Bea Alonzo sa pagkakaroon ng sarili niyang pamilya: “I hope that I become a good example to my children”

Aktres sinabing ang pagkakaroon daw ng mga anak ang isa sa nilolook forward sa oras na maikasal na sila ng aktor na si Dominic Roque.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aktres na si Bea Alonzo excited na to be married soon sa fiancé niyang si Dominic Roque. Pagkakaroon ng mga anak napaguusapan narin ng dalawa.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Bea Alonzo on getting married sa aktor na si Dominic Roque.
  • Dominic at Bea excited naring bumuo ng kanilang sariling pamilya.

Bea Alonzo excited na sa married life sa piling ng aktor na si Dominic Roque

Larawan mula sa Facebook account ni Bea Alonzo

Sa panayam sa kaniya ng beteranong talk show host na si Boy Abunda ay ibinahagi ni Bea Alonzo na excited na siyang maikasal. Ang fiancé niyang si Dominic Roque ay ganoon din umano ang nararamdaman. Pero pagkukuwento ni Bea, hindi lang sila excited na maging ganap na mag-asawa. Mas nilolook forward daw nila sa ngayon ang magkaroon ng sarili nilang mga anak at bumuo ng masayang pamilya.

Dominic at Bea excited naring bumuo ng kanilang sariling pamilya

Larawan mula sa Facebook account ni Bea Alonzo

“Actually mas excited kami to have kids together. It’s just that I guess kinakabahan siya siyempre doon sa sunod-sunod na mga parties. Kasi he has never thrown a really big party before so I guess mas kabado siya roon.”

Ito ang pagkukuwento ni Bea.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Bea, excited na rin siyang maging isang ina. At umaasa siya na bilang isang ina ay maging good example siya sa mga anak niya.

“I hope that I become a good example to my children one day. And I hope that I get to raise God-fearing and really good kids with good values.”

Ito ang sabi pa ng aktres na ibinahagi ring, ipinagdadasal niya na sa oras na sila ay maikasal ni Dominic ay walang mabago sa pagtitinginan nilang dalawa. Umaasa siya na tulad ngayon ay maging sentro parin ng kanilang relasyon ang paniniwala nila sa Diyos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sana manatiling nasa center ng relationship namin si Lord to guide us. And sana sa next chapter na papasukin namin mas lumalim ‘yung pagkakaintindihan namin at pagmamahalan namin sa isa’t isa.”

Ito ang sabi pa ng aktres.

Larawan mula sa Facebook account ni Dominic Roque

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement