TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Basahan cake, handog ng ina sa kanyang anak dahil walang pambili ng totoong cake

4 min read
Basahan cake, handog ng ina sa kanyang anak dahil walang pambili ng totoong cake

Bagama't walang pambili ng totoong cake, ginawa pa rin ng ina na ito ang kanyang makakaya para sa 7th birthday ng anak.

Kilalanin si Nanay Rosalyn, ang ina ng 7-year old na batang ginawan ng basahan cake dahil wala silang pambili ng totoong cake.

Basahan cake

Ikinuwento ni Nanay Rosalyn Fernandez ang naging selebrasyon ng kanyang 7-year old na anak na si Angel. Banggit niya, wala silang pambili ng cake. At nagkataon na noong araw na iyon ay gumagawa siya ng mga basahan na pangbenta. Dahil daw sa lockdown, walang budget ang kanilang pamilya.

Naisipan niya raw na gawan muna ng basahan cake ang anak upang hindi naman ito malungkot. Gayunpaman, mayroon siyang kaunting handa na mula sa kanilang mga kamag-anak at kapitbahay.

Matapos namang mai-post sa Social Media ito, marami ang nagpaabot ng tulong sa pamilya. Sa katunayan, maraming nagpadala ng cake at iba pang pagkain para sa kanila.

Mayroon pa nga raw na nag-donate mula sa Amerika at ito ay ipinangbili ng pansit at cake.

basahan cake

Birthday message ng ina para kay Angel

Noong tinanong kung ano ang mensahe niya at wish para sa anak, ito ang sagot ni Nanay:

“Ang gusto ko lang ay sana mag-aral siya nang mabuti at maging malakas ang katawan niya, ‘wag siyang magkasakit.”

Talaga namang selfless ang pagmamahal ng mga ina para sa kanilang mga anak. Kahit pa kapos ay ginawan pa rin ng paraan ni Nanay Rosalyn na mai-celebrate ang birthday ng kanyang anak. Dahil sa kanyang mabuting kalooban, maraming netizens ang na-touch sa kanilang kuwento.

Facebook post ni Nanay Rosalyn

basahan cake

Sa video na naka-post sa Facebook profile niya, ito ang mensahe niya para sa kanyang anak:

“Pag tapos kong mapanuod ang video parang naiiyak ako kase yung binigay ko sakanyang cake ay kunwareng cake lang tinaytay na basahan lang sabi ko imagine muna nya na cake yon dahil wala kaming pambili ng handa hindi padin po kami nag tatanghaliaan ng mga oras nayan, at nung nag wish sya na sana mag karoon sya ng cake naawa ako bigla nalang nahulog yung kandila at napaso ang braso nya iyak sya ng iyak kaso na buwal yung kunwareng cake na hawak nya dinadaan ko nalang sa tawa ang lahat para hindi ako tuluyang maiyak . Sana po may mag share nitong video nya para makita nila ang simpleng hiling ng anak ko Happy 7th birthday angel.“

Ayon pa sa kanya, ayos lang na wala sila sa ngayon. Ang mahalaga ay walang may sakit sa kanilang pamilya.

basahan cake

“Happy 7th birthday angel. Kahit wala tayong pera ok lang basta wala tayong sakit nakaraos tayo sa simpleng tinapay at Rc na bigay ng iyong tito, pasensya na kung wala ang hiniling mong cake at dahil wala kang cake ginawa ko nalang ang tinaytay namin na basahan at nilagyan ng candle para kahit papaano ma-imagine mong may cake ka ok lang yan basta mag-aral at magtapos ka makakaraos din tayo. Happy birthday.”

Mahalaga bang i-celebrate ang 7th birthday?

Ayon sa mga eksperto, ang unang 6 na taon ng bata, na tinatawag na early childhood years ay pinakamahalagang panahon ng pagkabata. Dito kasi naitataguyod ang pundasyon ng kanilang kaalaman at pagkatuto. Kaya’t paglagpas sa edad na 6 na taon, ipinagdiriwang ang susunod na mahalagang milestone sa buhay ng isang bata—ang ika-7 kaarawan.

Sabi ng iba, ito ay nagmamarka ng simula ng pagiging independent ng isang bata. Pagpasok niya sa elementarya, hindi na siya nakakapit sa kamay ni nanay o tatay, ika nga. Mas accountable na siya sa sarili niyang galaw, nagdedesisyon na siya para sa sarili tungkol sa mga maliliit na bagay. Dito na rin natututong magkaron ng ideya kung ano ang tama at mali, at kung ano ang pipiliing gawin. Malaking pagbabago, kaya nga marami ang nagdiriwang nito, sa pamamagitan ng isang malaking handaan o munting salo-salo, basta mairaos ang mahalagang okasyon na ito.

Gayunpaman, huwag i-pressure ang iyong sarili at gawin lang kung ano ang kaya. Mahalaga lang naman na maiparamdam natin sa mga anak natin na mahalaga sila at masaya tayong makita silang tumatanda. Katulad na lamang ng kuwento ni Angel at ng kanyang nanay na si Rosalyn, magsilbi sanang inspirasyon para sa mga magulang at mga bata ang kuwento na ito.

 

Source:

ABS CBN News

Basahin:

A mother’s sacrifice: Heroic tales of love and care from mom frontliners

Partner Stories
Your Guide to Kids' Nutrition by Health Coach Tara Tan
Your Guide to Kids' Nutrition by Health Coach Tara Tan
McDonald’s PH committed to ramping up vaccination in 4th National Vaccination Drive
McDonald’s PH committed to ramping up vaccination in 4th National Vaccination Drive
Trouble with the exact sciences: Kaspersky evaluates student performance during enforced distance learning in APAC
Trouble with the exact sciences: Kaspersky evaluates student performance during enforced distance learning in APAC
Ortigas malls extends helping hand in time of COVID-19
Ortigas malls extends helping hand in time of COVID-19

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

mayie

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tunay na kuwento
  • /
  • Basahan cake, handog ng ina sa kanyang anak dahil walang pambili ng totoong cake
Share:
  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko