Mayroon ibat-ibang klaseng ina sa mundo. Lumaki ako sa pag aalaga ng aking lola “Nanay” noong bata ako.
Hindi ako inaasikaso, inaalagan ng aking ina, ang aking “Mama.” Hindi rin kami ganoon ka-close noong bata pa ako.
Marami akong tampo sa Mama ko. Kung bakit ganito, ganyan? Hindi niya naman ako sinasaktan pero hindi talaga kami magkasundo, hanggang sa mag-dalaga ako.
Sabi ko pa sa sarili ko, “Kapag ako nagka-anak, ako mismo mag-aalaga sa mga anak ko kasi nga hindi ako naaalangan ng Mama ko.”
Hanggang sa dumating sa punto na nabuntis ako ng asawa ko ngayon. Dumating sa buhay ko o namin ang aking anak or mga anak.
Sobrang sarap at sobrang hirap maging isang nanay.
Laba, luto, asikaso. Lahat na ata ng ka-stressan nasa nanay na. Hehe!
Mahirap maging nanay. Hindi ka puwedeng mag-resign. Hindi ka puwedeng umayaw. Hindi ka rin puwedeng sumuko.
May point pa na iiyak na lang ako bigla-bigla kasi sobrang nahihirapan na ako. Napapagod na ako mag-alaga ng mga anak. Pero kapag mag-smile mga anak ko at yakapin lang ako, lahat ng pagod nawawala.
Minsan hindi ko na nga rin naaasikaso sarili ko. Feeling ko losyang na ang peg ko. Hay!
Doon ko naintindihan si Mama ko. Kasi noong teenager ako, siguro sarili ko lang iniisip ko. Ako lang pala ang lumalayo ang loob ko sa Mama ko.
Ngayong may mga anak na ako, sobrang sinusuportahan niya ako, kami ng mister ko. Tulad sa financial. Minsan kasi kinakapos kaming mag-asawa. Si Mama nagbibigay sa ‘kin.
Ngayon, naging sweet ako sa Mama ko. Nasasabihan ko na siya ng “I love my mother” and “Thank you sa lahat.” Nakakapag-sorry na din ako sa Mama ko.
Sobrang gaan ng feeling kapag nasasabihan mo ng mga problema ang Mama mo kasi dati hindi ako nagsasabi ng mahal na mahal ko ang mama ko.
Ngayon may tatlong makukulit na anak na ako.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!