6 stillbirth myth na hindi dapat paniwalaan

Marami ang nasa listahan ng mga bawal gawin ng buntis. Sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang stillbirth myth at kung bakit hindi ito dapat paniwalaan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami ang mga bagay sa listahan nng bawal gawin ng buntis, ngunit may katotohanan nga ba ito?

Ang stillbirth ay isang konsepto na mahirap pag-usapan lalo na sa mga nakaranas nito. Ngunit ang pagkakaroon ng tamang kaalaman tungkol rito ay isang magandang pag-uugali para maiwasan ang hindi dapat mangyari. Sa Asia, ang usapin tungkol sa stillbirth ay sensitibo.

Kadalasan, walang nakakaalam kung ano ba talaga ang nangyari sa baby o bakit ito nangyari sa pagbubuntis ng ina. Ang article na ito ay tungol sa usapan ng stillbirth myths o taboos na makapagbibigay ng awareness sa ating moms. Makakatulong ito para maiwasan ang stillbirth at para na rin mabigyan ng kahit kaunting comfort ang mga nanay na nakaranas nito.

Ano ang stillbirth?

Simulan natin kung, ano ba talaga ang STILLBIRTH?

Bawal gawin ng buntis | Iamge from Dreamstime

Para sa isang perinatologist at high risk pregnancy specialist sa Lucena City, Quezon, Philippines, na si Obstetrician-gynecologist Katleen del Prado, ang stillbirth ay “the delivery of a baby without a heartbeat beyond five months of pregnancy. Less than five months or a fetus less than 500 grams, we classify as a miscarriage.”

Ang Stillbirth ay maaaring mangyari ng maaga o huli, depende sa kondisyon. Maituturing na maaga ang pagkakaroon ng stillbirth kapag ang pagkamatay ng fetus ay nangyari sa week 20 hanggang week 27 nito. Habang ang late stillbirth naman ay mula week 28 hanggang 36 ng pagbubuntis at ang term stillbirth ay kapag week 37 o hanggang sa manganak.

6 stillbirth myth

Stillbirth myth 1: Ang stillbirth at miscarriage ay magkatulad

Ang myth na ito ay walang katotohanan. Gaya ng nabasa sa taas, malaki ang pagkakaiba ng dalawa.

Isa pang bagay na iba sa kanila ay ang miscarriage ay nangyayari sa utero habang ang stillbirth naman ay maaari pa ring manganak ang isang babae ngunit patay na anak bago pa ito lumabas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Stillbirth myth 2: Nangyayari ang stillbirth dahil ang buntis ay masyadong aktibo

Uulitin natin, ito ay mali. Ang stillbirth ay dahil sa maraming iba’t ibang bagay. Ito ay walang kinalaman kung gaano kaaktibo ang babae habang ito ay nagbubuntis.

Bawal gawin ng buntis | Iamge from Dreamstime

Stillbirth myth 3: Kailangan mong matulog nang nakahiga

Hindi rin dapat paniwalaan ito. Ang pagtulog patagilid o sa side ay nirerekomenda ng mga eksperto sa mga buntis na babae para maiwasan ang stillbirth. Isa rin itong komportableng posisyon sa pagtulog sa mga buntis lalo na pagsapit ng second trimester kung saan marami na ang nararansang sakit sa katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Stillbirth Myth 4: “Safe na ako sa stillbirth kapag lumagpas na ako ng 12 weeks.”

Moms, hindi dapat ito paniwalaan. Ang mga buntis na babae ay kailangang hinatyin ang 12-week nila para masabing sila ay ‘buntis’. Ito ay para  masiguradong ang formation ni baby sa tiyan ni mommy ay ‘secure’ na. Hindi namin nais bigyan ng alalahanin ang mga magulang o takutin ngunit kailangan maging aware na ang pregnancy loss ay maaari pa ring mangyari. Panatilihin ang pagiging healthy at maingat para maging ligtas ang iyong pagbubuntis.

Stillbirth Myth 5: Walang gamot sa stillbirth

Oo, walang gamot sa stillbirth ngunit may mga paraan para maiwasan ito.

Isa sa pinaka madaling paraan para maiwasan ang stillbirth ay ang pagbibilang ng sipa ni baby. Ayon sa mga doktor, magandang magbilang ng sipa ni baby ay sa oras pagkatapos mong kumain. Aktibo kasi ang mga sanggol sa ganitong oras.

Isa pang paraan ay ang matulong sa iyong side. Panatilihin ang pagiging healthy at laging dumalo sa OB/GYN visit para ma-track ang iyong pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Stillbirth Myth 6: Kasalanan ito ng babae.

Kahit kailanman ay walang ina ang gustong mawalan ng anak.

Dearest mothers, hinding-hindi niyo ito kasalanan. May mga bagay o pangyayari na kahit anong pilit na pagiingat natin ay nangyayari pa rin talaga ang hindi dapat mangyari. Ngunit isa lang ang totoo, hindi mo ito kasalanan.

Bawal gawin ng buntis

Project Sidekicks: Information about stillbirth

Mayroong Kick Counter function ang theAsianparent sa aming APP. Dito mo mabibilang ang sipa ni baby. Importante sa pagbubuntis ang bilanging o i-monitor ang bawat galaw ni babay dahil ang pagbaba ng movements nila ay isang warning na mayroong mali.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa karagdagang impormasyon, mag log in lang sa Project Sidekicks.

 

 

BASAHIN:

Stillbirth is not your fault, here’s why

Ilang beses ba dapat sumisipa si baby kapag nasa third trimester na ng pagbubuntis?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano