan nila ang pagkain ng balut dahil sa malinamnam na lasa ng sabaw nito. Habang may ilan namang nagsasabi na ang sisiw o fetus ng pato na nasa loob nito ang talagang mas nagpapalasa rito. Iba-iba man ang dahilan, ang pagkain ng balut ay maraming benepisyong maibibigay sa kumakain nito. Lalo na nga umano sa isang buntis na mas kinakailangan ng dagdag na bitamina at lakas para sa kaniyang dinadalang sanggol.

Safe ba ito sa buntis?

Ayon sa pregnancy food checker at nutritionist na si Gina Waggott, ang pagkain ng balut o duck egg ay hindi naman masama para sa buntis. Basta ito lang ay maayos at naluto ng tama o hard boiled. Masasabi raw na naluto ng maayos ang duck egg kapag buo na ang yolk nito.

Image from Freepik

Ang mga luto sa duck egg na dapat iwasan o hindi kainin ng mga buntis, ayon pa rin kay Waggot ay ang sumusunod:

  • Malasadong pagkakalaga.
  • Sunny side up o pritong itlog na kung saan basa pa o hindi buo ang yolk o dilaw na parte nito.
  • Poach o pagluluto ng itlog sa konting tubig.

Masamang epekto ng pagkain ng balot

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero payo naman ni Dr. Perla Esguerra, isang Filipino nutritionist dapat ay limitahan lang ang pagkain ng balut sa pregnant ng isang beses o piraso sa isang araw. Dahil sa ito ay mataas sa uric acid at protina na maaring maging sanhi ng rayuma o pamamaga ng kasukasuan at buto kung sumobra.

Sa pagbubuntis ang mataas na level ng uric acid sa katawan lalo na sa unang trimester ay maaring magdulot ng preeclampsia. Ang masamang epekto ng pagkain ng balot ay pinapataas nito ang tiyansa ng isang buntis na magkaroon ng gestational diabetes.

Nutrients to get and benefits mula sa balut sa pregnant 

Pero ang pagkain ng balut sa pregnant na babae ay ligtas basta hindi sosobra at naluto ng tama. Sa katunayan ay very healthy ito para sa buntis. Dahil sa ito ay maraming taglay na nutrients na kailangan niya at ng kaniyang dinadalang sanggol. Ang mga ito ay ang sumusunod:

Protein

Ang protina na taglay ng balut ay mahalaga sa pagbubuntis. Dahil sa nakakatulong ito sa building blocks at repair ng mga tissues sa katawan. Ganoon rin sa iba pang bahagi ng katawan tulad ng buto, muscles at dugo. Sa pagkain nito ay natutulungang lumaki ng normal ang sanggol. At nagkakaroon siya ng antibodies na nakakatulong palakasin ang kaniyang immune system.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Vitamin C at beta carotene

Nagtataglay rin ito ng vitamin C at beta carotene na parehong powerful antioxidants. Ang vitamin C ay nakakatulong para magkaroon ng healthy bones, teeth at body si baby. Habang ang beta carotene naman ay na-coconvert sa vitamin A na makakatulong sa development ng kaniyang mga mata. Sa babaeng buntis, nakakatulong ang mga ito upang masigurong free from radicals ang bloodstream niya at malakas ang kaniyang immune system.

 

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Siamese Dream

BASAHIN:

 7 foods that breastfeeding moms should avoid

Are you eating these? 18 foods you should definitely avoid if you’re pregnant

Medications to Avoid While Pregnant

Calories

Mayroon ring 188 calories ang balut na nakakatulong para ma-boost ang energy ng buntis at kaniyang baby sa tiyan. Pati na upang masiguro na nag-pafunction ng maayos ang internal organs ng buntis at kaniyang sanggol.

Iron

Nagtataglay rin ng 2 milligrams ng iron ang balut. Nakakatulong ito upang maiwasan ng buntis ang iron-deficiency anemia. At upang makagalaw ng maayos ang oxygen sa kaniyang katawan papunta sa kaniyang sanggol.

Calcium

Mayroon rin itong 116 milligrams ng calcium na nakakatulong rin sa development ng mga ngipin at buto ni baby. Habang tinutulungang ang babaeng buntis na makaiwas sa cancer sa buto at osteoporosis.

Maliban sa nabanggit ay marami pa itong taglay na nutrients tulad ng selenium, riboflavin, choline at B vitamins na mahalaga sa red blood cell formation, DNA synthesis, at healthy nerve function.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero mahalagang isaisip ng isang buntis na dapat kumain lang ng balut na maayos na nailuto. Dahil kung hindi, ito ay maaring nagtataglay ng mga bacteria tulad ng salmonella na makakasama sa kaniyang pagbubuntis. At bago kumain nito mabuting magtanong muna sa iyong doktor. Lalo na kung may egg allergy o heart disease na maaring palalain o i-trigger ng pagkain nito.

Iba pang ipinagbabawal na pagkain sa buntis

Dahil sa masamang epekto ng pagkain ng balot, narito ang ilan pang pagkain na ipinagbabawal sa buntis

  1. High mercury na isda tulad ng tuna at marlin.

Ang mercury ay isang lubhang nakakalason na elemento. Karaniwan itong matatagpuan sa maruming tubig.

Sa mas mataas na level, maaari itong maging nakakalason sa iyong nervous system, immune system, at bato. Maaari rin itong magdulot ng malubhang problema sa pag-unlad sa mga bata, na may masamang epekto kahit na sa mas mababang halaga.

Hindi lahat ng isda ay mataas sa mercury kaya maaari ka pa ring kumain ng isda na mayroong mababang dami ng mercury dito.

  1. Hilaw o hindi lutong isda.

Katulad ng iba pang pagkain tulad ng itlog at balut sa pregnant, ipinagbabawal ang pagkain ng hilaw o hindi lutong isda. Tulad ng masamang epekto ng pagkain ng ballot, ang pagkain ng hilaw o hindi lutong isda ay masama rin para sa nagbubuntis.

Ang mga buntis ay mas madaling kapitan ng mga impeksyon sa Listeria. Sa katunayan, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang mga buntis ay hanggang 10 beses na mas malamang na mahawa ng Listeria kaysa sa pangkalahatang populasyon.

Ang Listeria ay isang bacteria na  matatagpuan sa lupa at kontaminadong tubig o halaman. Maaaring mahawaan ang hilaw na isda sa panahon ng pagproseso, kabilang ang paninigarilyo o pagpapatuyo.

Ang bakterya ng Listeria ay maaaring maipasa sa iyong sanggol sa pamamagitan ng placenta. Ito ay maaaring humantong sa maagang panganganak, pagkalaglag, panganganak ng patay, at iba pang malubhang problema sa kalusugan, ayon sa CDC.

Kaya para sa mga sushi lovers na mom to be, magtiis at iwasan muna ang pagkain ng sushi at iba pang raw fish.

  1. Hindi luto, hilaw, at naprosesong karne

Katulad ng masamang epekto ng pagkain ng balot, ipinagbabawal din ang pagkain ng raw, uncooked, at processed meat.

Ang pagkain nito ay nagpapataas ng iyong panganib na magkaroon ng impeksyon mula sa ilang bakterya o mga parasito, kabilang ang Toxoplasma, E. coli, Listeria, at Salmonella.

Maaari itong magbanta ng maagang panganganak, pagkalaglag, panganganak ng patay, at iba pang malubhang problema sa kalusugan.

  1. Caffeine

Ang mga buntis ay karaniwang pinapayuhan na limitahan ang kanilang paggamit ng caffeine sa mas mababa sa 200 milligrams (mg) bawat araw, ayon sa American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG).

Ang caffeine ay madaling maabsorb at maipasa sa iyong anak sa pamamagitan ng placenta. Dahil ang mga sanggol at ang kanilang mga ay walang pangunahing enzyme na kailangan para ma-metabolize ang caffeine, maaaring magkaroon ng build up ng caffeine sa katawan.

Ang mataas na pag-inom ng caffeine sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring maghigpit ng fetal growth at magdulot ng low birth weight sa pagkapanganak ng iyong baby.

  1. Hindi nahugasan na prutas at gulay.

Ang hindi nahugasan o hindi binalatan na mga prutas at gulay ay maaaring kontaminado ng ilang bakterya at parasito. Kabilang dito ang Toxoplasma, E. coli, Salmonella, at Listeria, na maaaring makuha mula sa lupa o sa pamamagitan ng paghawak nito.

Karamihan sa mga sanggol na nahawaan ng Toxoplasma bacteria habang nasa sinapupunan pa ay walang sintomas sa pagsilang. Gayunpaman, ang mga sintomas tulad ng pagkabulag o mga kapansanan sa intelektwal ay maaaring mangyari sa pagtanda nito.

Higit pa rito, isang maliit na porsyento ng mga babies ay may malubhang pinsala sa mata o utak sa kapanganakan.

  1. Alcohol

Pinapayuhan na ganap na iwasan ang pag-inom ng alak kapag buntis, dahil pinapataas nito ang panganib ng pagkalaglag at panganganak ng patay. Kahit na ang isang maliit na halaga ay maaaring negatibong makaapekto sa pag-unlad ng utak ng iyong sanggol.

Ang pag-inom ng alak sa panahon ng pagbubuntis ay maaari ding maging sanhi ng fetal alcohol syndrome, na kinabibilangan ng mga deformidad sa mukha, mga depekto sa puso at kapansanan sa intelektwal.

Dahil walang antas ng alkohol ang napatunayang ligtas sa panahon ng pagbubuntis, inirerekomendang iwasan ito nang buo.

Bilang paghahanda sa pagdating ng iyong anak, palaging suriin ang mga pagkain at inumin na maaaring maipasa sa iyong anak sa sinapupunan. Kung mayroong nararamdamang kakaiba, agad na tumawag at humingi ng tulong sa iyong doktor.

 

Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores

Source:

Healthline, Agriculture PA, Pregnancy Food Checker, Healthline – Pregnancy foods to avoid