Madrasta pinag-utos na gahasain at patayin ang kaniyang stepdaughter

lead image

Isang 9-taong gulang na bata ang walang awang ginahasa at pinatay. Ang nag-utos ng karumal-dumal na krimen: ang kaniyang madrasta.

Iba't ibang krimen ang nababalitaan nating nangyayari sa mundo. Hindi na bago na may marinig tayong mga malalagim na nangyayari. Ngunit lubos na nakakadurog ng puso kapag ang biktima ay walang muwang na bata. Tulad na lang ng isang istorya ng 9 na taong gulang na bata na ginahasa at pinatay. Ang punong salarin: ang kaniyang madrasta.

Ginahasa at pinatay

Sa Baramulla district ng Kashmir nakatira ang isang 9-taong gulang na batang babae. Pangalawang pamilya sila ng kaniyang ama. Sa lahat ng anak ng kaniyang tatay, siya ang pinakapaborito. Kaya naman parating naglalaan ng oras at pansin ang ama niya sa kanila. Ngunit imbis na isang grasya na pinapaboran siya, ito pa ang naging mitsa ng kaniyang buhay.

Ayon sa imbestigasyon, lubos na nagseselos ang kaniyang 36-anyos na madrasta—unang asawa ng kaniyang ama—sa kaniya at sa kaniyang ina. Kaya naisipan ng madrasta na gawan ang bata ng masama.

Noong Agosto 24, dinala ang bata sa masukal na lugar ng kaniyang madrasta. Doon, inutusan ng madrasta ang kaniyang 14-atong gulang na anak at ang barkada nito na pawang mga teenager din na gahasain ang batang babae.

Matapos pagsamantalahan ang bata, sinakal ng madrasta ang bata at pinalo naman anak nito ng palakol ang ulo ng bata. Hindi pa nakuntento ang mga suspek. Diumano'y binuhusan pa ng asido ang katawan ng bata at dinukot pa ang mga mata nito ng isa sa barkada ng stepbrother.

Itinapon ng mga suspek ang katawan ng bata sa talahiban at tinakpan ng mga kahoy. Natagpuan ang bangkay sampung araw matapos ang karumal-dumal na krimen.

Imbestigasyon

Napag-alaman ng mga pulis sa kanilang imbestigasyon na ang madrasta ang mastermind ng krimen. Ayon kay Senior police officer Mir Imtiyaz Hussain, "Napag-alaman na matagal nang nagtatanim ng galit ang unang asawa sa pangalawang asawa at sa mga anak nito. Pinagplanuhan niyang patayin ang bata."

Dagdag pa nito, "Kinuntsaba niya ang anak niyang gahasain at patayin ang bata. Nanood siya habang pinagsasamantalahan ang bata."

Inaresto ang anim na taong may kinalaman sa kaso, kabilang na ang madrasta. Nag-kumpisal naman ang mga batang lalaki sa mga nagawa nila.

Ayon sa pulis, isinasaayos na ang kaso laban sa mga suspek.

 

Source: NDTV, TOI

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Candice Venturanza
https://sg.theasianparent.com/indian-girl-raped-and-murdered