Depensa ng ina ng batang iniwan sa kotse: "Sandaling-sandali lang po 'yon."

Bata iniwan sa kotse; depensa ng kaniyang ina, "Alam kong mali ako." Sagot ng DSWD acting secretary Orogo, "That is neglect."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mabilis na naging viral ang storya ng isang bata iniwan sa kotse sa parking lot ng isang gimikan mula sa post ng concerned netizen na si Jasper Pascual. Pasakay na sa kaniyang kotse si Jasper nang marinig niyang may batang umiiyak sa katabing SUV. Dahil madilim ang tint ng kotse, hindi niya nakita kung may kasama ba ang bata o wala.

Aalis na sana siya nang hampasin ng bata ang salamin ng sasakyan. Doon na nag-imbestiga si Jasper. Nagulat siya ng malamang may batang iniwan sa kotse nang mag-isa. Patay ang makina at walang aircon, tanging maliit na siwang lamang sa bintana ang nagsisilbing daluyan ng hangin.

Agarang tumawag si Jasper ng tulong mula sa mga gwardiya upang hanapin ang magulang ng bata. Makikita sa video na kinuhanan niya na sinubukan niyang buksan ang bintana ngunit hindi ito mabuksan. Aminado ang netizen na naka-inom siya kaya siya napamura at nataranta siya kung babasagin ba niya ang salamin o hindi. Naisip niya na baka pag binasag niya ang bintana, matamaan ng bubog ang baby.

Kalaunan ay dumating na rin ang nanay ng bata. Ngunit imbis na magpasalamat sa pagtawag sa kaniyang pansin na umiiyak ang anak niya, nagalit pa ang ina, ayon kay Jasper.

Natagpuan ng isang concerned netizen ang umiiyak na batang ito na mag-isa sa loob ng kotse sa isang parking lot ng gimikan.

Depensa ng nanay

Sa isang panayam ni Raffy Tulfo sa Aksyon sa Tanghali, sinagot ng nanay na si Jenny Caluna kung bakit niya iniwan ang kaniyang isang taong gulang na anak sa loob ng kanilang sasakyan.

Ayon sa kaniya, sila ng kaniyang asawa ang nagma-manage ng isang tindahan sa Metrowalk, Pasig. Dahil nagpapadede pa siya, kasa-kasama niya ang kaniyang baby pati na rin ang isa pa niyang anak na anim na taong gulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Noong nangyari ang insidente ng bandang alas-kuwatro ng madaling araw, napansin daw ni Jenny na inaantok na ang kaniyang bunso.

“Sabi ko patutulugin ko na <‘yong baby> kasi parang inaantok na siya. So pumunta po kami sa sasakyan, nagpadede po ako. Nakita pa nga po ako ng guard na andoon sa sasakyan. So nagpadede po ako, nakatulog po siya <baby>.”

Nang mapatulog daw ang bata, tinawagan daw si Jenny ng kaniyang asawa dahil gusto raw kumain ng kanilang 6 years old na anak.

“Sabi ko, ‘Sandali. Iihi muna ako.’ Umihi ako tapos pina-order ko po ‘yong bata kung ano po ang gusto niyang kainin tapos nagpunta nga po ‘yong guard, as in kararating-rating ko lang sa store. Sabi nga niya may nagwawala nga daw doon ,sa parking lot> na lalaki na ba’t niyo daw iniwan ‘yong bata. ‘Okey,’ sabi ko. Bumalik ako.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Diin ni Jenny na “sandaling-sandali” lang daw siya nawala.”Kahit tignan po nila ‘yong CCTV, i-check nila yong CCTV, wala pong problema sa akin.”

Nang klaruhin ni Tulfo kung gaano katagal siyang nawala, inestima ng nanay na “ten minutes” niyang iniwan ang bata sa kotse.

Pinangaralan si Jenny ng host ng programa at sinabing maraming puwedeng mangyari sa sampung minuto. Maari rin daw i-carnap ang kotse at matangay ang baby.

“Opo naiintindihan ko naman din po. Sabi ko naman din po na alam kong nagkamali ako doon na iniwan ko yong anak ko doon. Pero yong iba pong pinagsasabi parang sabi ko hindi naman tama.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Itinanggi ni Jenny na gumigimik silang mag-asawa. Hindi rin daw sila naka-inom.

“Hindi po kasi nagpapadede po ako. Pati yong husband ko, hindi siya puwedeng uminom.”

Dagdag pa niya na ang nag-post ng video na si Jasper ang “lasing.” Hindi rin daw siya kinausap ng huli nang bumalik siya sa sasakyan.

“Hindi po kasi niya ako kinausap. Andoon pa po siya. Ang tagal niya sa may sasakyan niya. Nagmumura siya. Lasing na lasing po siya. Ang baho nga, e. Amoy na amoy. Sabi ko nga sana nilapitan niya ako. Ayoko siyang lapitan kasi lasing siya. Binaligtad niya ako, ako daw ‘yong lasing kaya ayaw niya akong lapitan kasi lasing daw ako baka daw awayin ko siya. Sabi ko, ‘Hala, hindi!'”

Pahayag pa niya na hindi rin daw dapat nagbanta si Jasper na babasagin ang bintana ng kotse.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kinausap ko pa nga yong guard, e,” aniya. “Sabi ko ba’t naman babasagin ‘yong sasakyan, dapat kinausap niya ako dahil babalik din naman ako.”

Pinaalalahanan siya muli ni Tulfo na maraming puwedeng masamang mangyari kapag iniiwan ang bata na mag-isa, lalo na at 4 a.m. na ng mangyari ang insidente at sa loob pa ng sasakyan.

 

Sa panayam naman ni Jenny sa programang Bandila, nilinaw nito na hindi naipakita ang kabilang side ng sasakyan na mayroong mas malaking siwang sa bintana. Hindi rin daw umano naka-lock ang sasakyan gaya ng unang naibalita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pahayag ng DSWD

Nakapanayam ng ABS-CBN ang isa sa mga guwardiya na rumisponde noong nangyari ang insidente. Pahayag niya, dalawang beses daw nilang tinawag ang mga magulang ng bata tungkol sa kanilang anak. Bago pa man nagsumbong si Jasper may isa ng kostumer na tumawag ng kanilang atensiyon.

“‘Yong unang kostumer nga, ‘yon nga ang nagsabi sa’kin,” aniya. “Doon, tinawagan ako ng kasamahan ko sa radyo na mayroon daw batang umiiyak.”

Dagdag pa niya, “‘Yong unang ano niya, ‘di ko alam na dinala n’ya, ‘yon pala iniwanan niya uli.”

Saad naman ng DSWD (Department of Social Welfare and Development) acting secretary na si Virginia Orogo maaaring kasuhan ang mga magulang ng bata na iniwan sa kotse kung mapatunayan na may pagkukulang ang mga ito.

“That is neglect and neglect, eh nasaktan ang bata, may abuse na agad doon… Puwede po naming kunin ‘yong bata until such period of time.”

Kasalukuyang pinapa-imbestigahan ngayon ng departamento ang insidente.

 

SOURCES: ABS-CBN, Aksyon sa Tanghali