Bata nahuling nagdadala ng shabu sa loob ng kulungan

Ayon sa 16-anyos na lalaki, ang shabu daw ay sa kanyang ama na kasalukuyang nakakulong sa QCPD Station 3 matapos siyang mahuli noong April 1.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang kilo ng shabu na aabot sa mahigit 3-milyong piso ang halaga ay narekober sa isang bakuran sa Quezon City.

Nagsumbong ang isang binatilyo

Ayon sa sumbong ng isang binatilyo, nakikita daw niya ang isa niyang kaibigan na nagdadala ng shabu sa kanyang ama na kasalukuyang nakakulong sa QCPD Station 3 dahil sa bawal na gamot.

Nilapitan agad ng mga opisyal ng barangay ang 16-anyos na bata, at ang kanyang nanay, at dito na umamin ang binatilyo na pinipilit siyang magdala ng shabu sa kulungan ng kanyang ama.

Ayon sa mga pulis, ang shabu daw ay pagmamay-ari ng tatay ng bata, at sa bakuran ng isang bahay nila natagpuan ang isang kilo ng shabu. Hindi naman itinanggi ng ina ng binatilyo na nagdadala nga ng shabu ang kanyang anak sa kulungan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tinanggal sa puwesto ang dalawang bantay

Dahil dito, tinanggal na sa puwesto ang dalawang nagbabantay sa kulungan at nagpapatuloy pa din sila sa kanilang mga inspeksyon upang masigurado na walang iligal na droga o kontrabando na nakakapasok sa kulungan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nang kinausap ang ama ng bata, todo-tanggi ito sa mga paratang. Aniya, naipit lang daw ang mga pulis kaya siya ang tinuturong suspek. Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga pulis upang matukoy kung sino ang supplier at sino ba talaga ang pinapadalhan ng shabu sa kulungan.

Source: news.abs-cbn.com

READ: SHOCKING! Mother caught using shabu while with her kids

Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara