Bangkay ng babae na isang taon na umanong patay, natagpuan sa isang sofa sa loob ng apartment

Tuyot na ang bangkay ng babae nang matagpuan ito sa ibabaw ng sofa sa loob ng apartment. Ayon sa mga awtoridad, isang taon na itong patay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bangkay ng isang babae ang tumambad sa mga awtoridad nang buksan ang isang apartment sa Hanoi, Vietnam. Ang tuyot nang bangkay ng babae ay nakita sa ibabaw ng sofa sa loob ng apartment.

Bangkay ng babae isang taon na umano sa loob ng apartment!

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa Nam Tu Liem district sa Hanoi, Vietnam. Ito ay matapos na matagpuan ang bangkay ng isang babae sa isang apartment sa Tay Mo ward. Pinaniniwalaang ang babae ay higit isang taon nang patay.

Larawan mula sa Shutterstock

Noong April 26, nabigla ang mga residente ng urban area sa Tay Mo ward nang kumalat sa social media ang larawan ng bangkay ng babae. Tuyot na ang katawan nito habang nakahiga sa sofa. Natagpuan ang bangkay sa nakakandadong apartment, na umano’y ilang taon nang walang nakatira.

Ayon sa local authorities, ang apartment na iyon ay tinirahan ng couple noong 2022. Saad ng mga residente sa mga katabing unit, narinig nilang nag-aaway ang mag-asawa noong May 2022. Pero pagkatapos noon ay wala silang napansin na pumasok o lumabas sa unit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Ang nakapagtataka pa, kahit na matagal nang walang naninirahan sa apartment unit na iyon, lahat ng service fees kabilang na ang upa sa bahay, bill sa kuryente at tubig, ay lagi umanong nababayaran.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa pagsusuri ng awtoridad, kinumpirma ng mga ito na ang bangkay ay humigit-kumulang isang taon na sa loob ng apartment. Ang tightly sealed nature ng apartment umano ang posibleng dahilan kung bakit hindi agad na-detect na may bangkay sa loob nito.

Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ng mga pulis ang kaso. At maglalabas umano ang mga ito ng iba pang detalye kapag tapos na ang imbestigasyon.

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang kasong ito ay nagdulot ng concern at argumento sa mga local resident at online communities. Marami ang nagtatanong kung paanong hindi raw napuna o naamoy man lang ng mga kalapit na unit ang naaagnas na bangkay. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng building management at mga kapitbahay.

Saad ng isang netizen, “Seeing that the house next door has never been opened in 2 years, why wouldn’t they be suspicious? That seems very unreasonable.”

Nakiusap ang mga awtoridad sa publiko na maging pasensyoso. Habang patuloy nilang ginagawa ang kanilang trabaho, na alamin ang iba pang detalye sa likod ng trahedyang ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan