Usap-usapan ngayon ang issue ng “sharenting” na may kaugnayan sa social media o family vlogging at sa epekto nito sa mga bata.
Bahagi na ng buhay natin ang social media. Karamihan sa atin ay talaga namang bawat pangyayari sa kanilang buhay ay ibinabahagi nila sa social media. Hindi rin naman natin maitatanggi na malaki ang naitulong ng social media para mabilis tayong makakonekta sa mga mahal natin sa buhay na nasa ibang panig ng mundo o sa malalayong lugar. Napadali nito ang komunikasyon at napagtibay ang mga koneksyon sa kapwa.
Kaya lamang, para sa mga unang henerasyon ng mga batang lumaki sa ilalim ng spotlight ng social media, hindi umano naging madali ang kanilang buhay habang sila ay lumalaki. At ngayong sila ay matatanda na, layunin nilang magsulong ng batas na proprotekta sa mga bata mula sa labis na pagbabahagi ng kanilang mga magulang online o sa madaling salita, batas kontra sharenting.
Oversharing ng magulang sa social media naging sanhi ng bullying at anxiety ng anak
Sa report ng CNN na isinulat ni Faith Karimi, tampok dito si Camm Barrett. Isa sa mga social media babies noon.
Kwento niya, alam na alam niya ang eksaktong araw na una siyang nagkaroon ng regla. Hindi dahil importanteng milestone ito sa kaniyang buhay, kundi dahil ibinahagi ito ng kaniyang ina sa social media.
“I was in fourth grade. I was 9 years old. The date was September 9, 2009. And my mom posted … something like, ‘Oh my God, my baby girl’s a woman today. She got her first period,’” aniya.
At dahil daw halos lahat ng kaniyang mga kaibigan at mga magulang ng mga ito ay may social media, labis na nakakahiya raw ang naramdaman niya nang mga oras na iyon.
Kasabay ng pagkabata ni Barrett ang pag-usbong ng social media era. Avid user daw ng MySpace at Facebook ang kaniyang ina, at lahat ng nangyayari sa kanilang buhay ay ibinabahagi nito sa social media. Kabilang na ang mga private moment ng anak.
Hindi lamang ang kanyang unang regla ang ibinahagi ng kanyang ina. Mula sa kanyang mga tantrum, medikal na pagsusuri, hanggang sa katotohanang siya ay ampon, walang aspeto ng buhay ni Barrett ang nakaligtas sa social media.
Ang sharenting na ginawa ng kanyang ina ay nagdala sa kanila ng atensyon mula sa mga kilalang tao at mga pribilehiyo tulad ng front-row tickets sa mga concert. Subalit, ang oversharing na ito ay nagdulot ng matinding anxiety at iba pang mental health issues kay Barrett noong siya ay bata pa.
Katunayan, isang post ng kaniyang ina tungkol sa kaniyang staph infection ang naging sanhi upang siya ay ma-bully noon sa kanilang paaralan.
Samantala, kwento pa ni Barrett, naranasan niya minsan noong siya ay 12 years old pa lamang na may isang lalaki ang nagpadala sa kaniya ng private message sa Facebook. Ayon sa message, susundan daw siya ng lalaki patungo sa kanilang bahay habang siya ay nakasakay sa kaniyang bisikleta dahill alam daw nito ang kanilang tirahan. Ang insidenteng ito ay lalo pang nagdagdag ng anxiety sa noo’y bata pang si Barrett.
Ano ba ang sharenting?
Ang exploitative sharenting ay tinatawag din na family vlogging culture. Ang terminong “sharenting” ay pinagsamang salita mula sa mga salitang sharing at parenting. Tumutukoy ito sa pagbabahagi ng mga magulang sa mga personal na impormasyon ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng vlogging o pagpo-post sa social media.
Batas kontra sharenting, isinusulong!
Para sa mga Gen Z na tulad ni Barrett na ipinanganak sa pagitan ng late 1990s at early 2010s. Halos di na nila alam ang buhay na walang social media. At ngayong sila’y matanda na, o nasa mid 20s na, ngayon nila mas nararamdaman ang epekto ng oversharing ng kanilang childhood life online.
Nauunawaan daw ni Barrett na noon ay nangangapa pa sa new technology ang kaniyang ina. At posibleng hindi nito naiintindihan pa ang masamang epekto ng kaniyang mga social media post. Pero sa panahon ngayon, inaasahan na dapat mas nauunawaan na ng mga magulang ang epekto ng social media sa kanilang mga anak.
Noong Pebrero 2023, si Barrett ay emosyonal na nanawagan sa mga mambabatas ng estado ng Washington. Upang ipasa ang batas na magpoprotekta sa mga bata mula sa pagiging object ng monetized na social media content.
Hindi lamang si Barrett ang nag-aadvocate para sa mga pagbabago sa batas. Ang Illinois, ay nagpatupad ng batas noong nakaraang taon na nag-uutos sa mga magulang na bigyan ng compensation ang kanilang mga anak na lumalabas sa online na content. Nakasaad sa batas na ito na ang isang porsyento ng kita mula sa content creation ay ilalagak sa isang trust fund na maa-access ng mga bata kapag sila ay 18 taong gulang na.
Ang mga GenZ na nagsusulong ng batas na ito ay boses ng pagbabago. Upang protektahan ang mga susunod na henerasyon mula sa negatibong epekto ng sharenting. Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya at social media, mahalaga na magkaroon ng mga batas na magbibigay ng proteksyon at karapatan sa mga bata upang kontrolin ang kanilang sariling digital footprint.
Anong SAY ng mga netizen?
Isang Reddit user ang nagbahagi ng balitang ito sa reddit. At narito ang mga reaksyon ng ilang netizens tungkol sa batas na ito.
“You know how you look back on Facebook memories and find things you wished you never posted? Take that and then multiply it by 10. It’s bad enough that their parents posted everything but to profit off of that as well? It’s as bad as failed actors/actresses that are forcing their kids to be celebrities. And work for the family essentially stealing their childhood.”
“One single tiktok/yt video that goes viral because of a cute toddler is fine for me. But I’ll always hate when after it goes viral, the channel suddenly becomes all about the child. Obviously exploiting the attention that people give for views and money. May napanuod akong tiktok na panay yung baby girl na lang ang laman. Yung shiniship pa sa kaklase nyang toddler din yikes.”
“Kaya I respect parents who rarely post about their kids. Kung meron man, family picture lang or key milestones. Some overshare and barely think of how it will affect the child when he/she becomes an adult.”
“Me and my spouse talked about this and we both agreed na ibibigay namin sa baby namin ung privacy nya. You’ll never know paglaki niya magamit against her ung mga childhood photos niya considering what AI could do nowadays. We take photos and videos but we dont post it online.”
“Consent is really something we should be teaching more to every person. Privacy is more important than ever to protect yourselves from being doxxed or harrassed within the cyber space. I rarely post pictures of my kids anymore. But if i want to, I actually talk to them and ask for their permission if their photo/video can be posted within my private circle. They have done consent education here in Aus so they have some basic understanding of how it works.”
Ilan lamang ‘yan sa mga komento ng mga netizen sa usapin ng sharenting. Lalo na para sa mga mommy at daddy na naka-monetize ang content sa social media.
In the end, wala namang masama na i-share sa social media ang inyong mga anak. Pero tandaan na dapat na mayroon pa ring limitasyon. Isipin pa rin natin kung makabubuti ba o makasasama sa kanila kung ano man ang ating ibahahagi.