Beauty Gonzalez ipinasyal ang daughter niyang si Olivia sa Pamplona, Negros Oriental. Aktres ni-recreate ang isa sa mga lagi nilang ginagawa ng yumao na niyang ama na si Manuel Gonzalez.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Beauty Gonzalez daughter Olivia namasyal sa Negros.
- Pag-aalala ni Beauty Gonzalez sa kaniyang amang haciendero.
Beauty Gonzalez daughter Olivia namasyal sa Negros
Larawan mula sa Instagram account ni Beauty Gonzalez
Nasa Negros ngayon ang aktres na si Beauty Gonzalez kasama ang only daughter niyang si Olivia at mister na si Norman Crisologo. Ayon sa isang post ni Olivia sa Instagram na binabati ang amang si Norman sa kaarawan nito, sila ay nasa Negros dahil may project doon ang mommy niyang si Beauty. At habang busy ito sa trabaho sila naman ng kaniyang ama ay iikotin ang isla na kinalakihan ng kaniyang ina.
“Happy Birthday Papa Bear! 🤎
Today another adventure begins.
We go with Mama to her shooting in Negros but instead of waiting around for her to finish, we’ll be driving up, down and around the entire island.”
Ito ang caption ng post ni Olivia kalakip ang family picture nila.
View this post on Instagram
Pag-aalala ni Beauty Gonzalez sa kaniyang amang haciendero
Larawan mula sa Instagram account ni Beauty Gonzalez
Samantala, sa kaniyang IG account ay may post rin si Beauty tungkol sa bakasyon at quality time nila ng kaniyang pamilya sa Negros. Sa isa sa kaniyang mga post, ay inalala nga ni Beauty ang yumaong ama na si Manuel Gonzalez. Karga ang anak na si Olivia sa kaniyang balikat ay makikita si Beauty sa larawan na nakatayo sa gitna ng kanilang farm. Ito ang caption ng kaniyang post.
“Hi Papa Manuel, remember this?
I know you are in heaven watching us right now.
I hope I am making you proud.
And I will raise Olivia with some of the things that you taught me.
TE AMARE POR SIEMPRE PAPA. 🤍”
Ito ang caption ng larawan ni Beauty at ng anak niyang si Olivia.
Olivia in Negros/Larawan mula sa Instagram account ni Beauty Gonzalez
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!