Bea Alonzo at Dominic Roque kinumpirma ang kanilang split at hindi matutuloy na pagpapakasal.
Mababasa dito ang sumusunod:
Bea Alonzo and Dominic Roque confirm split
Nitong nakaraang linggo ay lumabas ang balitang hiwalay na sina Bea Alonzo at Dominic Roque. Marami ang hindi naniwala noong una pero nakumbinsi ng nanggaling mismo sa “King of Talk” na si Boy Abunda ang nasabing balita.
Maraming naging ispekulasyon sa naging biglaang hiwalayan ng dalawa. Ang ilan sinabing dahil sa hindi sila nagkasundo sa prenuptial agreement. Habang ang ilan naman ay sinabing hindi gusto ng ina ni Bea si Dominic.
Sa kaniyang Instagram kahapon, February 11 ay naglabas na ng pahayag si Bea tungkol sa balitang hiwalay na sila ni Dominic. Ito ay kinumpirma ng aktres pati na ang hindi matutuloy nilang kasal.
“After much thought, consideration, and care, we have mutually decided to amicably end our engagement.”
Ito ang bahagi ng pahayag ni Bea.
Larawan mula sa Instagram account ni Bea Alonzo
Sinabi niya rin na hindi naging madali ang naging desisyon nila. Labis rin silang nalulungkot na nanggaling sa iba ang kumpirmasyon ng hiwalayan nila. Lalo pa’t nasundan ito ng mali-maling kuwento at pang-iinsulto sa pagkatao nilang dalawa.
Kaya naman hiling ni Bea sa ngayon ay respetuhin ang desisyon nila ni Dominic. Pati na ang kanilang privacy lalo na sa mahirap na sitwasyon ngayon na kanilang pinagdadaanan.
“Please understand that this is an extremely painful yet united decision, and we sincerely request for everyone to kindly spare us from more cruel and very hurtful words thrown on social media.”
“We kindly request to give us the privacy we need as we navigate our future lives with respect, kindness, compassion, and dignity.”
Ito ang sabi pa ng pahayag ni Bea.
View this post on Instagram
Engagement ni Bea at Dominic
Larawan mula sa Facebook account ni Bea Alonzo
Taong 2021 ng isapubliko nina Dominic Roque at Bea Alonzo ang kanilang relasyon. Nasundan ito ng wedding proposal at engagement nila nitong nakaraang taon buwan ng Hulyo.
Ayon sa mga reports, nakatakda na sana ngayong taon ang kanilang kasal. Ang kanilang wedding prenup shoot ay dapat isasagawa sana sa Turkey.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!