Beauty Gonzalez thanks her husband for helping her battle depression: "“Norman really made me feel it’s okay."

Beauty thankful sa pagdating ng mister na si Norman Crisolog sa buhay niya. Ito daw ang naging daan para mailabas niya ang best version ng kaniyang sarili.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Beauty Gonzalez sinabing napakaswerte niya sa husband na si Norman Crisologo. Aktres ibinahagi ang love story nilang mag-asawa.

Mababasa dito ang mga sumunod:

  • Love story nina Beauty Gonzalez at husband niyang si Norman Crisologo
  • Beauty Gonzalez sa buhay mag-asawa at pagiging isang ina

Love story nina Beauty Gonzalez at husband niyang si Norman Crisologo

Larawan mula sa Instagram account ni Beauty Gonzalez

“It’s really unbelievable.”

Ganito kung isalarawan ng aktres na si Beauty Gonzalez ang naging love story nila ng mister niyang si Norman Crisologo. Si Norman na isang kilalang businessman at art curator ay 20 years ang agwat ng edad kay Beauty.

Pero ang age gap nila hindi naging hadlang sa pagkakaroon nila ng masayang pamilya at pagsasama. Ang kanilang love story at masayang relasyon ibinahagi ni Beauty sa panayam sa kaniya ni Toni Gonzaga.

Kuwento ni Beauty, si Norman ang unang komontak sa kaniya. Ito ay matapos siyang makita nito na cover ng isang magazine. Hinanap daw nito ang number niya at saka siya tinawagan para lumabas kasama niya sa isang event. Si Beauty ayaw pa noong una pero nakumbinsi ng kaibigan niyang si Ellen Adarna na nagbigay rin ng number niya kay Norman.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“You should go there he’ll take care of you. Kung dati ‘y0ng mga ex mo naging azucarera de mama, ka ngayon ikaw na ang princess.”

Ito ang natatawang kuwento ni Beauty.

Dahil sa payo ng kaibigan, lumabas si Beauty kasama ni Norman sa isa palang event na kung saan magpe-perform ang Eraserheads. Ang una nga daw kanta na tinugtog ng banda sa event ay ang ‘Magasin’ na kung saan naka-relate si Beauty at na-touch dahil sa magazine siya nakita ni Norman noong una. Si Beauty napayakap kay Norman at doon palang ay nagustuhan na ito.

Sa naturang event si Beauty ay maagang umuwi. Hindi dahil hindi siya nagi-enjoy na kasama si Norman, pero sa kadahilanang nais niyang magsimula sa tama ang relasyon nila.

“Sabi niya, ‘Why are you leaving?’ Sabi ko, ‘I have a work. I have a life.’ Pero deep inside I wanted to stay. But I really wanted to make things right in my life. Parang if I want this guy, I want to do it the right way. If he wants me, he will still look for me and make ways to find me.”

Doon na nagsimula ang love story nila ni Norman. Nasundan ito ng pag-alis ni Norman sa Europe na kung saan sumunod si Beauty at nagkita sila sa Paris. Pagbibiro ni Beauty, doon na lumipad ang panty niya sa Paris at hindi na sila nahiwalay sa isa’t isa. Doon na rin daw nagsimula na mabago ang buhay niya dahil kay Norman.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“My career really blossomed when I met Norman and my life totally changed a lot. The way I think about things, the way I carry myself. He totally knows me. It’s really unbelievable.”

Larawan mula sa Instagram account ni Beauty Gonzalez

Si Norman din daw ang naging daan para maayos ang relasyon ni Beauty at kaniyang ina.

Beauty sa buhay mag-asawa at pagiging isang ina

Taong 2017 nang maikasal sina Beauty at Norman, isang taon matapos niyang isilang ang anak nilang si Olivia. Sa piling ni Norman, kuwento ni Beauty ay lumabas ang best version niya. Na-depressed man siya noong una ng mabuntis sa wala sa oras ay pinakampante naman ni Norman ang loob niya.

“Norman is the best husband talaga. Hindi ako nape-pressure as a mom, being a wife. Na-depressed ako noon eh kasi syempre paakyat na ‘yong career ko, and then I got pregnant.”

“Norman really made me feel it’s okay.  You know everything will be okay, I will always be here for you. Let’s tell them about it and you know everything will be okay. Don’t worry about it. Don’t think about it too much. Everybody loves you and you’re good at what you are doing. You can come back.”

Ito daw ang mga salitang binitiwan sa kaniya ni Norman ng malaman niyang buntis siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hanggang sa panganganak at pagiging isang ina, ang mister na si Norman pa rin ang may gawa kung bakit ito naging madali para kay Beauty. Ito ang ginawa at sinabi ng kaniyang mister kung bakit niya ito nasabi.

“It was just the most beautiful experience and then I was just so happy because Norman made it easier for me, like taking care of the baby. Breastfeeding was a problem to me. Sabi niya sa’kin kung hindi mo kaya don’t continue I need a happy wife. We need a happy mom.”

Larawan mula sa Instagram account ni Beauty Gonzalez

Sa kabuuan, sabi ni Beauty na napakaswerte niya na makapangasawa ng tulad ni Norman. Dahil sa pamamagitan nito ay nailalabas niya ang best version ng kaniyang sarili. Hindi lang sa pagiging aktres kung hindi pati narin sa pagiging ina, asawa at mabuting tao  sa kaniyang kapwa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I must admit, I have imposter syndrome. I have anxieties. But you know it’s important that you have a really nice support system. And I’m really thankful that Norman is there. He always tells me that good things happen to good people.”

Ito ang sabi pa ni Beauty Gonzalez tungkol sa mister niyang si Normal Crisologo.

Si Beauty ay 31-anyos na sa ngayon habang ang mister niyang si Norman ay 56-anyos na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement