Bangs Garcia umaming nakaranas ng depression: “Na-realize ko hindi ako puwedeng housewife talaga.”

Ayon kay Bangs, maswerte siya sa mister niyang very understanding at very thoughtful sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bangs Garcia umaming nakaranas ng depression matapos manganak, at isa sa kaniyang sinandalan ay ang kaniyang husband. Paano niya nalagpasan ito? Alamin dito.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Buhay pamilya ni Bangs Garcia
  • Paano nalabanan ni Bangs Garcia ang depression na naranasan niya

Buhay pamilya ni Bangs Garcia

Ang kilalang sexy actress na si Bangs Garcia ay isang happy wife and mom na ngayon kasama ang kaniyang husband. Siya at kaniyang pamilya ay naka-based sa United Kingdom kung saan nagtratrabaho at nakatira ang mister niyang si Lloyd Birchmore na half-Filipino at half-British. Sila ay mayroon ng dalawang anak na si Amelia at Isabella.

Image from Bangs Garcia’s Facebook account

Kamakailan lang ay nagbakasyon dito sa Pilipinas ang pamilya ni Bangs. Kaya naman siya ay nagpaunlak sa isang panayam sa programang ‘Magandang Buhay’ para ibahagi ang buhay niya ngayon bilang asawa at ina.

Kuwento ni Bangs Garcia, sa ngayon, siya ay full-time housewife sa kaniyang husband at hands-on mom sa kaniyang mga anak. Kung noon ay puro pelikula, photoshoots at tapings ang inaasikaso niya, ngayon paggawa ng gawaing-bahay at pag-aalaga ng anak niya ang main role niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ako naman kasi I am a hands-on mom, housewife ako for now. Kapag alam kong late makakauwi yung asawa ko naghahanda na ako ng food sa kaniya before siya dumating. And I make sure na talagang malinis yung bahay. Ayoko namang isipin niya na wala akong ginagawa sa bahay pagdating niya.”

Ito umano ang buhay at bagong role na ginagampanan ni Bangs Garcia ngayon sa kaniyang pamilya.

Bangs na-depress at naisip na hindi siya pang-housewife

Image from Bangs Garcia’s Facebook account

 

Kuwento pa ni Bangs Garcia, maswerte siya sa kaniyang husband. Dahil kahit pagod na ito sa pagtratrabaho buong araw ay tinutulungan parin siya nito sa gawaing-bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Higit sa lahat ay ibinibigay nito ang suporta at understanding na kailangan niya. Dahil pagbabahagi ni Bangs, matapos maipanganak ang second daughter niyang si Isabella ay na-depress siya.

“Na-depress ako last year. Medyo na-feel ko na to first year 2017. Kasi kakapanganak ko lang pero parang blues lang sa akin yun. Tapos siyempre may bagong chapter sa buhay natatakpan ‘yong blues.”

“Kasi masaya ako sa baby ko, masaya ako sa bagong buhay ko, masaya ako sa bagong lifestyle doon so medyo nawala ‘yon. Itong pangalawa ko doon ako tinamaan ng depression tapos nag-pandemic pa.”

Ito ang kuwento ni Bangs na tila na-overwhelm sa buhay may asawa at pagiging ina. Dagdag pa niya ay nanibago siya sa kaniyang bagong buhay. Dahil noon ay sobrang busy siya sa pagtratrabaho na malayo ngayon sa kung anong ginagawa niya.

“Na-realize ko hindi ako puwedeng housewife talaga.”

“I am so used in having a fast phase life here. Everyday ang dami kong activities in one day grabe lagare ako. May taping, may show ka pa sa mall, sa probinsya. Workaholic talaga ako hindi ako sanay ng ganoon.”

BASAHIN:

LOOK: Bangs Garcia married Lloydi Birchmore in three different wedding ceremonies!

Alex Gonzaga natuwa sa anak ni Zeinab Harake: “Ang sarap ng may baby.”

Dimples Romana pinasilip ang ultrasound scan ng kaniyang baby #3: “We can’t wait to hold you in our arms!”

Bangs Garcia nalagpasan ang depression sa tulong ng kaniyang husband at vlogging

Image from Bangs Garcia’s Facebook account

Mabuti na nga lang daw ay nakahanap siya ng paraan para maalis ang depression niya sa tulong ng paggawa ng vlog. Naging malaking tulong rin ang mister niya na very understanding at thoughtful kung ilarawan ni Bangs.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Very understanding talaga ‘yong asawa ko. He always makes sure na nakakalabas ako every weekend tapos bonding na rin with the kids. It’s a must sa amin. Sobrang family-oriented.

“Very thoughtful ‘yong asawa ko. Kapag alam niyang stressful ‘yong day ko, kapag walang school yung eldest ko alam niyang napagod ako magte-takeaway kami.”

Ito ang kuwento pa ni Bangs sa masayang pamilya at buhay may-asawa na mayroon siya ngayon.

Nito lang Enero ay nagdiwang si Bangs at kaniyang mister ng kanilang 5th wedding anniversary. Si Bangs may sweet na mensahe sa mister na tatlong beses niyang pinakasalan.

Una sa pamamagitan ng civil wedding ceremony na sinundan ng church wedding sa London. At pangatlo, sa isang beach wedding ceremony sa Boracay.

Sabi pa ni Bangs mukha man silang happy at contented couple sa social media ng kaniyang mister, ang reality sila ay work in progress pa rin. Dahil sa araw-araw ay may bago silang natutuklasan sa isa’t isa na para kay Bangs ay ang beauty daw ng pag-aasawa.

At sa tulong daw ng loyalty, trust at compassion nila sa kanilang relasyon ay alam niyang malalagpasan nila ang anumang pagsubok na darating sa kanilang pagsasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We are still a work in progress and I don’t think that will ever end for any couple, you know? We will always discover something new about each other, every day we could make mistakes, we learn, we forgive, every day we learn to embrace each other’s differences, every day we fall in love with each other, over and over and over again.”

“That’s the beauty in marriage, we get to do that for the rest of our lives! For as long as we will remain a Team of Loyalty, Compassion, Trust, Resilience and with well rooted faith in God then we can surely weather the worst of storms whilst we are here on earth.”

Ito ang sabi pa ng happy mom at wife ngayon na si Bangs Garcia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement