Batang walang mga braso at kamay, hindi iniinda ang kapansanan para makapag-aral

Gawing inspirasyon ang kwento ng isang batang may kapansanan na nagsisikap sa buhay para makatapos sa pag-aaral.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Batang may kapansanan kung maituturing si Cielo Sailog.

Pero ang kaniyang kondisyon ay hindi niya iniinda bilang balakid para siya ay makapag-aral.

Dahil siya ay naniniwala na tulad ng normal na mga bata ay kaya din niyang tuparin ang mga pangarap niya, kahit wala man ang mga braso at kamay niya.

Image screenshot from GMA Youtube video

Inspiring story ng batang may kapansanan

Si Cielo Sailog ay isang siyam na taong gulang na bata mula sa Madalag, Aklan, at pangalawa siya sa tatlong magkakapatid.

Ayon sa kwento ng kaniyang ina na si Razel Sailog, nadiagnose siya noon ng doktor na may kondisyon na kung tawagin ay Congenital Absence of Both Arms, o ang kondisyon na kung saan isinilang siya na wala ang pareho niyang mga braso.

Hindi daw agad noon nalaman ng ina ni Cielo na magiging isang batang may kapansanan ang anak dahil hindi niya daw ito napaultrasound.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero sabi ng doktor, normal at malusog ang katawan ni Cielo maliban lang sa mga braso na ipinagkait sa kaniya.

“Naiiyak ako kasi nakita ko kulang ang kaniyang braso. Saka naisip ko sa paglaki niya baka hindi niya kaya kahit sa sarili man niya lang”, sabi ng ina ni Cielo.

Ngunit ang ikinatatakot ng ina ni Cielo ay pinatunayan niyang hindi totoo.

Dahil kahit siya ay isang batang may kapansanan, sinisikap ni Cielo na maging normal gaya ng ibang bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gamit ang kaniyang paa ay pinupunan niya ang kawalan ng kaniyang mga braso at kamay.

Kaya niyang paliguan ang sarili niya mag-isa. Kaya niya ring kumain mag-isa. At higit sa lahat masipag siyang mag-aral at kaya niyang magsulat. Hindi man gamit ang kamay ngunit gamit ang kaniyang paa na gumagabay sa kaniya sa lahat ng bagay.

Batang may kapansanan na masikap mag-aral

Image screenshot from GMA Youtube video

SI Cielo ay isang Grade 1 student mula sa Galicia Elementary School. Ang paborito niya raw na subject ay English, at ayon sa kaniyang guro na si Mr. Hernando Rollo, magaling rin daw siyang gumuhit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa tulong din ng kaniyang guro ay natutunan ni Cielo na magsulat gamit ang kaniyang mga paa. Inabot nga lang daw ng dalawang buwan bago niya naisulat ang kaniyang buong pangalan gamit ang kaniyang paa.

Para sa mga kamag-aral ni Cielo, siya rin ay huwaran. Dahil bagamat siya ay isang batang may kapansanan ay nag-aaral at nagsusumikap ito.

Kwento pa nga ng kaniyang ina ay hindi niya na hinahatid sa eskwelahan si Cielo.

Kasama ang kaniyang kapatid, naglalakad ito ng 30 minutes at 10 minutes na sasakay sa sagwan para makarating sa eskwelahan.

Hindi rin daw nagiging pabigat si Cielo sa kaniyang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakakatulong pa nga ito sa pagtatabas ng kawayan para maging stick at maibenta. Ito ang nagsisilbing dagdag pagkakakitaan nila lalo’t kulang ang kinikita ng ama niyang isang construction worker.

Dahil walang kamay na gagabay, inakala ng ina ni Cielo na hindi ito makakalakad. Ngunit, laking tuwa nito ng matuto itong maglakad ng mag-isa noong siya ay apat na taong gulang.

Mula noon ay nakita ng ina ni Cielo ang pagsisikap at pagpupursige ng anak na maging gaya ng ibang bata.

Nang tanungin nga si Cielo sa kung anong gusto niya paglaki. Ito ang naging sagot niya: “Gusto ko maging army para makatulong sa kapwa ko.”

Kaya naman kahit siya ay isang batang may kapansanan ay proud na proud ang mga magulang niya sa kaniya, dahil siya ay nagsisikap at mayroong pangarap.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagpapasalamat rin si Cielo sa kaniyang mga magulang at kapatid na gumagabay sa kaniya. Aniya, ang kaniyang pagsisikap sa pag-aaral ay para sa kanila. Dahil kapag siya ay nakapagtapos, makatulong na siya sa kaniyang mama at papa na mahal na mahal niya.

Para sa buong kwento ng buhay ni Cielo, panoorin ang kaniyang video.

 

Source: GMA News

Basahin: 12 sikreto ng mga matatagumpay na mag-aaral, ayon sa siyensiya