Best beach blanket brands for babies: Be summer ready this 2023!

Kung nakaplano na ang summer vacation, check out here the best beach blankets for babies brands para summer ready!

Yes, alam naming dama niyo na rin ang summer breeze! Next month ay finally magiging summer na sa Pilipinas. Malamang ay mayroon na kayong plan na magpunta sa dagat with a fam. Kung nakaplano na, huwag kalimutan na magdala ng important stuff ng mga anak. Check out here the best beach blankets brands for your babies para summer ready!

For sure, mayroon kayong dadalhing Outfit-Of-The-Day (OOTD), sunscreen, at iba pang essential things when going to the beach. Sa ganitong pagkakataon huwag niyo sana ring kalimutang ang needs para sa inyong little one. Isa sa mga kailangan niya? Beach blanket! Kaya tutulungan namin kayo dito na maghanap. 

How to choose the best beach blanket for your baby

Narito ang ilang tips para makapili ng best blanket para sa iyong baby ngayong summer 2023. | Larawan mula sa Pexels

Hindi naman basta-basta lang binibili ang beach blanket para kay baby. Bago ka basta bumili na lang, maraming criteria ang kailangan para lang masabing “best" ang product. Kinakailngang i-consider ang maraming bagay. 

Para mabigyan ka ng guide, narito ang mga dapat mong tandaan:

Material

Syempre, kailangan ni baby ng soft and gentle lang sa kanyang balat. Huwag piliin ang mga material na alam mong harsh sa skin ng inyong anak. Mas mabuting hanapin ang mga beach blanket na gawa sa malalambot na bagay tulad ng cotton. 

Weight

Yes, kailangan din itong i-consider sa pagbili ng beach blanket. Isipin mo na lang kung isang mahabang byahe ang inyong pupuntahan at mabigat ang inyong bagahe? Hassle ang magiging dala nito for you. 

Kaya dun ka na sa madali at magaan lang dalhin kahit saan. 

Style

Sigurado kami na mraming photos ang kukunin niyo para sa memories. Malamang sa malamang mahahagip nito ang beach blanket ni baby, Kaya naman pumili ng blanket na pasok sa inyong style at the same time ay sa convenience ninyo ng family. 

I-consider kung anong cartoon character o kulay ang gusto ni baby

Price

Last but not the least, humanap ng budget-friendly. Hindi naman talaga dapat sobrang mahal ng bibilhing blanket para sa kanila. Marami sa online shops ang mura at maganda pa gamitin. 

At the same time, huwag din namang i-compromise ang quality ng blanket para lamang sa mababang presyo. 

Best beach blankets for babies

Hindi lang dapat parents ang summer ready this 2023, dapat kasama si baby! Kaya naman hindi kami nagpahuli sa paghahanap ng best beach blankets brands for babies dito. Narito ang aming reviews, mula sa best waterproof maging sa mga affordable out there!

Beach blanket for babies
HUADA Water Resistant Baby Beach Mat
Best water-resistant baby beach blanket
Buy Now
Baby Anti-Slip Mat
Best anti-slip beach blanket
Buy Now
Foldable Travel Beach Blanket
Best easy-carry beach blanket
Buy Now
Phoenix Hub Baby Crawling Beach Blanket
Best sand-proof beach blanket
Buy Now
Pocket Travel Blanket
Best polyester beach blanket
Buy Now
LUK Fleece Baby Blanket
Best microfiber baby blanket
Buy Now

HUADA Water Resistant Baby Beach Mat

Best water-resistant baby beach blanket

Beach Blankets For Babies: Best Picks Available In The Philippines | Huada

Tama, mommies and daddies, kahit pa nasa beach na ay maganda pa ring water resistant ang blanket na dala. Kaya nga sinama namin dito sa list ang HUADA Water Resistant Baby Beach Mat.

Kailangan mo pa rin ng water-resistant na blanket sa beach dahil mas madali itong linisin at hassle-free. Bukod naman diyan, ay marami ring kayangi-offer ang blanket na ito.

Ang gusto namin dito ay kung paanong very catchy para sa mga bata ang design ng blanket. Pumili kasi sila ng character at colors na madaling mapansin ng bata. Sa ganitong paraan ay hindi lang ang beach ang nae-enjoy ng kids, kundi maging ang paglalaro rin sa blanket.

Bigyan din namin ng another points kung paanong convenient lamang itong dalhin. Hindi masyadong maraming kailangan isipin dahil isang roll at unroll lang ay pwede na itong dalhin at gamitin anywhere and anytime.

Bakit namin ito nagustuhan:

  • Water-proof
  • Hassle-free cleaning
  • Catchy designs
  • Convenient

Baby Anti-slip Mat

Best anti-slip beach blanket

Beach Blankets For Babies: Best Picks Available In The Philippines | Baby Anti-Slip Mat

Isa sa importanteng hanapin sa beach blankets for babies? Iyong mayroong anti-slip feature. Hindi mo na kailangang lumayo pa dahil narito inihanda namin ang Baby Anti-slip Mat.

Sigurado niyan magiging basa at mabuhangin ang paa ng kids. Dahilan ito para maging prone sila sa pagkadulas sa kanilang tatapakan. Buti na lang at helpful ang feature ng blanket na ito sa ganitong instances.

Nagagawa kasi nitong hindi maging basa sa matagal na oras. Ibig sabihin hindi gaanong naa-absorb ng blanket ang tubig kaya hindi dulasin. Maganda pa dito ay maroon na ring anti-skid at cold insulation features.

Bakit namin ito nagustuhan:

  • Do not absorb water easily
  • Anti-skid
  • With cold insulation features
  • Kid friendly

Foldable Travel Beach Blanket

Best easy-carry beach blanket

Beach Blankets For Babies: Best Picks Available In The Philippines | Foldable Travel Beach Blanket

Ang hanap mo naman ba ay blanket na on-the go? Salamat sa convenience na dala ng Foldable Travel Beach Blanket.

Kung ang usapin lang din naman ay madaling pagdadala ng beach blanket, dito ka na. Mabilis lang kasi itong itupi at madaling dalhin kahit saan ka man magpunta. Hindi katulad ng ibang blanket sobrang bigat, ito ay lightweight lamang at easy to operate.

Kaya nga sulit kung ito ang bibilhin mo dahil hindi lamang pang-beach siya pwedeng gamitin. Maganda rin ito even sa outdoor picnic o kaya naman kahit sa living room lang ninyo sa bahay.

Bakit namin ito nagustuhan:

  • Easy to fold
  • Many patterns to choose from
  • Lightweight
  • Made from environmentally friendly materials

Phoenix Hub Baby Crawling Beach Blanket

Best sand-proof beach blanket

Beach Blankets For Babies: Best Picks Available In The Philippines | Phoenix Hub

Ine-expect mo na for sure ang dami ng sand sa beach once na bumisita kayo. Kaya sa part na ito, ang Phoenix Hub Baby Crawling Beach Blanket ang makakatulong para sa iyo.

Madali lang pagpagan ang mga buha-buhangin dito sa beach blanket na ito. Bukod pa diyan mayroon rin itong waterproof at anti-fouling feature. Kung maihian o masukahan man ay madali lang malilinis ng parents. Gawa kasi ang buong blanket sa PE foamed cotton na XPE material kaya protektado.

Ang maganda pa ay maganda rin itong crawling mat kaya for sure enjoy na enjoy lang ang paggapang ng iyong anak sa vacation niyo. Guarantee naman ang pagiging matibay at high resilience nito kaya saan ka pa? Dito ka na sa sulit ang binayad mo!

Bakit namin ito nagustuhan:

  • With anti-fouling feature
  • Made from XPE foamed cotton material
  • Can be a crawling mat
  • Good quality

Pocket Travel Blanket

Best polyester beach blanket

Beach Blankets For Babies: Best Picks Available In The Philippines | Pocket Travel Blanket

Kung kanina ka pa naghahanap ng blanket na magpapatunay na matibay ito, ito na nga. Ang maibibigay namin diyan ay ang iPLAYSHOP Outdoor Blanket for the Family.

Ang material na ginamitn dito ay hindi lamang durable kundi waterproof, sand-proof at moisture-proof pa. Ibig sabihin mas madaling linisin at bawas hassle sa bawat bakasyon.

Napapanatili nitong malinis ang pagkain at kung ano mang bagay na ilalapas mo dito. Mayroon kasi itong feature na nalilimitahan ang paglapit ng bacteria at kung ano pang harmful things sa inyo.

Higit sa lahat, sa kabila ng magagandang features nito, hindi naman ito papahuli sa pagprotekta sa kalikasan. Ang beach blanket na ito ay environment friendly kaya hindi delikado para sa ating kalikasan.

Tiyak magiging masaya talaga ang outdoor trip ng pamilya, mapa beach, picnic, o kung saan man iyan!

Bakit namin ito nagustuhan:

  • Has moisture-free feature
  • Polyester blanket
  • Prevents bacteria and other harmful organisms
  • Perfect for outdoor activities

LUK Fleece Baby Blanket

Best microfiber baby blanket

Beach Blankets For Babies: Best Picks Available In The Philippines | Luk Fleece Baby Blanket

May mga tao namang preferred ang blanket na gawa sa microfiber. Syempre hindi tayo papahuli diyan at isinama namin ang LUK Fleece Baby Blanket.

Kung mahilig ang baby mo sa malambot at soft na surface ay bagay ito sa kanya. Very gentle kasi ito sa balat ni baby kaya maganda gamitin lalo kung nasa labas kayo. Dagdag points na lang din na pwede rin siyang magamit as blanket sa bahay.

Sigurado rin kami na maa-achieve ninyo ang maximum comfortable experience dahil dito.

Bakit namin ito nagustuhan:

  • Soft and gentle blanket
  • Can be used at home
  • Comfortable

Price Comparison Table

Beach blanket brands

Price

HUADA Water Resistant Baby Beach Mat Php 107.00 - Php 450.00
Baby Anti-Slip Mat Php 120.00
Foldable Travel Beach Blanket Php 87.00 - Php 89.00
Phoenix Hub Baby Crawling Beach Blanket Php 167.00 - Php 209.00
Pocket Travel Blanket Php 169.00 - Php 179.00
LUK Fleece Baby Blanket Php 231.00 - Php 239.00

Bakit mo kailangan ng baby beach blanket?

Maging handa sa bakasyon, huwag kakalimutan ang beach blanket sa inyong travel bag this summer! | Larawan mula sa Pexels

Sunscree, bathing suit, life vest, sunglasses, at marami pang iba ang malamang nasa check list mo ng dadalhin sa beach. Tama naman, mahalagang hindi kalimutan ang mga ito dahil essentials. Kung para naman kay baby, importanteng hindi mo maiwanan ang kanyang baby beach blanket. 

Narito ang ilang dahilan naman, kung bakit nga ba dapat kang magdala nito sa inyong bakasyon:

  • Iwas buhangin kay baby. Madalas na nagiging dumi sa katawan ng bata of course ang buhangin ang beach. May mga beach blanket na sandproof na magandang gamitin ng bata para less dumi sa katawan niya. 
  • Makakapaglaro si baby nang komportable. Dahil nga sangkatutak ang buhangin sa mga dagat, madalas naaalibadbaran ang bata dito. Para komportable ang kanyang paglalaro, mas mainam na mayroon dala na blanket para sa kanila. 
  • Hindi mapapaso ang balat ng bata. Syempre, tuwing summer ay tirik na tirik ang araw. Nagiging dahilan ito para uminit din lalo ang buhangin sa beach. Sa pamamagitan ng pagdadala ng blanket ay maiiwasang mapaso ang skin ni baby. 
  • Convenient for the family. Imbes na magdala ng chairs para sa kanila, ang blanket ang isa sa pinakaconvenient way sa beach. Manipis at madali lang kasi sila dahilan kaya hindi hassle. 

Talaga namang hindi mapipigilan ang paglabas ng family ngayong summer. Syempre, hindi kumplaeto ang gala kung wala si baby. Sa ganitong nalalmapit na ang vacation, huwag kakalimutan ang beach blanket para sa isa sa inyong essentials!

 

 

Sinulat ni

Ange Villanueva