Buntis Guide: 14 beauty products na BAWAL sa buntis
Hindi lahat ng pampaganda ay maganda para sa kalusugan ni baby. Alamin ang 14 beauty products na bawal sa buntis at ang maaaring maging epekto nito sa baby.
Mommies, alamin rito kung ano ang mga beauty products na bawal sa buntis.
Maraming pagbabago na dala ang pagbubuntis. Isa na rito ang pagbabago ng ating kutis. May mga nagsasabi na gumaganda o nagiging blooming raw ang babae kapag nagbubuntis. Samantalang may nagsasabi rin ng kabaliktaran.
Talaan ng Nilalaman
Pagbabago sa balat ng buntis
Karaniwan sa mga buntis ang pagkakaroon ng pagbabago sa kanilang balat. Maaaring dala ito ng hormones, na mga pagkaing kinokonsumo, puyat o minsan, hindi maipaliwanag ang mismong sanhi nito.
May mga masuwerte na nakakaranas ng magandang kutis sa kabuuan ng kanilang pagbubuntis. Pero mayroon namang nakakapansin ng paglala o hindi kaaya-ayang pagbabago sa kanilang balat.
Ilan sa mga karaniwang inirereklamo ng mga babaeng nagdadalangtao tungkol sa kanilang balat ay ang mga sumusunod:
- dry skin
- pangingitim ng balat (isang kondisyon na tinatawag na melasma or cholasma)
- acne o pagkakaroon ng black heads, whiteheads at tigyawat
Ang mga taong may pre-existing skin conditions tulad ng eczema, psoriasis, o rosacea ay maaari ring makapansin ng pagbabago sa kanilang mga sintomas.
At dala rin ng pagbubuntis, maaaring makaranas ang isang babae ng mga pagbabago gaya ng:
- mabilis na tubo ng buhok sa ilang parte ng katawan
- pagkakaroon ng varicose veins
- stretch marks
- pagnipis ng buhok o hair fall.
Ano man ang kaso ng iyong balat habang nagbubuntis, mahalaga na mapangalagaan mo pa rin ito, tulad ng pangangalaga mo sa iyong katawan.
14 beauty products na bawal sa buntis
Bagama’t importante sa atin na mapangalagaan ang ating balat at ang anyo, mas mahalaga pa rin ang kaligtasan ng ating pagbubuntis.
Kaya naman gaya ng ating pag-iingat sa pagkain at mga gawaing hindi pwede sa buntis, dapat alamin rin natin kung mayroong mga produkto para sa ating mukha o katawan na hindi natin dapat ginagamit.
Narito ang ilang beauty products na bawal sa buntis na dapat iwasan muna sa ngayon:
1. Skin lightening products
Naglalaman ito ng hydroquinone. Hindi ito dapat gamitin ng isang buntis dahil sa mataas na systemic absorption rate.
Ang mga discolorations sa balat sa panahon ng pagbubuntis ay normal at pansamantala lamang kaya huwag mag-alala. Hindi kinakailangan ang mga lightening cream.
2. Anti-aging moisturizers
Ang mga anti-aging moisturizers ay isa rin sa mga beauty products na bawal sa buntis. Dahil sa ito ay may taglay na retinoids. Ang ibang skin care products na tumutulong upang mabawasan ang mga wrinkles at maging pantay ang kulay ng balat ay nagtataglay rin nito.
Subalit ang mga produktong naglalaman ng vitamin A derivatives tulad ng Retinol o Retin-A ay maaaring magdulot ng birth defects sa iyong sanggol.
Mahalaga sa iyong pagbubuntis ang magkaroon ng sapat na amount ng vitamin A para sa development ni baby. Pero mas mabuting umiwas sa mga skin products na may vitamin A derivatives habang nagbubuntis.
3. Skin Toners
Natuklasan na ang glycolic acid ay nakakapinsala kapag mataas ang dosage. Ito ay naiiugnay sa skin damage, pamamaga at mas nagiging mapanganib kapag nalantad sa sikat ng araw. Kaya naman ang mga skin toners na nagtataglay nito ay isa sa mga beauty products na bawal sa buntis.
4. Anti-acne products
Ang beta hydroxy acid o salicylic acid ay matatagpuan sa mga produkto na anti-acne, pati na rin sa mga facial peels, body peels, cleanser, toner at exfoliants.
Ito ang responsable sa pagbawas ng pamamaga at pagtanggal ng dead skin cells. Ang oral form mga produktong anti-acne ay naiugnay sa mga birth defects at komplikasyon sa pagbubuntis.
Gayunpaman, maaaring gumamit ng topical product na hindi hihigit sa 2%.
5. Makeup
Hindi lahat ng makeup ay masama, iyon lamang naglalaman ng parabens. Ito ay ipinagbabawal sa ilang mga bansa dahil sa pagkaugnay nito sa hormonal disruption.
Ang mga parabens ay matatagpuan rin sa ilang mga uri ng moisturizers, shampoo, conditioner, anti-aging products, sunscreens, toners, at astringents. Kaya i-double check ang makeup na ginagamit mo dahil maaring ito ay isa sa mga beauty products na bawal sa buntis.
6. Chemical sunscreens
Ang Oxybenzone ay matatagpuan sa mga chemical sunscreens. Naiuugnay ito sa mga hormonal imbalances at mababang timbang ng batang bagong pinanganak. Nilalagay ka rin nito sa panganib na magkaroon ng mga rashes.
7. Anti-perspirants
Ang anti-perspirants ay naglalaman ng Aluminium chloride hexahydrate. Ang chemical na ito ay maaaring makaapekto sa mga sweat production cells at isa sa mga sangkap na dapat iwasan ayon sa FDA pregnancy category.
8. Hair straightening treatments
Naglalaman ito ng formaldehyde, na ipinagbabawal sa mga cosmetic products sa ilang bansa dahil sa toxicity nito at nakakapagtaas ng risk sa cancer. Kaya naman laging ipinaalala ang mga ginagamit na gamot sa rebond ay nangunguna sa mga beauty products na bawal sa buntis.
9. Spray self-tanners
Ang mga self-tanning spray ay naglalaman ng dihydroxyacetone (DHA), na kapag nasinghot ay maaaring magdulot ng cell damage.
10. Botox
Wala pa masyadong lumalabas na epekto ang Botox sa pagbubuntis. Ito ay kasalukuyang pinag-aaralan pa. Kaya mas makakabuti na iwasan muna ito habang nagbubuntis hanggang masiguro na ito ay ligtas.
11. Nail Polish
Kapag sinamahan ng formaldehyde at phthalate, ang Toluene sa nail polish ay nagiging nakakalason na substance. Maaari itong maging sanhi ng developmental brain at cell damage ng sanggol.
12. Hair spray
Ang hair spray, pati na rin air freshener at nail polish, ay naglalaman ng phthalates na naiuugnay sa mga birth defects at impaired sexual development.
Kung hindi ito maiiwasan, mas makakabuti na gamitin ang mga produkto na may phthalates sa mga well-ventilated areas o kaya ay gamitin ang mga nasa gel o mousse form.
13. Chemical Hair Removers
Ang mga karaniwang chemicals na makikita sa mga produkto na hair remover ay naglalaman ng madaming thyoglycolic acid na mapanganib sa buntis.
14. Essential Oils
Maraming nag-aakala na ang essential oils ay isang natural na alternatibo para sa beauty products at makakabuti sa mga buntis. Subalit ang mga ito ay hindi assessed ng FDA at walang strict labeling standards.
Magkakaiba rin ang timpla at concentration ng mga ito kaya mahirap sabihin kung pwede ba silang gamitin kapag buntis.
Para makasiguro, tanungin muna ang iyong doktor bago gumamit ng essential oils bilang beauty products habang nagbubuntis.
BASAHIN:
Beauty products sa buntis: Mga ingredients na dapat iwasan
Narito ang mga ingredients ng cosmetic sa buntis o beauty products na bawal sa buntis at dapat iwasan.
- Aluminum chloride hexahydrate na matatagpuan sa antiperspirant.
- Beta hydroxy acids kabilang ang Salicylic acid, 3-hydroxypropionic acid, trethocanic acid at tropic acid.
- Sunscreens na naglalamang ng Avobenzone, homosalate, octisalate, octocrylene, oxybenzone, oxtinoxate, menthyl anthranilate and oxtocrylene.
- Diethanolamine (DEA) na matatagpuan sa hair and body products.
- Formaldehyde na makikita sa mga hair straightening treatment, nail polishes at eyelash glue.
- Pampaputi tulad ng Hydroquinone.
- Parabens
- Pthalates na mayroon sa mga produktong may synthetic fragnances tulad ng nail polish
- Retinol tulad ng Vitamin A, retinoic acid, retinyl palmitate, retinaldehyde, adapalene, tretinoin, tazarotene and isotretinoin.
- Thioglycolic acid na mayroon sa chemical hair removers. Ito rin ay maaaring tinatawag na acetyl mercaptan, mercaptoacetate, mercaptoacetic acid and thiovanic acid.
Bawal ba ang make up sa buntis?
Bilang buntis, maaari ka pa ring mag-makeup. Ang mahalaga ay siguraduhing ang cosmetic sa buntis ay naglalaman ng mga sangkap na ligtas para sa iyo at sa iyong sanggol.
Ito ay dahil naa-absorb ng iyong balat ang mga produktong inilalagay mo sa iyong balat. Ang mga kemikal na laman nito ay maaaring makagambala sa pag-unlad ng fetus sa iyong katawan.
Batay sa data mula sa National Center for Biotechnology Information, ang ilang mga kemikal ay maaaring agad na ma-absorb ng balat kapag inilapat at pumasok sa daluyan ng dugo.
Ang mga kemikal na ito ay maaari ring magkaroon ng epekto sa iyong hormonal na aktibidad at makakaapekto sa buong katawan, kabilang ang sanggol sa iyong sinapupunan.
Makakaranas ka ng hormonal, metabolical, vascular, at immunological na pagbabago at lahat ng ito ay maaaring makapinsala sa kondisyon ng iyong balat.
Sa pamamagitan ng maingat na pagpili ng mga produktong pampaganda na ligtas sa pagbubuntis, matitiyak na ligtas ang beauty products para sa buntis at ligtas ang iyong baby.
Kung hindi ka sigurado tungkol sa mga kemikal at sangkap sa mga produkto, maglaan ng oras upang magsaliksik at talakayin ang mga ito sa iyong doktor at dermatologist. Ito ay para masiguro na ang ginagamit mo ay hindi kabilang sa beauty products na bawal sa buntis.
Pwede ba ang lip tint para sa buntis?
Maaaring gumamit ng make up ang mga buntis, basta’t nakasisigurado na naglalaman lamang ito ng ligtas na ingredients. Mas mabuti kung ito ay organic.
Sa usapang lip tint o lipstick, maaari ngang hindi na ito kailangan dahil may ilang mga buntis na nakararanas ng “pregnancy glow” kung saan nagkakaroon sila ng mapula at fuller lips.
Matatagpuan sa ibaba lamang ng ibabaw ng iyong mga labi ang maliliit na daluyan ng dugo na kilala bilang mga capillary. Sa katunayan, sila ang nagpapapula ng iyong mga labi.
Ang density ng capillary ay tumataas sa panahon ng pagbubuntis. Lalo na sa ikatlong trimester, magkakaroon ka ng pagtaas ng daloy ng dugo habang sinusuportahan ng iyong katawan ang iyong lumalaking sanggol. Ito ay nagiging sanhi ng mga daluyan ng dugo, kabilang ang mga capillary, upang lumawak o lumaki.
Ito ang teorya sa likod ng mala-rosas na pisngi ng isang buntis o kaya naman ay “pregnancy glow”. Ang lahat ng ito ay nagdaragdag sa posibilidad ng pagtaas ng daloy ng dugo sa iyong mga labi, kaya naman ito ay nagiging mas matambok, mas buo, o mas mapula pa.
Maaari kang magtaka kung ang mga labi ay maaaring umitim sa panahon ng pagbubuntis para sa parehong dahilan ng mga utong – nadagdagan ang produksyon ng melanin dahil sa pagkakaroon ng higit sa paboritong hormone ng lahat, ang estrogen.
Ngunit ang mga labi ay walang melanocytes, na siyang mga selula na gumagawa ng melanin. Kaya hindi, hindi gagawing mas madidilim ng melanin ang iyong mga labi sa panahon ng pagbubuntis.
Pangangalaga sa balat ng buntis
Kung may mga beauty products na bawal sa buntis, ano ba ang mga pwede nilang gamitin kapag nakakaranas ng problema sa kanilang balat?
Hindi naman lahat ng beauty products ay bawal na sa buntis. Sa katunayan, marami nang mabibiling mga produkto na ginawa mismo para sa pregnant moms at ligtas pa para kay baby.
Pero kung nakakaranas ka ng problema sa iyong balat, narito ang mga alternatibong sangkap na pwede mong subukan:
- Para sa acne, maaaring gumamit ng mababang dosage ng glycolic at azelaic acid.
- Kung anti-aging at panlaban sa wrinkles naman ang hanap mo, subukan ang mga produktong may lamang vitamin C, E, K, B3 at green tea.
- Para sa dry skin at stretchmarks, ugaliing uminom ng maraming tubig. Subukan ding magpahid ng coconut oil, cocoa butter, peptides, at hyaluronic acid (HA) na nag-i-improve ng hydration sa balat.
- Gumamit din ng mineral-based sunscreen sa halip na chemical sunscreen habang nagbubuntis. Ang isang mas mahusay na alternatibo ay ang physical-blocker sunscreen o mga naglalaman ng zinc oxide at titanium oxide.
- Para hindi na gumamit ng matatapang na chemical hair removers, subukan munang mag-ahit habang nagbubuntis.
Makakabuti rin na gumamit muna ng hypoallergenic na produkto o mga kilalang brand na alam mong sumusunod sa mga safety regulations.
Tandaan
Hindi mo naman kailangang kalimutan ang iyong beauty routine. Pero mas makakabuti na iwasan ang mga beauty products na bawal sa buntis upang maging ligtas ang iyong pagdadalangtao.
Tandaan, maging mapanuri sa pagpili ng mga produktong gagamitin. Kung mayroon kang katanungan tungkol sa mga bagay na bawal sa buntis, huwag mahiyang magtanong sa iyong doktor. Kahit pa ito ay tungkol sa beauty products na bawal sa buntis. Kakatuwa man dahil sa ito ay kakikayan lang pero mas mabuti ng maging sigurado at maingat para kay baby!
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo, basahin ang English version dito!
Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
- STUDY: Kemikal na kadalasang ingredient sa beauty products, may masamang epekto sa ipinagbubuntis
- #AskDok: Anong mga pagkain na dapat iwasan dahil bawal sa buntis?
- My baby rarely made eye contact—it turned out that he had autism
- Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."