Narito ang beauty tips para sa mga buntis na nakakaranas ng acne breakouts sa kanilang pagdadalang-tao.
Bakit nakakaranas ng pregnancy acne ang isang babae?
Background photo created by bearfotos – www.freepik.com
Ang pagkakaroon ng acne breakout o pimples habang nagbubuntis ay normal lang sa ilang babae. Dulot ng hormonal changes sa kanilang katawan dala ng kanilang pagbubuntis. Ayon sa mga eksperto, mas mataas ang tiyansa na makaranas ng pregnancy acne ang mga babaeng nakakaranas ng acne breakouts sa tuwing sila ay may menstruation o regla. Kusa naman itong mawawala o titigil kapag tumigil na ang kanilang regla o pagkatapos nilang manganak.
Subalit may mga paraan naman na maaaring gawin upang malunasan ang pregnancy acne na ligtas para sa buntis at sa kaniyang baby. Ito’y ang sumusunod na mga beauty tips para sa mga buntis.
Beauty tips para sa mga buntis para malunasan ang pregnancy acne
Bagama’t nakakasira sa kagandahan ng isang babae ang pagkakaroon ng pimples at acne, ipinapaalala ng mga eksperto na hindi dapat basta-basta naglalagay ng mga produkto sa kanilang mukha ang mga babaeng nagdadalang-tao. Mainam na bago gawin ito ay dapat magpakonsulta muna sa doktor. May ilan umanong mga beauty product ang nagtataglay ng kemikal na maaaring makasama sa buntis at sa kaniyang dinadalang sanggol. Ang ilan sa mga produktong ito ay ang sumusunod:
Mga hindi ligtas na lunas para sa pregnancy acne
Isotretinoin
Ang isotretinoin ay isang uri ng oral medication na inirereseta ng mga doktor para malunasan ang severe acne. Bagama’t ito’y effective at ligtas para sa mga babae, hindi naman ito inirerekumendang inumin ng mga babaeng nagdadalang-tao. Sapagkat maaari itong magdulot ng birth defect sa sanggol na nasa kaniyang sinapupunan.
Hormone therapy
Ang hormone therapy na isinasagawa sa pamamagitan ng pag-i-inject o pag-inom ng mg hormones na estrogen at anti-androgens na flutamide at spironolactone ay napatunayan ding nakakapagdulot ng birth defects sa mga ipinagbubuntis na sanggol. Kaya naman bago sumailalim rito dapat ipaalam din ng isang buntis sa kaniyang doktor.
Oral tetracyclines
Ang mga oral tetracyclines na kinabibilangan ng mga antibiotics na doxycycline, minocycline, at tetracycline ay hindi rin ipinapayong inumin ng mga buntis na nakakaranas ng pregnancy acne. Sapagkat napatunayan may kaugnayan ito sa maternal liver toxicity at nakakapigil sa malusog na development ng mga buto at ngipin ng sanggol.
Tropical retinoids
Ang mga tropical retonoids tulad ng adapalene (Differin), tazarotene (Tazorac), at tretinoin (Retin-A) ay dapat ding iwasan ng mga babaeng nagdadalang-tao. Sapagkat tulad din ng isotretinoin ay napatunayang maaari itong magdulot ng birth defects sa mga ipinagbubuntis na sanggol.
Salicylic acid
Ipinagbabawal rin ng ilang eksperto ang paggamit ng mga beauty products na nagtataglay ng salicylic acid habang nagdadalang-tao. Sapagkat ito’y iniuugnay sa pagkakaroon ng birth defects ng ipinagbubuntis na sanggol.
Natural na paraan upang malunasan ang pregnancy acne
Hand photo created by user18526052 – www.freepik.com
Para makasigurado ay ipinapayo ng mga eksperto na gumamit nalang ng mga natural na paraan upang malunasan ang pregnancy acne. Ang mga paraan na ito ay ang sumusunod:
Apple cider vinegar
Ang one-part ng apple cider vinegar na hinalo sa three parts ng tubig ay maaaring gawing toner ng babaeng nagdadalang-tao. Ito’y nagtataglay ng mga natural enzymes at alpha hydroxy acids na nakakatulong upang malunasan ang mga acne. Ngunit hindi dapat abusuhin ang paggamit nito. Dapat sa oras na nakaranas na ng dryness sa balat ang buntis, itigil na ang paggamit nito. Hindi rin dapat basta gumamit ng ibang uri ng suka o undiluted vinegar bilang pamalit rito.
Baking soda
Ang baking soda ay nakakatulong para matuyo ang mga oils sa balat at ma-promote ang healing rito. Ngunit tulad ng paggamit ng apple cider vinegar, hindi dapat abusuhin ang paggamit nito. Maaari kasing maka-irritate sa iyong balat at makaalis ng mahahalagang at protective oils nito.
Para magamit ang baking soda bilang acne treatment sa mga buntis, kailangan lang haluin ang 1 tbsp na baking soda sa 1 tbsp ng tubig. Saka ito i-apply sa paisa-isang pimples sa mukha man o katawan. Hayaan itong matuyo saka banlawan para sa mas magandang epekto.
Citrus fruit
Ang mga citrus fruit tulad ng lemon at lime ay nagtataglay ng acid na kung tawagin ay alpha hydroxy. Ang acid na ito kapag inapply sa balat ay nakakatulong upang ma-unclog ang mga pores at maalis ang mga dead skin cells.
Para gamitin itong lunas sa acne ng mga buntis, dapat lang siyang mag-piga ng juice mula sa lemon o lime. Saka ito direktang i-apply sa mga pimples at hayaan muna ng 10 minuto bago banlawan.
Honey
Ang paglalagay ng honey ay isa ring mabisang paraan para malunasan ang pregnancy acne. Ang honey ay nagtataglay ng antibacterial at antiseptic properties na nakakatulong upang i-soothe ang balat. Pagka-apply nito sa mukha ng buntis ay dapat munang hayaan ito ng 20-30 minuto bago banlawan ng bahagyang maligamgam na tubig.
Coconut oil
Ang coconut oil ay nagtataglay rin ng antibacterial at antifungal properties na nakakatulong upang i-soothe ang balat. Imbis na moisturizer ay mag-apply ng virgin coconut oil sa balat bago matulog.
Oatmeal at cucumber
May soothing effect rin ang cucumber at oatmeal sa balat. Kaya naman mabisa rin itong paraan upang malunasan ang pregnancy acne.
Paghaluin lamang ang oatmeal at cucumber gamit ang blender. Ilagay ang na-blend na mixture sa freezer saka i-apply sa iyong balat sa loob ng 10-15 minutes bago banlawan.
Paano maiiwasan ang pregnancy acne?
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Para naman maiwasan ang pregnancy acne, narito ang mga ipinapayong paraan ng mga eksperto:
- Limitahan ang paghuhugas sa iyong umaga ng dalawang beses sa isang araw.
- Kung maghilamos ng mukha’y gumamit lamang ng mga gentle, oil-free, alcohol-free, at non-abrasive cleanser tulad ng Mama’s Choice Gentle Face Wash na formulated para sa sensitive skin ng mga buntis.
- Sa paghuhugas ng mukha’y gumamit lamang ng cotton pad o washcloth.
- Matapos ang paghuhugas ng mukha’y banlawan ang iyong balat ng maligamgam na tubig. Punasan o patuyuin ito sa mag-apply ng moisturizer.
- Maaaring maglagay ng produktong nakakatulong sa pag-prevent ng acne tulad ng Mama’s Choice Acne Serum. Ito ay gawa sa centella asiatica, organic green tea, at hyaluronic acids na mabisa laban sa pimples.
- Mag-shampoo ng madalas para maalis ang mga dumi sa iyong buhok.
- Ugaliing regular na magpalit ng punda ng iyong unan.
- Iwasang ilagay sa mukha ang iyong mga kamay dahil sa ito’y nagtataglay ng mga bacteria na maaaring kumapit sa balat.
- Huwag masyadong ilapit sa iyong mukha ang iyong cellphone lalo na kung ito ay hindi mo regular na nalilinisan. Mas mainam na gumamit ng earbuds.
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga beauty tips para sa mga buntis upang malunasan at maiwasan ang pregnancy acne. Muli bago gumamit ng anumang produkto sa balat, pinapayong magpakonsulta muna sa doktor ang isang babaeng nagdadalang-tao.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.