Baron Geisler at wife niyang si Jamie Evangelista mukhang nagkakaayos na. Aktor sinorpresa ang misis sa birthday nito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Baron Geisler birthday surprise to wife Jamie Evangelista.
- Relasyon ni Baron at misis niyang si Jamie.
Baron Geisler birthday surprise to wife Jamie Evangelista
Hindi pinalampas ng aktor na si Baron Geisler na i-sorpresa ang wife niyang si Jamie Evangelista sa birthday nito.
Sa kaniyang Instagram account kahapon ay nag-share si Baron ng isang video clip na kung saan makikitang kinuntsaba niya ang mga staff ng isang restaurant na kanilang kinakainan upang sorpresahin ang wife niyang si Jamie.
Maririnig sa video na kinakantahan ng mga ito ng happy birthday song si Jamie na hindi mapigilan ang pag-ngiti ng iaabot sa kaniya ang birthday cake.
View this post on Instagram
Si Baron may maikling mensahe rin para sa misis.
“Many more years to come. Happy birthday, sweetheart.”
Ito ang maririnig na sinasabi ni Baron na siyang may hawak ng camera at kumukuha ng video. Maririnig rin na pinasalamatan niya ang panganay na anak ni Jamie na si Quin na tinawag niyang partner in crime. Mukhang ito rin ay kinuntsaba niya para magawa ang surprise para kay Jamie.
Sa IG post ni Baron ay marami ang natuwang makitang magkasamang muli at happy ang mag-asawa. Binati rin nila si Jamie sa kaarawan nito.
gisellesanchez Happy bday Jamie! Im sooo@happy to@see you happy Jamie!!
christinebbabao Happy Happy Bday Jamie!! 🎂🍰
Relasyon ni Baron at misis niyang si Jamie
Matatandaang nitong Mayo sa pamamagitan ng isang Facebook post ay ibinahagi ni Baron na humihiling na ng annulment ang misis niyang si Jamie. Ito ay dahil daw sa mga sexy at bad boy roles na ginagampanan ni Baron sa pelikula na nakakaapekto na sa kaniyang pamilya.
“I am not proud of it and it’s taking a toll on my marriage, from my wife who is demanding for an annulment. God bless us all.”
Ito ang sabi pa ni Baron sa naturang post.
Ang post na ito ni Baron ay kasunod ng trending video niya sa social media na kung saan maririnig na nagtatalo sila ng misis na si Jamie. Sa naturang video ay maririnig na pinapalayas na ni Jamie si Baron sa Cebu.
“Go to Manila. Di ka naman taga-dire. No one wants you here.”
Ito maririnig na sabi ni Jamie sa video na si Baron mismo ang kumukuha.
Sa video ay maririnig rin ang pag-uusap ni Baron at kaniyang misis na kung saan sinabi ni Jamie na ilang beses niya ng kinausap ng maayos ang aktor.
Pero hindi pa ito nagbabago at nanatili paring arogante. Hamon pa nito ay sumama nalang sa “sugar mommy” niya na kung saan naibibigay ang mga gusto at pangangailangan niya.
Ang video ng pag-aaway na ito ni Baron at kaniyang misis ay agad niya ring binura. Kasunod nito ay ang paghingi ng tawad ng aktor sa Facebook. At ang paghiling na kung sana ay maari niya lang ibalik sa simula ang lahat na kung saan maitatama niya ang kaniyang pagkakamali.
“I am sorry.. no one is perfect… I wish I had a magic book to turn things around, I am a terrible person.”
Ito ang post ni Baron sa kaniyang Facebook account na kung saan nag-komento rin siya. Sabi pa ng aktor ay miss niya ang kaniyang ina.
Si Jamie ibinahagi naman na ang mga ipinapakita na ugali na ito ni Baron ay parte ng alcohol relapse niya.
Sa isang panayam sa kaniya, nilinaw rin ni Baron na hindi nauwi sa hiwalayan ang pagtatalo nila ni Jamie. Sinabi niyang sinusubukan nilang ayusin ang gusot sa kanilang relasyon na aminado siyang siya rin ang may gawa.
“Nagkaroon lang kami ng misunderstanding ni misis, dahil sa character defect ko, parang nawala ‘yong pagka-empathetic ko and hindi ko nabigyang halaga ‘yong mga gusto niya.”
“Hindi kami naghiwalay. We are working things out but of course we are giving each other space.”
“Eventually we will patch things up and magiging sweeter. ‘Di ba may kasabihan, malaking away, malaking yakap.”
Ito ang sabi pa ni Baron sa naturang panayam.
Samantala, nitong nakaraang Father’s Day ay si Baron naman ang pinaghandaan ni Jamie. Ang aktor nagpasalamat sa dinner na inihanda ni Jamie para sa kaniya.
Sa nagdaan niyang birthday nitong Hunyo ay may maikling mensahe ring inalay si Jamie para sa mister sa kaniyang IG account. Doon ay may words of encouragement ring inilakip si Jamie para kay Baron na laging laman ng mga negatibong balita noon.
“Happy Birthday, Daddy B! In life’s sunshine or rain, just ride the waves and keep swimming. I know you are trying your very best. Better days are coming, just trust God’s plan. We love you but for now we will enjoy the beach for you!”
Ito ang mensahe naman ni Jamie para kay Baron sa nakalipas na 40th birthday ng aktor.