4 na paraan para bawasan ang pag-gamit ng plastic sa tahanan

Malaking tulong sa ating kalikasan ang pagbawas at pag-iwas sa paggamit ng mga produktong gawa sa plastic. Subukang gawin ang mga paraang ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakasanayan na ng mga tao sa mahabang panahon ang paggamit ng plastic sa araw-araw na buhay ngunit sa tagal ng ating pagiging dependent dito ay hindi na natin alam kung paano bawasan ang pag-gamit ng plastic. At paano makakatulong sa kapaligiran ang pag iwas sa paggamit ng plastik at styrofoam?

Narito ang ilan sa mga paraan na maaari nating gawin upang bawasan ang paggamit ng plastic sa ating mga tahanan.

Paano makakatulong sa kapaligiran ang pag-iwas sa paggamit ng plastik at styrofoam?

1. Gumamit ng mga alternatibong lalagyan

Simulan ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga reusable ecobags o bayong tuwing tayo ay namamalengke. Bukod sa makakabawas tayo sa paggamit ng plastic bags, mas matibay din ito at mas maraming mailalagay.

Para naman sa mga basang items gaya ng karne o isda, maaaring gumamit ng mga glass containers o mga tupperwares na maaaring hugasan at gamitin ulit sa susunod.

Sa mga baon sa eskuwela o opisina, mainam na gumamit pa rin ng mga lunchbox kaysa gumamit ng mga ziplock bags, styrofoam box o carton boxes na isang gamitan lang.

Iwasan rin ang paggamit ng mga disposable cups at utensils. Sa halip, gumamit ng mga bakal na kobyertos, metal straws at mga tumblers o mugs.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Mag-recycle ng mga gamit

Ipunin ang mga plastic bottles, bote, mga dyaryo at iba pang mga gamit na maaaring i-recycle at ibenta sa mga junk shop. Sa ganitong paraan magkakaroon ng ekstrang kita ang pamilya mula sa pagre-recycle ng basura sa tamang paraan.

Maaari ring gumawa ng mga Do-It-Yourself (DIY) crafts mula sa mga recyclable materials at gawing dekorasyon o palamuti sa bahay.

Narito ang isang video na maaaring gawin sa pagre-recycle ng mga gamit:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Panatilihing malinis at maka-kalikasan ng mga gamit sa tahanan

Nakasanayan niyo na bang gumamit ng paper towels o tissue sa bahay? Maaaring gumamit na lang ng mga lumang sando o t-shirt bilang basahan o punasan ng kamay imbis na bumili ng mga tissue. Muli mo pa itong magagamit sa pamamagitan lang ng paglalaba dito kapag marumi na.

Malaking bagay rin upang bawasan ang paggamit ng plastic sa bahay ang paggamit ng mga home items na gawa sa natural na materyales gaya ng mga bamboo toothbrush, mga coaster at placemats na gawa mula sa ginantsilyong sinulid, mga hand-woven bags at iba pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Iwasan ang pagbili ng anumang gamit na disposable plastic

Huwag nang tangkilikin ang mga produktong disposable plastics sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagbili nito. Ang mga plastic cups, utensils, straws at iba pa ay dumadagdag lamang sa polusyon na ating pinoproblema sa ngayon.

Hindi nabubulok ang plastic at hindi ito basta-bastang nadi-dispose ng maayos dahil kulang sa mga pasilidad ang ating bansa upang magawa ito. Nauuwi lamang ito sa mga landfills at karagatan, at naaapektuhan nito ang mga hayop at ating kalikasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iwasan na ang mga disposable plastics at bawasan ang paggamit ng plastic sa ating mga bahay.

 

Source: National Public Radio (NPR)

Images and video: Things That Matter PH, 5-Minute Crafts,

BASAHIN: BPA and paraben-free: What exactly do they mean?

#TipidTips: How to grow your own vegetables indoors

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement