Dominic Roque to Bea Alonzo on his wedding proposal: “Ako ang magiging pahinga mo sa mundong magulo at maingay.”

Dominic inamin ding crush niya talaga noong una palang si Bea at hindi niya inakalang magiging sila at ngayon nga ay malapit ng maging mag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami ang napaiyak ng Bea Alonzo at Dominic Roque wedding proposal video. Narito ang ilan sa sinabi ni Dominic para kay Bea sa kaniyang naging wedding proposal.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Bea Alonzo at Dominic Roque wedding proposal video.
  • Pangako ni Dominic kay Bea sa kaniyang naging wedding proposal.

Bea Alonzo at Dominic Roque wedding proposal video

Larawan mula sa Facebook account ni Bea Alonzo

Sa kaniyang Instagram ay ibinahagi ng aktor na si Dominic Roque ang kuwento ng kaniyang wedding proposal sa aktres na si Bea Alonzo. Maririnig rin dito ang speech ni Dominic para kay Bea at ang pangako nito sa antres na panghabang-buhay na pagmamahal.

Sa caption ng IG post ni Dominic ay ibinahagi niyang crush niya talaga si Bea noong una palang. Hindi niya daw inakala na magiging girlfriend niya ito at sa ngayon nga ay malapit ng mapangasawa at makasama sa araw-araw.

Larawan mula sa Facebook account ni Dominic Roque

“Sino bang mag-aakala na yung crush ko lang noon na gustong-gusto kong tinititigan dahil sa sobrang ganda, hindi ko pa nga alam kung paano ako magpapakilala. Eh ngayon, parte na ng araw-araw ko.😍”

Ito ang sabi ni Dominic.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pangako ni Dominic kay Bea sa kaniyang naging wedding proposal

Larawan mula sa Facebook account ni Dominic Roque

Sa voice-over ni Dominic sa kaniyang wedding proposal , ay ikinuwento niya kung paano nabago ang buhay niya ng dumating si Bea.

“It’s like finding myself in someone else. Nagbago ang pananaw ko sa mundo. In this crazy world we live in, I found my peace. You and me is the peace I was longing for all along,” Dominic continued. “A love that’s giving, a love that is pure, a love that is imperfect, and that’s just the right amount of love I need.”

ito naman ang pangako niya para sa aktres.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ako ang magiging pahinga mo sa mundong magulo at maingay. At sa bawat segundo na andito tayo sa mundo, lahat ng andun ka, ‘yun ‘yung pagkakataong buong-buo ako.”

Ito ang sabi pa ni Dominic.

Para marinig ang buong mensahe ni Dominic para kay Bea ay narito ang video ng kaniyang naging wedding proposal.

 
View this post on Instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement