Bea Alonzo: “There was a point in my life na I didn't believe in marriage anymore kasi ilang beses na akong napaso.”

Sabi pa ni Bea, hindi niya inakalang darating pa ang oras na maikakasal siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bea Alonzo umaming minsan niya ng inakala na hindi na siya maikakasal. Aktres, masaya na nabago ang pananaw niyang ito ng dumating sa buhay niya ang fiancé niya na ngayong si Dominic Roque.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Bea Alonzo minsan ng inisip na hindi na siya maikakasal.
  • Wedding plans ni Bea at Dominic.

Bea Alonzo minsan ng inisip na hindi na siya maikakasal

Larawan mula sa Facebook account ni Bea Alonzo

Dalawang linggo matapos ma-engage sa aktor na si Dominic Roque, ibinahagi ni Bea Alonzo ang pananaw niya tungkol sa marriage noon at ngayon. Ayon kay Bea, inakala niyang hindi na siya maikakasal. Pero masaya siya na nabago ang pananaw niyang ito ng dumating sa buhay niya si Dominic.

"Ako personally akala ko hindi na darating 'yung pagkakataong ikakasal na ako. There was a point in my life na I didn't believe in marriage anymore kasi ilang beses na akong napaso. 'Yon pala mayroon talagang ibibigay si Lord sa iyo ng isang tao na magpaparamdam sa iyo na you are worthy. That you are enough.”

Ito ang pahayag ni Bea sa isang panayam.

Wedding plans ni Bea at Dominic

Larawan mula sa Facebook account ni Bea Alonzo

Bagamat wala pa silang pormal na plano ay napaguusapan naman na daw ni Bea at Dominic ang mga gusto nilang mangyari sa kanilang kasal. Gusto nga daw nilang dalawa ay gawin lang itong simple at intimate. Pero syempre, sa dami ng taong malalapit sa kanila na nais maging parte ng kanilang big event ay hindi maipapangako ng dalawa na magiging simple lang ang kanilang kasal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon pa kay Bea, ngayon pa nga lang daw ay marami na ang nagprepresenta na maging sponsor ng kasal nila. Isang bagay na ikinatuwa ni Dominic at Bea dahil nangangahulugan ito na maraming nagmamahal sa kanila.

"Sa totoo po maraming nagpipresenta na sobrang sweet kasi ibig sabihin love nila kami, 'di ba?”

Ito ang sabi pa ni Bea na sinabing magsisimula na silang magsimula sa preparations ng kanilang kasal sa susunod na linggo.

Larawan mula sa Facebook account ni Bea Alonzo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement