Sa panahon ngayon, hindi na bago ang paggamit ng mga smart phone sa mga bata. Ngunit nakakatakot rin ito dahil minsan hindi natin alam kung ano ang kanilang pinapanood dito. Tulad na lang ng isang pangyayari sa Indonesia kung saan nahuli ang isang batang babaeng nanonood ng bold sa cellphone.
Ang mas malala pa nito ay katabi ng bata ang sarili niyang ina, na walang ginagawa upang pigilan ang kaniyang anak.
Paano nag-viral ang batang babaeng nanonood ng bold sa cellphone
Ayon sa website na Kriminologi.id, nag-viral ang video matapos ma-upload sa Facebook page ni Yuni Rusmini noong 14 March 2018. Sa kaniyang post, sinulat niya ang caption na ito:
Oh Dear Lord…
To all my friends everywhere, especially parents who have children. Please, if your children ever does manage to get hold of your phone sometimes, do NOT ever fill it with pornographic videos or content that is beyond their limited, innocent understanding of the world.
Ano ang naging reaksyon ng mga netizen?
Mabilis kumalat at naging viral ang video ng batang babaeng nanonood ng bold sa cellphone sa social media at mga messaging service. Itinago namin ang mukha ng mag-ina upang maprotektahan ang kanilang pagkakakilanlan.
Sa video, makikita ang batang babae na may pinapanood na malaswa sa kaniyang cellphon. Kitang kita rin sa cellphone ng bata ang mga lalake at babaeng nakikipagtalik. Katabi lang ng bata ang kaniyang ina, at parang hindi nito pinapansin ang pinapanood ng kaniyang anak.
Dahil dito, napakaraming nagalit na mga netizens dahil walang ginagawa ang ina ng bata. Dagdag pa nila na bakit daw hinayaan lang ng ina na panoorin ang mga video sa cellphone. Bukod dito, tinatanong nila kung bakit daw mayroong ganung palabas ang naka-save sa cellphone.
Sinabi rin ng iba na bakit wala daw ginawa ang mismong kumuha ng video. Sana raw ay pinagsabihan nila ang mag-ina sa halip na nag-video lang.
Nagalit ang pulis at Commision for the Protection of Children Indonesia (CPCI) sa pangyayari
Dahil sa pagiging viral ng video, umabot ito sa mga pulis, na nagsagawa ng sarili nilang imbestigasyon sa pangyayari.
Ayon sa Merdeka.com, sinabi ni Raden Prabowo Argo Yuwono, Head of Personal Relations ng Metro Jaya Regional Police High Commission, ay magsasagawa ng imbestigasyon ang kapulisan. Ang una nilang aalamin ay kung saan nangyari ang insidente.
Dagdag niya na siya ay nagsisisi na hindi pinansin ng ina ang pinapanood ng kaniyang anak. Dagdag niya na hindi raw ito tamang panoorin ng isang bata.
Aalamin pa ng mga pulis kung bakit ito hinayaang mangyari ng magulang ng bata at patuloy nilang iimbestigahan ang pangyayari.
Ano ang epekto ng panonood ng pornography sa mga bata?
Ayon sa mga eksperto, maraming masasamang epekto ang panonood ng pornography. Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ng American College of Pediatricians, kanilang natagpuan na:
- pagkakaroon ng kawalan ng damdamin tungo sa mga babae (para sa mga lalake)
- binabalewala ang tindi ng rape
- mas tinatanggap ang sex sa labas ng kasal, pati ng oral at anal sex
- mas nagiging mahilig sa extreme na pornography
- nawawalang ng gana sa kanilang sexual partner
- nagiging katanggap-tanggap sa kanila ang pangangaliwa
- hindi pinapahalagahan ang kasal at pag-aasawa
- mas tinatanggap ang pangangaliwa ng mga kababaihan
Ano ang dapat gawin ng mga magulang tungkol dito?
Ayon kay Vera Itabiliana Hadiwidjojo, isang psychologist, maraming maituturo sa mga magulang dahil sa batang babaeng nanonood ng bold sa cellphone, halimbawa:
It is important for the child to be actively mentored as they access the device. By ‘Actively Mentored,’ I mean parents should ensure that they know what their child (is) watching and that they have limited access to the device. Furthermore, parents should ensure that the device is free from content that may endanger the child, especially if the device is their parent’s.
What should you do if you catch your children watching pornographic videos? As parents, it’s important to explain the content of the video (an explanation that ONLY married adults can do). You should also explain why the child isn’t allowed to be exposed to such inappropriate content. Research exists that suggests brain damage from excessive consumption of pornography. Parents also need to apologise for carelessly saving the video in their device in the first place.
If the child is mature enough and a possibility for a discussion indeed presents itself, do not forget to ask what they were thinking and feeling while they were watching the video. By understanding what the child is thinking, parents can invite them for a discussion, inserting moral values in it. Usually, children who have gone through puberty or become teenagers would understand what they are viewing.
Mga huling paalala
May dagdag na payo rin si Dr Vera para sa mga magulang:
- HUWAG itong balewalain o kalimutan. Mahalagang kausapin mo ang iyong anak kung may ganitong nangyari sa iyo.
- PAGSABIHAN ang mga magulang o nakatatanda na hinahayaan lang ito mangyari. Ito ay mahalagang gawin kapag ikaw mismo ang nakakita ng ganiyong mangyayari
- HINDI mo dapat ikalat ang video online o sa social media. Mahalagang isipin ang kinabukasan ng bata, at huwag basta-bastang i-share ito online. Mas mabuting i-report ang video kung makita mo itong kinakalat sa social media.
References: Kriminologi.id, Merdeka.com, Psychology Today, American College of Pediatricians
Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
https://sg.theasianparent.com/child-watching-porn-on-phone
Basahin: Elementary students gang-rape 8-year-old girl after watching porn
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!