Bea Alonzo at Dominic Roque engaged na. Si Bea ibinahagi ang naging proposal ng kasal ni Dominique sa kaniya.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Bea Alonzo at Dominic Roque engaged na.
- Reaksyon ni Bea sa wedding proposal ni Dominic.
Bea Alonzo at Dominic Roque engaged na
Engaged na sina Bea Alonzo at Dominic Roque! Ito ang bagong balitang nagpakilig sa maraming Pilipino. Si Bea ikinuwento ang naging wedding proposal ni Dominic sa isa pamamagitan ng isang Instagram post.
Ayon kay Bea, nangyari ang surprise wedding proposal sa isa sa mga photoshoot niya. Ang akala niyang simpleng pose na hinihingi ng kilalang photographer na si Mark Nicdao ay siyang hudyat na pala ng pagpopropose ng boyfriend niyang si Dominic.
“In the middle of the shoot, Mark Nicdao kept telling me to turn around because he wanted to shoot the back side of my dress, I found it a bit odd, but when I turned around, I found Dom kneeling with a box in his hand.”
Ito ang pagbabahagi ni Bea.
Kuwento niya, maraming beses ng may nagpropose ng kasal sa kaniya sa mga pelikula at TV show niyang ginawa. Pero kakaiba pala daw talaga kapag totohanan na.
“You see, I have done so many proposal scenes in my entire career, but nothing beats the real thing. I have been doing it all wrong! Hahaha, Dom said his speech, and it’s like time stood still. Everything went in slow motion.”
Reaksyon ni Bea sa wedding proposal ni Dominic
Mixed emotion man sa naging wedding proposal, isa lang ang sigurado si Bea. Ito ay ang gusto niyang makasama ng habang-buhay si Dominic at ito ang lalaking pakakasalan niya.
“And I felt different emotions all at the same time—joy, excitement, love. I started bawling (swipe to see my ugly cry 🤣), But I didn’t want that moment to end. I want this real thing to happen forever… and right then there… In front of the people we love… we decided on forever.. 💍”
Ito ang sabi pa ni Bea.
Congrats Bea and Dominic!