Thailand beauty products tulad ng Skin Magical puwede ba sa buntis? Narito ang sagot ng mga eksperto at pananaliksik.
Thailand beauty products like Skin magical safe for pregnant woman?
Ang mga babae ay mahilig magpaganda. Ito ay natural lamang sapagkat nais nating laging magmukhang kaaya-aya. Wala namang problema sa kung anong gusto mong gamitin o ilagay sa iyong balat. Basta’t sisiguraduhin lang na ito ay ligtas para sayo at hindi makakasira sa natural na ganda ng balat mo.
Ngunit, tulad ng gamot na dapat inumin kapag ang isang babae ay nagdadalang-tao, hindi rin basta-basta pinapayagan ng doktor na gumamit ng mga produkto sa balat. Ito ay dahil ayon sa mga pag-aaral, ang anumang inilalagay natin sa ating balat ay maaring maabsorb nito, humalo sa ating dugo at mapunta sa dinadala nating sanggol.
Isa nga sa trending at pinag-uusapan ngayon ng mga Pinay ay ang Thailand beauty products tulad ng Skin Magical. Ito ay isang set ng pampaputi at pampakinis umano ng balat. Marami na ang nakapagsabi na effective nga daw ito, ngunit ang tanong ang Skin Magical puwede ba sa buntis? Ito ay ating alamin.
Skin magical puwede ba sa buntis?
Ang Skin Magical ay rejuvenating set na binubuo ng mga sumusunod na may kaniya-kaniyang functions:
- Extra strength rejuvenating soap
- Rejuvenating facial toner na anti-aging at whitening
- Rejuvenating cream
- Age-defying cream
- Smoothening sunblock
Ayon sa Skin Magical, ilan sa mga epektong mapapansin ng mga babaeng gumagamit nito sa kanilang balat ay ang sumusunod:
- Nag-peel at nag-rerenew ng balat para sa may mga even skin tone.
- Ini-exfoliate ang balat ng hindi ito sinusunog.
- Pinapaputi ang balat.
- Nilalabanan o inaalis ang signs of aging.
- Nilulunasan ang acne o pimples
- Pinapaliit ang size ng enlarged pores.
- Mino-moisturize ang balat.
Ang mga pagbabagong ito ay pinapangakong mararanasan ng isang babae sa loob lamang ng isang linggo matapos gumamit ng produkto. Pero babala ng mga eksperto hindi dapat basta-basta gumamit ng mga pampaputi sa mga balat ang mga buntis. Lalo na ang mga produktong maaring makasama sa kanilang sanggol.
Upang malaman natin kung ang Skin Magical puwede ba sa buntis ay isa-isahin natin ang mga produkto bumubuo sa set nito.
Saan gawa ang skin magical set at safe ba ang mga ito sa buntis?
Rejuvenating facial toner
Ang rejuvenating facial toner ng skin magical ay ginagamit upang pumuti at maiwasan ang mga aging signs sa balat ng isang babae. Ito ay gawa sa mga ingredients na glycyrrhiza glabra (licorice), arbutin lactic acid, retinyl palmitate at phenoxyethanol. Tatlo sa mga ingredients na nabanggit ang napatunayang maaring makasama sa hindi pa isinisilang na sanggol. Ito ang licorice, retinyl palmitate at phenoxyethanol. Dahil ang mga kemikal na ito ay maaring maabsorb ng balat at maaring magdulot ng reproductive issues at damage sa sanggol sa sinapupunan.
Extra strength Rejuvenating soap
Ang rejuvenating soap naman na isa sa ini-offer ng Skin Magical set ay para ma-ma-moisturize at mapaputi ang balat. Ito ay gawa sa cocos nucifera (coconut) oil, niacinamide carica (papaya extract), citric acid (vitamin c), glycolic acid at chinensis (jojoba oil) seed oil. Ang mga nabanggit na ingredients ay safe naman para sa mga buntis. Bagamat ayon sa mga eksperto dapat ay nasa 10% concentration lang ang glycolic acid na gagamitin sa kahit anumang produkto na ipapahid sa balat ng buntis.
Rejuvenating cream
Ang rejuvenating cream ay ginagamit rin bilang anti-aging at whitening cream. Ito ay gawa sa cera alba (beeswax), caprylic triglyceride, bengkoang extract, citrus aurantium dulcis (orange) peel oil, vitis vinifera (grape seed extract), triethanolamine, helianthus annuus (sunflower oil) at bisabolol (levomenol). Wala pang pag-aaral na nakakapagsasabi ng mga epekto ng nasabing ingredients sa ipinagbubuntis na sanggol. Pero dahil sa ito ay isang anti-aging at whitening cream, babala ng mga doktor mas mabuting umiwas muna sa paggamit ng mga produktong ito kapag nagdadalang-tao.
Age defying collagen cream
Ang age defying collagen cream ay ginagamit rin para sa anti-aging at whitening. Ito ay gawa sa hydrolyzed collagen (collagen peptides), beta glucan, carbomer at disodium EDTA (ethylenediaminetetraacetic acid). Ayon sa mga pag-aaral ang carbomer at EDTA ay maaring makaapekto sa development ng ipinagbubuntis na sanggol.
Smoothening sunblock cream
Ang sunblock cream ng Skin Magical ay gawa sa avobenzone, octyl methoxycinnamate (ethylhexyl methoxycinnamate), titanium dioxide, zinc oxide at lycopersicon esculentum (tomato) extract. Sa mga nasabing produkto napatunayan ng mga pag-aaral na ang octyl methoxycinnamate ay maaring magdulot ng birth defects at still birth sa pagbubuntis.
Mula sa mga nabanggit ay maaring nasagot na ang tanong mo kung ang Skin Magical puwede ba sa buntis? Ito ay isang gabay lamang. Mas mabuting kumonsulta muna sa iyong doktor tungkol sa kahit anumang produktong gagamitin sa iyong balat upang makasigurado.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Source:
Women’s Care, Healthline, Neuro Wellness, Vogue
Basahin:
13 beauty products na bawal sa buntis
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!