Mae Diane Azores: Hindi kailangan mag-aral sa Maynila para maging topnotchers

Kilalanin si Mae Diane Azores, ang topnotcher ng 2019 Bar Exams!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tuwing lalabas ang bar exams result, maraming mga inspiring stories din ang napupulot natin. Ang pagpupursigi ng mga estudyanteng ito ay hindi lamang nagdadala sa kanila sa tagumpay kundi nakaka-hikayat din sa mga kapwa nila estudyante. Kilalanin ang mga bar exams result 2019 topnotchers at ang kanilang mga kuwento!

Bar exams result 2019 topnotchers

Image from Freepik

Kilalanin ang topnotcher sa bar exams 2019 na si Mae Diane Azores. Siya ay isang estudyante mula sa University of Santo Tomas Legazpi at undergraduate mula Bicol University.

Ayon kay Mae, hindi kailangan na mag-aral sa Maynila upang mag-top sa bar exams. Nasa estudyante pa rin kung siya ay magpupursigi para sa kanilang pangarap at kinabukasan.

“Kaya isa rin po talagang pangarap ko na mag-top para ma-inspire po yung mga estudyante na nasa probinsiya na hindi kailangan na mag-enroll sa Manila pa o kung saan kasi nasa estudyante talaga ‘yun. Kung gugustuhin nilang mag-top, kakayanin nila,” pahayag ni Mae.

Aniya, inaalay niya rin ang achievement na ito sa pumanaw niyang lola na namatay lamang noong Marso. Hindi man daw naabutan nito ang paglabas ng resulta, iniaalay pa rin niya ito sa kanya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mae Diane Azores

Image from UST Media Alumni Public Affairs

Bukod sa inirerepresenta ni Mae ang kanyang mga kapwa na nag-aaral sa Bicol at ibang lugar bukod sa Maynila, siya rin ay anak ng isang jeepney driver. Ayon sa kanya, hindi dapat maging hadlang ang kahirapan sa pagtupad ng pangarap.

Bukod sa isa na siyang CPA o Certified Public Accountant, nagtrabaho sa DSWD-Bicol si Mae para paglingkuran ang mga tao sa kanilang lugar. Ngayon naman ay sa Commission on Audit o COA na siya nagta-trabaho. Ang puso raw ni Mae ay para talaga sa public service. Hindi naman din maitatanggi ang kanyang galing at interes sa labor law at taxation law.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Malaki na rin ang naitulong ni Mae sa kanyang pamilya. Sa katunayan, naibili na nga niya ang kanyang ama ng sarili nitong jeep na kanya ngayong ginagamit para mamasada.

Iba pang bar topnotchers

Samantala, ang unang topnotcher naman mula sa Polytechnic University of the Philippines na si Jun Dexter Rojas ay isang 37-year old at isa ng ama.

Noong 2004 ay nag-graduate si Jun sa University of the Philippines ngunit hindi ito kaagad nakapag-aral ng law dahil pangalawa siya sa pitong magkakapatid. Kinailangan na ng mga mas bata niyang kapatid na mag-aral din kaya naman nagtrabaho na muna siya.

Dahil pangarap talaga niyang mag-abogado, kahit na may asawa at anak na siya ay nagpatuloy pa rin siya sa law school noong 2015. Limang taon ang nakalipas at siya na nga ngayon ay isang bar topnotcher. Siya ay rank 9 sa 2019 bar exams.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Wala akong ibang choice. Kailangan ko magtrabaho dahil may anak na kami at gusto ko din maging abogado. Hindi ako puwede mamili ng isa,” kuwento ni Jun.

Iba naman ang kuwento ng top 4 na si Dawna Fya Bandiola. Siya naman ay nag-take na ng bar exams noong 2018, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya ito napasa.

Ayon sa kanya, “it’s all about timing.” Naaalala pa raw niya noong hindi siya pumasa noong unang beses na sumubok sa bar exams. Kahit na sa tingin niya ay prepared na siya noon at nag-aral naman nang mabuti.

“You should be mentally, emotionally, physically ready. Performing well in school does not mean you can pass the Bar, you can be a lawyer. Accept what is given to you. Do your part. Work hard and pray hard, and it will be given to you if it is meant for you,” pahayag pa niya.

Bar exams result 2019

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Ayon sa Supreme Court, 27.36 percent o 2,103 mula sa 7,685 na examinees ang pumasa sa 2019 bar exams. Ang top 5 naman ay puro mga babae at sila ay mula sa UST Legaspi, University of the East, San Beda College – Alabang at Palawan State University.

 

Source:

GMA News, Rappler, ABS-CBN, PhilStar

Basahin:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

How online learning boosts students’ well-being at home

Sinulat ni

mayie