Batang mataba, lalong tataba at lalaking mataba kapag laging tinutukso, ito ang natuklasan ng isang bagong pag-aaral.
Batang mataba mas tataba kapag tinutukso
Isang bagong pag-aaral tungkol sa obesity ang nakatuklas ng iba pang dahilan ng pagiging overweight ng isang tao.
Matapos tanungin ang 110 na preteens at teenagers ay nalaman ng mga researchers’ ng ginawang pag-aaral na isa sa mga factors sa lalong pagtaba ng isang batang mataba ay ang panunukso. Dahil nga din daw sa panunukso ay mas tumataas ang tiyansa na madala ng isang bata ang pagiging mataba hanggang siya ay mag-dalaga o mag-binata.
Maiuugnay ang bagong findings na ito sa isang 2014 study na nagsabing ang mga batang mataba na sinasabing “too fat o sobrang taba” sa edad na sampu ay mataas ang tiyansang maging obese kapag tumungtong na sa edad na 19-anyos.
Kaya naman tinukoy sa bagong pag-aaral na mahalagang alam ng mga magulang kung nakakaranas ng panunukso ang kanilang anak.
Ngunit, ang pakikipag-usap daw tungkol sa bata sa kaniyang timbang ay dapat sa paraang hindi makakaapekto sa kaniyang damdamin. Dahil ang usapin tungkol sa kaniyang pagiging mataba lalo na kung nagmula sa kaniyang magulang ay magdudulot sa kaniya ng frustration at tatatak sa kaniyang pagkatao.
Ito ay ayon kay Natasha Schvey, lead author ng ginawang pag-aaral at assistant professor ng medical and clinical psychology sa Uniformed Services University sa Washington, D.C.
“Sometimes parents feel uncomfortable or assume kids would bring up teasing, but that doesn’t always happen. As far as addressing weight, the general recommendation is to not address weight specifically.”
“That’s because weight is a tricky subject with such a great potential to frustrate and scar a child.”
“Any talk that’s perceived as being linked to weight is generally experienced as being stigmatizing for children, even just saying something like, ‘You look really skinny in that dress,” sabi ni Schvey.
Image from Freepik
Paano makikipag-usap sa isang batang mataba
Bagamat hindi parin naman inaalis ng mga researcher ng ginawang bagong pag-aaral ang iba pang dahilan ng pagiging mataba tulad na unhealthy diet at chronic stress.
Napakahalaga naman daw na ma-address nang maaga kung ang isang bata ay nakararanas ng panunukso para hindi na ito maulit at magdulot ng banta sa kaniyang kalusugan.
Ayon parin kay Schvey, isang paraan para masolusyonan ito ay ang pag-gawa ng mga healthy behaviors kasama ang iyong anak. Tulad ng pagkain ng masusustansiyang pagkain at pag-eexercise.
Imbis na sabihin lang sa kanila na gawin ito ay maging model sa kanila na kanilang tutularan at susundin.
“Use modeling. You don’t want to just tell the kid to go outside and take a walk, but make it a family activity. So you’re not necessarily doling out advice but modeling it,” paliwanag ni Schvey.
Makakatulong rin ang pagluluto o paghahanda ng healthy na pagkain kasama ang iyong anak sa pagtuturo sa kaniya ng pagma-maintain ng magandang timbang at malusog na katawan.
Source: Healthline
Photo: Freepik
Basahin: Pagiging mataba ng mga kaibigan at kapitbahay, ‘nakakahawa’
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!