Huwag mo hayaang ma-stress ka masyado kung ang anak mo ay isang batang matigas ang ulo at tila mahirap pasunurin.
Ayon sa isang pag-aaral na base sa apat na dekadang research, dapat daw ay tanggapin ng mga magulang ang katigasan ng ulo ng kanilang anak.
Ang pag-aaral na ito ay sinuri ang 700 na bata mula pa noon sila’y 12-taong gulan hanggang edad 52. At yung mga tila hindi masunurin noong bata raw ay naging mas matagumpay nang lumaki sila. Iyong mga “rule breakers” nung bata raw, sila ay naging “highest achievers” sa kanilang napiling career, kahit na ‘yong mga batang madalas hindi agad sumusunod, at maraming tanong pa sa kanilang mga magulang.
Inilathala ang pag-aaral na ito sa Journal of Developmental Psychology. Nakita rin ng pag-aaral na ito na ang mga kadalasang sumusuway sa magulang nila ay mas mataas pa nga ang kinikita kapag malaki na sila.
5 Katangian ng mga batang matigas ang ulo
- Sumusuway sa magulang
- Hindi pagsunod sa rules
- Mababa ang tingin sa sarili
- Mainipin
- Hindi attentive o hindi marunong makinig
Maliban sa mga katangiang ito, inobserbahan rin ng mga researchers ang pagiging tutok sa pag-aaral ng mga bata pati na rin ang kanilang pagiging “spoiled.”
Ang pagsuway sa rules ay nagbago. Naging mas responsable ang mga bata.
Ang pagkahilig ng mga batang sumuway ay kalaunan rin naging pagiging responsable, isang katangian na napaka-importante upang maging propesyonal paglaki nila.
Sabi pa nila na makikita ito sa mga simpleng bagay na ginagawa ng bata. Tulad na lang sa pag-demand sa mas malaking parte ng isang pagkain, tulad ng cookies o ang pagiging competitive sa eskwela. Ang mga batang ito ay lumalaking matatag at hindi agad-agad na sumusuko sa harap ng mga pagsubok sa buhay.
Napaka-gandang malaman na ang pagiging “pasaway” ay hindi naman laging masama. Pero napaka-importante ring alalahanin na ang hindi pagsunod ay hind laging assurance na lalaking successful at masaya ang bata.
Importante pa rin mabigyan sila ng tamang paggabay sa paglaki upang ang mga “negatibong katangian” ay maging positibo sa kanilang paglaki.
BASAHIN: 11 Positibong kataga para sa mga batang ayaw makinig