Bayad sa ospital na kasama ang paghawak ng bagong panganak na ina sa kaniyang sanggol ibinahagi ng ama sa social media.
Image from Wasbst
Nakakagulat na item sa bayad sa ospital
Magastos talaga ang manganak lalo na kung ito ay sa pamamagitan ng cesarean delivery. Mula sa mga paggamit ng kwarto sa ospital, professional fee ng doktor, gamot at iba pang bagay na kakailanganin ay babayaran mo. Para sa ating mga magulang napaghandaan na natin ito. Pero sa isang mag-asawa sa Utah, USA ay may nakalista sa bill na dapat nilang bayaran na parang hindi kapani-paniwala.
Ito ay ang skin-to-skin after c-sec fee na nagkakahalaga ng halos $40 o P2,000.00 na dapat bayaran ng bagong silang na ina.
Ang nakakagulat na kopya ng bill sa ospital na ito ay ibinahagi ng amang si Ryan Grassley sa Reddit. Sa title ng kaniyang post ay ito ang nasabi niya.
“I had to pay $39.35 to hold my baby after he was born.”
Ang asawa ni Grassley na si Lidia ay nanganak via cesarean section sa pangalawa nilang anak. Kaya naman ikinagulat niya na pati pala ang dapat namang ginagawa na paghawak ng ina sa kaniyang bagong silang na sanggol ngayon ay may bayad na.
Para sa dagdag na safety ng baby at kaniyang ina
Ayon naman sa kompanyang namamahala sa ospital na pinag-anakan ng asawa ni Grassley, ang skin-to-skin after c-sec fee na nakalista sa bayad sa ospital bill nila ay para masigurado ang safety ng ina at kaniyang anak.
At hindi lang ito charge para sa simpleng paghawak sa baby. Ito ay ang pagbibigay rin ng dagdag na caregiver sa operating room na magsisiguro ng highest level of safety sa mag-ina.
“In the case of a C-section, where the bedside caregiver is occupied caring for the mother during operation, an additional nurse is brought into the OR to allow the infant to remain in the OR suite with the mother.”
Ito ang pahayag ng representative ng ospital sa isang panayam.
Gulat man sa dagdag na charge na ito sa kanilang bill ay pinuri naman ni Grassley ang magandang experience nila sa ospital na pinag-anakan ng kaniyang asawa.
Skin-to-skin contact
Ayon sa UNICEF, ang skin-to-skin contact ay ang practice na isinasagawa na kung saan ang bagong silang na sanggol ay inilalagay sa walang saplot na dibdib ng kaniyang ina. Saka sila tatakpan ng kumot at hahayaan sa ganitong posisyon ng hindi bababa sa isang oras bago gawin ang pagpapasuso..
Ito ay ginagawa upang magkaroon ng bonding ang bagong silang na sanggol at kaniyang ina na tinatawag ring kangaroo care. Maliban rito ay sinusuportahan din nito umano ang physical at developmental outcomes ni baby.
Ang ilan pa ngang pinaniniwalaang benepisyo ng skin-to-skin contact ay ang sumusunod:
- Pinakakalma nito ang baby at kaniyang ina.
- Nireregulate nito ang heart rate ng baby at kaniyang paghinga. At tinutulungan rin siyang mag-adapt sa buhay sa labas ng sinapupunan ng kaniyang ina.
- Nag-stimulate ng digestion at interest ng sanggol sa pagsuso
- Nag-reregulate ng temperature ng katawan ng sanggol.
- Nagiging daan upang ma-colonize ng friendly bacteria mula sa ina ang balat ni baby na nakakatulong bilang protection niya sa impeksyon at sakit.
- Nag-stimulate ng release ng hormones para sa breastfeeding.
- Ini-improve nito ang oxygen saturation ng isang sanggol.
- Binabawasan nito ang stress na dulot ng mga painful procedures sa panganganak.
- Nag-improve ng milk volume ng nagpapasusong ina.
Ang pagsasagawa ng skin-to-skin contact ay maaring gawin ng isang ina sa kaniyang sanggol hanggang sa gusto niya. Dahil sa pamamagitan nito ay nasisiguro ang kanilang bonding. At nagkakaroon ng healthy development ang sanggol matapos ng siya ay maisilang.
Basahin: Father and son practice skin-to-skin contact with twins in a beautiful viral photo