14 Beach Safety Tips ngayong Bakasyon

Summer na naman! Sundin ang mga beach safety tips na ito para masiguradong ligtas ang iyong pamilya habang nagbabakasyon ngayong summer!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tuwing summer, naghahanda na ang mga bakasyunista sa kanilang travel bag—naimpake na ang swimsuit, sunscreen, flip flops, ilang librong mababas—papunta na sa beach. Ang iba ay maswerte dahil nakatira sila sa tabing-dagat na rin, o di kaya’y sa lugar na malapit lang sa mga bakasyunan na sakto ang panahon o palaging “beach weather” ang panahon. Dahil dito, importanteng malaman ang mga mahahalagang beach safety tips. 

Ngunit sa pagpunta sa tabing dagat o anumang lugar na may tubig at paglangoy, ang dapat unahin, lalo na ng mga may dalang bata, ay ang kaligtasan. Paano nga ba makakapag-enjoy sa beach, nang hindi na lang palaging nag-aalala na may mangyaring aksidente? Narito ang ilang tips para masiguradong lahat ay nasa ayos, bago pa lumusong sa tubig at lumangoy—at malubos ang kasiyahan ng bakasyon.

Beach safety tips ngayong summer!

Ano ang mga dapat bigyang pansin at paghandaan kapag may beach trip ang pamilya o barkada?

1. Protektahan ang balat sa buong katawan lalo sa mukha.

Huwag magbabad sa ilalim ng araw nang mahabang oras, lalo na mula 10:00 a.m. hanggang 4:00 p.m. Maglagay ng sunscreen na may protection factor na hindi bababa sa SPF 15.

Alam niyo bang kahit isang malalang sunburn lamang sa pagkabata ay nakakapagpalaki ng posibilidad na magkaron ng melanoma sa pagtanda? Lalo pa kung hindi bababa sa lima ang natamong malalang sunburn.

Gumamit ng payong, sumbrero, scarf, o tent, kung matindi ang sikat ng araw pero gusto pa ring tumambay sa tabing dagat. Huwag kalimutan ang sunglasses dahil masama rin ang matinding pagkasilaw.

Malala pa kesa sa pagkasunog ng balat ay ang heat exhaustion, heat stroke, at sun poisoning na sanhi ng dehydration at labis na pagkababad sa sobrang init.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Lumangoy lamang sa itinalagang lugar na paglalanguyan, lalo na kung nasa dagat.

Kapag may mga bata, lumangoy sa malapit sa Lifeguard.

3. Magmasid kung may mga warning signs sa paligid ng paglalanguyan, at sundin ang mga ito.

Magtanong din sa mga Lifeguard at sa mga empleyado ng resort o lugar na paglalanguyan, kung meron man, kung may mga dapat bang malaman tungkol sa lugar, at kung saan hindi dapat maglagi, pumunta o lumangoy. Kapag may nakalagay na “Beach Closed” o “Bawal lumangoy dito”, sundin ito at maging strikto sa mga anak na sundin ito.

4.Palaging magtalaga ng “swim buddy” o partner.

Huwag hayaang lumangoy mag-isa ang sinoman, bata o matanda.

5. Huwag na huwag iiwan ang mga bata na walang kasama, at huwag iwan sa kapwa bata, kapag nasa baybaying dagat.

Turuan ang mga bata na ipaalam o magpaalam sa matatanda o magulang na lalangoy sila o maglalaro sa tabing dagat. Ang mga bata ay dapat na may bantay o kasamang nakatatanda o adult, sa lahat ng oras na malapit sila sa tubig o lumalangoy, kahit pa may Lifeguard.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maging alerto sa lahat ng oras at huwag aalisin ang atensiyon o mata sa mga bata kapag naliligo sila. Iwasang gumawa ng anumang bagay na nakaka-distract o nakakapag-alis ng atensiyon sa pagbabantay sa mga bata.

Pag-usapan at magkasundo tungkol sa mga rules o patakaran na susundin ng buong pamilya na dapat sundin ng lahat.

6. Kung mamamangka, palaging magsuot ng life jacket, kahit pa marunong lumangoy.

Ang tubig na babagtasin ay hindi ninyo kilala, kaya’t mas mabuti nang mag-ingat kaysa maaksidente.

7. Maghanda ng mga bote ng tubig sa tabi, kapag alam nang maglalagi sa initan.

Uminom ng maraming tubig kahit hindi pa nauuhaw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

8. Huwag iinom ng alak o anumang alcoholic drink, kung may planong lumangoy o kapag malapit sa tubig.

Kapag nakainom ng alak, nakakaapekto ito sa judgment at pag-iisip, at hindi nakakagalaw ng maayos. Ang husay sa paglangoy ay maaaring maapektuhan din. Higit sa lahat, nababawasan ang init ng katawan, at nakaka-dehydrate ang pag-inom ng alak.

9. Sa gabi, o kung hindi oras ng paglangoy, alisin ang anumang laruang pangdagat o pangtubig tulad ng inflatable beach balls.

Nakakahikayat ito sa mga batang maliliit, at maaaring habulin nila ito o subukang puntahan, na magiging dahilan ng pagkalunod.

10. Alamin ang mga dapat gawin kapag may emergency.

Kung may nawawalang bata, tingnan o hanapin sa tubig o dagat. Bawat segundo ay mahalaga para maiwasan ang anumang sakuna. Tumawag agad ng tulong at itawag sa 911 ang anumang aksidente.

11. Alamin ang ulat ng panahon at mga forecasts bago pa lumusong sa tubig.

Iwasan ang beach kung kumikidlat at kumukulog.

12. Siguraduhing walang anumang bagay na nakaharang bago mag-dive.

Ang ilang mga water plants at ilang isda o sea creatures ay delikado o nakakasakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa ang mga pating, jellyfish, mga shellfish na nakakasugat, maliliit na alimango,  linta, at iba pa.

13. Protektahan ang mga paa—mag-tsinelas.

Kapag sobrang init, maaaring mapaso ang balat. May mga sapatos na pang-beach para sa mga bata, para na rin maprotektahan sila sa mga hindi nakikitang peligro sa buhangin tulad ng bubog ng basag na bote o iba pang matutulis na bagay.

Lubayan ang mga isdang ligtas at hindi nakakasakakit, at ipaliwanag sa mga bata na hindi ito dapat istorbohin o paglaruan, lalo pa’t saktan.

14. Mag-ingat sa mga rip currents.

Minsan, may mga malakas na waves o alon na humahampas sa dalampasigan—at may mga pagkakataon na sa sobrang lakas ay natatangay ang mga tao. Kahit gaano pa kagaling lumangoy, sa lakas nito ay hindi nakakaahon. Kapag nakita nang may parating na malakas na alon, umiwas na at lumayo sa baybay-dagat.

Ayon sa Red Cross International Manual, kung ikaw ay natangay ng isang rip current, maging kalmado at ipunin ang lakas para makalangoy pabalik sa baybay-dagat. Huminga ng malalim at huwag labanan ang current. Lumangoy ng horizontal papunta sa dalampasigan kapag wala na sa gitna ng current.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

*Source: Centers for Disease Control and Prevention

 

 

READ: 7 common mistakes parents make that increase the risk of child drowning