Hindi umano maiwasan ni Baron Geisler as a father na makarelate sa kaniyang naging role sa Senior High. Ito ay ang teleserye ng ABS-CBN na naging usap-usapan hindi lang sa telebisyon kundi maging sa online world.
Mababasa sa artikulong ito:
- Baron Geisler nagpapasalamat sa kaniyang role sa Senior High
- Aktor na si Baron, gagawin ang lahat bilang isang ama
Baron Geisler thankful sa kaniyang role sa Senior High
Gumanap nga si Baron Geisler sa teleserye ng ABS-CBN bilang ama ng mga karakter na sina Archie at Z na ginanapan nina Elijah Canlas at Daniela Stranner.
Larawan mula sa Instagram ni Baron Geisler
Ayon sa aktor, marami siyang natutunan sa mga kabataang nagsipagganao sa Senior High. Kabilang sa mga ito ay sina Andrea Brillantes, Daniela Stranner, Elijah Canlas, Kyle Echarri, Juan Karlos, Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat.
“I consider myself a zillennial. I am very blessed and lucky nakikilala ako ng Gen Z and I get to work with the fine young actors,” saad ni Baron Geisler sa isang interview ng ABS-CBN.
Bukod pa rito, aniya, nagpapasalamat siya na ipinagkatiwala sa kaniya ang role na Harry. Isang ama na nagsakripisyo para sa kaniyang mga anak.
Larawan mula sa Instagram ni Baron Geisler
Gagawin ang lahat para sa pamilya
Sa katatapos lang na serye, namatay ang karakter ni Baron Geisler matapos niyang iligtas si Sky, na ginanapan naman ni Andrea Brillantes. Iniligtas niya ito sa kamay ng abusadong si William, kung saan ay si Mon Confiado ang gumanap.
Saad ni Baron, gustong-gusto niya raw ang kaniyang death scene, dahil nagkaroon ng redeeming factor ang kaniyang karakter. Kung mapapanood daw kasi ang serye, sa mga unang bahagi nito ay nagmukhang salbahe si Baron dahil sa kagustuhan nitong protektahan ang pamilya.
Larawan mula sa Instagram
“Natutuwa ako sa people online na nage-get nila ‘yung character. Oo hindi ako plain kontrabida, gray ang character ko. Kasi for him, only obligation and motivation is protect his family and children,” aniya.
Relate umano siya sa bahaging ito ng kaniyang karakter dahil bilang magulang gagawin niya rin ang lahat para sa mga anak, para sa kaniyang pamilya.
“Ako bilang magulang, makaka-relate ako kay Harry. Because I will do anything and everything for my family.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!