Si Kairan Quazi ay isang batang matalino na sabay na nag-aaral sa college at fourth grade sa edad ng siyam na taon. Basahin ang kaniyang essay tungkol sa kung paano niya hinaharap at ine-enjoy ang kaniyang special na kondisyon.
Kuwento ng isang batang matalino
Siyam na taong gulang palang ako at nag-aaral na sa college. At ganito ang buhay para sa akin.
Tatlong taong gulang ako noon at isang preschooler nang itama ko ang nalalaman ng aking guro tungkol sa constitutional requirements para maging U.S. President.
Kindergarten naman ako noong nalaman ko na ang pagkukuwento pala sa mga bata tungkol sa kung paano gumagamit ng chemical weapons si Bashar al-Assad para sa kaniyang mga kababayan ay makapagpapaiyak sa kanila sa playground. Nang araw ding iyon ay nakatanggap ng isang hindi magandang tawag ang mga magulang ko noon mula sa principal ng school.
Nasama naman ako sa naughty list ng science teacher ko buong taon noong third-grade nang sabihin ko sa kaniyang ang nalalaman niya tungkol sa gravity ay mababaw.
Mula noon, palagi akong sinasabihan ng mga matatanda kung paano ako dapat mag-isip at ano ang mga dapat kong sabihin. Pero mas marami tungkol sa mga hindi ko dapat sabihin.
Nagbago lang ang lahat, noong ako ay nasa third grade at nang malaman ng mga duktor sa pamamagitan ng isang test na ang IQ ko ay mas mataas sa 99.9% kaysa sa ibang bata at ang EQ o emotional intelligence ko ay napakataas rin.
Mula noon ay naramdaman ko na sa wakas ay iintindinhin na nila ako at pakikinggan na ang mga aking sasabihin.
Batang matalino, gifted pala
Ang test na ginawa sa ‘kin ay nagpakita na ako daw ay “profoundly gifted.” At dahil doon ay ipinasok ako sa Mensa International, isang programa para sa mga indibidwal na may mataas na IQ at naging Davidson Institute Young Scholar.
Nang malaman ng parents ko ang condition ko, nagsimula silang kumuha ng professional advice sa kung ano ang mga kailangan ng mga profoundly-gifted kids na gaya ko. Kaya nilipat nila ako sa isang specialized elementary school.
Ngayon, nakatira kami sa San Francisco Bay Area sa Pleasanton at pumamapasok ako sa 4th grade at college nang sabay, at nag-e-enjoy ako.
Laging nagtatanong ang mga tao kung genius daw ako pero paliwanag ng mga magulang ko ang pagiging genius daw ay ang pagkilos sa pagbibigay solusyon sa mga problemang may human impact.
Sa ngayon, ay isa akong 9 years old na bata na may very strong skills sa ibang area.
Sabi ni Mom, siya lang ang genius sa bahay dahil siya lang ang nagpapanatili na maging buo ang aming tahanan. Hindi ako kumbinsido.
Sabi din ni Mom ang IQ daw ay nagmumula sa “X” chromosome, si Dad naman ang hindi kumbinsido.
Nakakatuwa ang pamilya ko.
Batang matalino: Mas weird nga ba sa ibang bata?
Sigurado, ang nasa isip ninyo tungkol sa mga gifted kids ay ‘yong mga weird na libro lang ang hawak at walang social skills. Pero hindi ako ganoon, tulad ng ibang bata normal at masayahin ako.
Nangongolekta ako ng Pokemon cards at alam ko ang lahat ng dance moves sa Fortnite.
Marami akong kaibigan, nagbibiruan kami at naglalaro ng mga games gaya ng basketball.
Hindi din ako laging nakakakuha ng A’s sa mga test.
Naglalaro ako ng video games kapag wala at hindi nakatingin ang mga parents ko at na-grounded ako dahil sa pagbebreak ng rule na ‘yan ng parents ko.
Actually, ngayon ay grounded ako dahil sa pag-gamit ng iPad.
Lagi rin ako pinagsasabihan ng parents ko dahil sa lagi daw ako nagpi-fail sa tinatawag na marshmallow test. Pero naisip ko, sila naman ay nagpi-fail sa patience test.
Totoo na may mga bagay na magaling talaga ako, weirdly. Tinatawag iyon ng mga doktor na “asynchronous learning” na ang ibig sabihin ay natututunan ko ang mga academic subjects nang mabilis kahit walang sequence.
Halimbawa, natutunan ko ang linear algebra bago pa man ako kumuha ng algebra class.
Pero may mga areas parin na hindi magaling tulad ng sa handwriting, spelling at taking notes. Gumagamit ako ng spellcheck habang sinusulat ang essay na ito.
Hindi rin madali sa akin na mag-aral ng foreign languages. Sinusubukan ko ngang i-challenge ang sarili ko na matuto ng Bengali sa family ko at Mandarin naman mula sa napaka-patient kong tutor na si Ms. Vienna. Please wish me luck!
Pero may alam ako pagdating sa computer languages.
Nagsimula ako sa Python programming sa YoungWonks coding academy noong ako ay 7 years old. Sa ngayon, ako ang pinaka-advanced na Pythod students sa aming academy.
Ginagamit ko din ang aking Python background para turuan ang sarili ko ng iba pang coding languages at interfaces. Nagte-take din ako ng open-source masterclass sa machine learning.
Obsessed din ako sa pagbabasa ng libro.
Ang isang magandang libro ay nagpapalimot sa aking tapusin ang pagkain ko at mag-ready sa oras na kailangan ko ng pumasok sa school na nagiging dahilan para laging mag-ingay ang mga parents ko. Pero hindi ba dapat matuwa sila kasi nagbabasa ako?
Ilan sa mga paborito kong libro noong 2018 ay: ang Tyson’s Astrophysics for People in a Hurry ni Neil deGrasse Tyson, 1984 ni George Orwell at ang the Game of Thrones series.
Sinubukan ko ring basahin ang Cosmos ni Carl Sagan pero ang writing ay napaka-boring at dry.
Nagbabasa din ako ng mga libro na binabasa ng mga friends ko gaya ng Captain Underpants, Harry Potter series (na nakumpleto kong basahin lahat ng walong libro, eight weeks noong summer pagtapos ko sa first grade), Percy Jackson series at ang Diary of a Wimpy Kid.
Batang matalino: Mahilig sa current affairs
Higit sa ano pa man ay kilala ako sa social circle namin bilang isang political junkie. Napanood ko lahat ng mga presidential debates mula noong re-election campaign ni Barack Obama at 3 years old palang ako noon.
Ang favorite news sources ko ay HuffPost, NPR at MSNBC.
Obsessed din ako kay Rachel Maddow. Siguro dahil lumaki din siya sa Bay Area city kung saan ako ipinanganak.
Nabigyan narin ako ng pagkakataon na matanong si Congressman Eric Swalwell sa isang community meeting tungkol sa Supreme Court strategy ng Democrats. Pero mukhang mas nag-focus siya sa edad ko kesa sa question ko. (By the way, isa siya sa 1,000 Democrats na iniisip na tumakbo bilang Presidente.)
Batang matalino: Grade 4
Sa araw ay pumapasok ako sa fourth grade sa isang specialized gifted school na kung tawagin ay Helios sa Sunnyvale. Kahit bago pa lang ako sa school, nararamdaman kong naiintindihan ako ng mga friends at teachers ko at hindi nila ako sinusubukang baguhin.
Sa school ay nauupo kami sa rocking chairs kapag napagod kami sa aming kakulitan, puwede rin kaming tumakbo o mag-jumping jacks kung iyon ang paraan para makapag-isip kami ng maayos.
Tinuturuan nila kaming maging autonomous at accountable learners habang nagwo-work ng magkakagrupo.
Wala kaming homework at ang mga subjects na tinuturo ay fit sa kung paano nagwo-work ang mga utak namin. Natututo kami mostly dahil sa researching at pagkumpleto sa mga complex projects.
Ang mga subjects din na itinuturo ay integrated para maintindihan namin ang real-life connections sa pagitan ng math, science, economics at humanities.
At ang pinaka the best na part sa pag-aaral sa Helios ay hindi pa ko napapapunta sa principal office ngayong semester.
Na-elect pa nga ako sa Student Council at proud ang mga friends ko sakin at ipinagmamayabang sa iba na pumapasok din ako sa college.
Batang matalino: Life in college
Pagtapos naman ng day school ay pumapasok ako Las Positas College na kung saan kumukuha ako ng associate degrees sa chemistry at math.
Kinailangan kong dumaan sa mga interviews at assesments para mapatunayan ko sa school administration na mayroon akong scholastic aptitude at executive functions para pumasok sa college.
Ang buong school administration at mga professors ay tinatrato ako tulad ng ibang estudyante. Sumusunod din ako sa mga rules at ang mga classes ay hindi binabago para sa akin.
Ang pagiging extrovert ay tumulong saking magkaroon ng maraming friends sa college, ‘yong iba nga nagpapa-tutor sa akin.
Kapag nagsisimula ako sa bagong klase, tintingnan ako ng ibang estudyante na may curiosity. Nakikita ko nga ‘yong iba na pinipicturan at vinivideohan ako. Naririnig ko silang nagbubulungan na sinasabing, “Ang cute niya” o kaya naman ay “Ang talino niya.”
Kaya naman ipinapakilala ko ang sarili ko sa kanila at sinasabing okey lang na makipagusap sakin at maging kaibigan ko. Sinesendan ko din ng email ang mga professors ko bago ang first day sa school para hindi din sila magulat pagpasok ko.
Bago naman ako pumasok sa college ay hinayaan ako ng parents ko na subukan ang lahat ng gusto basta interesado at committed ako. Pero ngayon ay nagwo-worry na sila at sinasabihan akong mag-slow down.
Sa unang college course ko, pinilit nila kong kumuha ng baby math (aka algebra) kasi gusto nilang ma-develop ang soft skills ko at masanay muna ako sa college setting. Pero napaka-boring noon na halos naglalaro lang ako ng videogames sa buong klase.
Nagsimula lang makumbinsi ang parents ko na alam ko ang ginagawa ko noong lumabas sa resulta ng college assessment test ko na ready na ako sa calculus na four levels na mas mataas kesa sa algebra.
Ang content ng college classes ko ay hindi naman isang challenge sa akin dahil madali akong mag-process ng information. Hindi din ako masyadong nag-aaral. Ramdam ko din na ang mga professors at classmates ko ay nirerespeto ang kakayahan ko.
Pero may ibang challenge ako na kinakaharap bilang isang college student. Iyon ay ang wala akong time management skills, strong note-taking skills at minsan ay nahihirapan akong basahin ang sarili kong handwriting.
Sa area na ito ay tinutulungan ako ng parents ko sa pamamagitan ng pagsulat ng mga study notes galing sa textbooks ko kahit hindi nila naiintindihan ang content nito.
Nagrereklamo rin ako sa mga homeworks kasi napakahaba at boring. Dahil dito ay lagi ako nire-remind ng parents ko na ang work ethic at ethos ay mas importante sa IQ.
Nagsimula silang maging concerned tungkol dito noong inaral ko sa loob ng isang oras ang 14 chapters ng finals ko sa chemistry pero naka-score naman ako ng 101 percent.
Iniisip ko din na magtransfer sa MIT sa loob ng dalawa o tatlong taon. At umaasa ako na sana mag-disagree ang MIT sa definition ng mga parents ko sa work ethics.
Batang matalino ngunit walang focus
Ang biggest challenge ko naman sa klase pati sa essay na ito ay ang i-focus ang isip ko at iwasang mag-isip ng iba pa.
Madalas, nag-iisip ako ng kung ano-ano mula sa tag-gutom sa Yemen hanggang sa paano ako magpapraktis ng piano.
Ang mga parents ko ay laging may open at transparent na philosophy sa akin. Ibig sabihin ay walang tanong na off-limits kahit na ba minsan ay nakakatanggap ako ng low-quality na sagot sa mga controversial subjects.
At sa tingin ko nagsisisi sila sa open philosophy na set-up namin pagtapos ko silang pilitin na i-explain sa akin ‘yong ibang words at concept sa librong Game of Thrones.
Kaya naman lagi nila akong pinapaalalahanan na i-respeto ang boundary ng ibang parents at huwag ishe-share ang controversial knowledge na nalalalaman ko sa mga friends ko.
Excited na kong maging intern sa susunod na summer sa artificial intelligence division ng isa sa pinakamalaking technology company sa buong mundo. Ang boss ko ay isang kilalang female scientist na nakapagtrabaho na kasama si Stephen Hawking.
Para sa fourth-grade spring research paper ko ay pumayag ang mga teachers ko sa Helios na pumili ng topic na related sa internship ko.
Masuwerte ako sa support system na ibinibigay ng parents ko, relatives, friends, mentors, teacher at doctors na masaya ring tinutulungan ako.
Alam ko may ibang bata na tulad ko na kailangan ng special needs ay walang community at support system ng tulad sakin. Ang dami ko nang nasulat—Salamat sa pagbabasa.
Si Kairan ngayon ay 10 years old na at isa ring martial arts enthusiast.
Sources: Yahoo News, KTVU, PleasantonWeekly
Basahin: 4-year old gifted child already knows the periodic table of elements