7 Taong gulang na batang babae, ginahasa sa banyo ng restaurant!

Ayon sa mga witness, ang batang babae na ginahasa ay ini-stalk at minamanmanan raw ng suspek bago niya ito dakipin at gahasain.

Para sa maraming magulang, importante ang kaligtasan ng kanilang mga anak. Lalong-lalo na kung sila ay mayroong mga lakad o nagpupunta sa mga lugar tulad ng restaurant. Kaya’t nakakagulat at nakakatakot malaman na may isang batang babae na ginahasa sa loob mismo ng banyo ng isang restaurant.

Ayon pa sa mga saksi sa krimen, ini-stalk pa daw ng suspek ang bata bago mangyari ang krimen.

Batang babae na ginahasa, nakitang duguan!

Nangyari ang insidente sa isang restaurant sa South Africa. Kasama raw ng pitong taong gulang na bata ang kaniyang ina sa isang pampamilyang restaurant, at naglalaro ang bata sa play area.

Dito pa lang daw, napansin na ng ibang mga kumakain na minamanmanan ng suspek ang bata. Ngunit hindi daw nila ito gaano pinansin. Sabi pa ng isang waiter na noong una ay nakaupo lang daw ang lalake sa restaurant, at sabing may hinihintay na kasama.

Nang magpunta daw sa banyo ang bata ay sinundan ito ng suspek. Kinuha siya ng suspek at dinala sa banyo ng mga lalake, kung saan ginahasa niya ang bata.

Nagulat na lang daw ang ina ng batang babae na ginahasa nang hindi na niya makita ang kaniyang anak. Nakarinig daw siya ng kakaibang tunog mula sa banyo ng mga lalake, kaya humingi na siya agad ng tulong sa mga tao.

Binugbog ng mga mamamayan ang suspek

Nang pasukin nila ang banyo, nakita nilang nakahubad ang suspek at bata. Duguan din daw ang ari ng batang babae.

Dahil dito, pinagbubugbog ng mga mamamayan ang suspek. Kinailangan pa daw ikulong ng restaurant staff ang suspek sa banyo upang hindi siya mapatay ng mga galit na galit na tao.

Inaresto na ang lalaki at sinampahan ng kasong rape.

Dahil sa nangyari, lalong pinaigting ang kampanya laban sa rape sa Africa, kung saan tinatayang 41% ng rape cases ay child rape.

Paano maiiwasan ang rape?

Ang rape ay isa sa mga napakalaking problema na kinakaharap sa ating bansa.

Sa ating bansa, napakababa ng mga kaso ng rape, dahil kadalasan natatakot o nahihiya ang mga biktima na humingi ng tulong. Minsan din, ang trauma ng nangyari sa kanila ang pumipigil sa kanilang mag-report nito.

Bukod dito, malaking bagay din ang pagkakaroon ng stigma sa mga biktima ng rape. May ibang tao na iniisip o sinasabi na kasalanan ng biktima ang nangyari sa kaniya. Hindi ito totoo. Ang may kasalanan sa rape, ay ang rapist, at hindi ang biktima.

Bilang mga magulang, mahalagang bantayan at alagaan natin ang ating mga anak. Hindi lang upang makaiwas sila sa rape, kundi pati na rin pigilan ang rape culture sa bansa.

Heto ang ilan sa mga hakbang na puwedeng gawin ng mga magulang:

  • Turuan ang mga bata na mag-ingat kapag mag-isa, at umiwas sa mga taong hindi kakilala.
  • Kapag pinilit silang kunin o isama ng hindi nila kakilala, mag-ingay sila at humingi ng tulong.
  • Mas maganda kung palagi mong bantayan ang iyong mga anak, lalo na kung maliit pa lang sila.
  • Turuan din silang magsabi sa iyo kung may nangyari sa kanila, o may nanakit sa kanila.
  • Hindi kasalanan ng rape victim ang nangyari. Mahalagang tanggalin ang stigma ng rape, at ituro ito sa iyong mga anak.
  • Ituro din sa iyong mga anak na lalaki ang rumespeto sa kababaihan.
  • Kung may kakilala kang biktima ng rape, bigyan mo siya ng suporta at pag-unawa.

 

Source: Daily Mail

Basahin: Kindergarten student na-gang rape sa CR ng paaralan

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara