TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Bela Padilla shares her thought on having her own kids: "Maybe I'm not mature enough for it"

5 min read
Bela Padilla shares her thought on having her own kids: "Maybe I'm not mature enough for it"

Sinagot ni Bela Padilla ang ilang katanungan tungkol sa kanyang plano sa future tulad ng pagbuo ng sariling pamilya.

Ibinahagi ni Bela Padilla ang kanyang opinyon tungkol sa pagbuo ng kanyang sariling family sa future.

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • Bela Padilla on having her own family
  • Love story nina Bela at kanyang non-showbiz boyfriend
  • Bela Padilla pinaliwanag ang paglipat sa London

Bela Padilla on having her own family

Sinagot ni Bela Padilla ang ilang katanungan tungkol sa kanyang plano sa future tulad ng pagbuo ng sariling pamilya.

Sa panayam kay Bela sa “CinemaNews”, naitanong ni Bianca Gonzalez sa aktres kung handa na ba itong magkaroon ng anak at magpakasal.

Wika ni Bela Padilla, dahil siya’y lumaki sa Kristiyanong pamilya ay inaasahan ng kanyang mga mahal sa buhay na siya’y bukas sa marriage.

“I would have to get married. Parang that would be a requirement from my mom also.”

Binahagi rin ni Bela ang kanyang opinyon tungkol sa pagkakaroon ng baby. sinabi ni Bela na kung sakaling hindi siya mabiyayaan ng anak ay okay lang sa kanya.

“I will be comfortable if I don’t have kids in the future.”

bela padilla family

Larawan mula sa Instagram account ni Bela Padilla

Paliwanag ni Bela Padilla, dahil sa dami niyang gustong gawin at pangarap sa buhay ay baka maging busy siya sa pagbuo ng family.

“I say this because I have so many dreams. Like, andami ko pang movies na gustong gawin.”

Dagdag pa ng aktres, marami ring problema sa mundo tulad ng global warming at isyu tungkol sa politika. Kaya naman hindi niya maisip na magkaroon ng baby sa ngayon.

“I can’t bring myself to bring a person in this world, at this moment.”

“Maybe I’m not matured enough for it. Or maybe I’m not ready for it yet.”

Pero paglilinaw niya, ayaw niyang magsalita ng tapos at ideklara nang hindi siya magkakaanak.

BASAHIN:

Judy Ann Santos nagpayo sa mga kapwa mommy: Just be yourself

Andi Eigenmann and Philmar Alipayo to start a business in Siargao: “We’re excited!”

McCoy de Leon: “Hanggang ngayon, I’m still trying to win to the highest level ‘yong heart ni Elisse”

Love story nina Bela at kanyang non-showbiz boyfriend

Sa parehong panayam, naitanong din si Bela Padilla tungkol sa relationship nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Norman.

Marami raw kasi ang nag-iisip na may boundary sina Bela at Norman pagdating sa pagsasapubliko ng kanilang relationship.

Ngunit tingin niya’y wala naman siyang sini-set na boundary sa pagiging pribado ng kanilang relasyon sa kanyang boyfriend. Paliwanag ni Bela, hindi niya sinasadya na kaunti lang ang detalye tungkol sa kanyang relationship.

“I always get commented on that, na parang ‘You’re very clear on your boundaries. You’re a very private person.’”

“Pero I don’t think sinasadya ko that way, but Norman is a very private person.”

Apat na taon na raw silang magkakilala ni Norman. Sila’y unang nagkita noong 2017 nang magtungo si Bela sa Switzerland. Sa naturang bansa nag-shoot si Bela ng drama film nila ni Carlo Aquino na “Meet Me In St. Gallen.”

“He’s Swiss-Italian. I met him while shooting “Meet Me In St. Gallen”. So may na-meet talaga ako sa St. Gallen!”

Naging malaking tulong raw para sa kanya si Norman noong mga panahon na siya’y nasa “very bad place”. Wika ni Bela, dati raw ay wala siyang napagkukuwentuhan ng kanyang mga nararamdaman.

bela padilla kids
Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

Larawan mula sa Instagram account ni Bela Padilla

“I was also in a very bad place personally, because I was constantly working. I felt like I did not have a personal life.”

Ayon kay Bela Padilla, ilang taon din siyang nasubsob sa pagtatrabaho. At wala rin siyang masising iba kundi ang kanyang sarili dahil sa patuloy niyang pagtanggap ng mga project.

“I was very burned out, but I was not telling anyone. Kasi ako din naman ‘yong tumatanggap ng mga projects. Hindi ko din naman pinapalampas ‘pag may magagandang roles.”

Mula noong magsimula ang pandemic ay muli siyang nakipagkita kay Norman dahil nag-date na sila noong 2017.

Paglalarawan ni Bela kay Norman, “He is a very, very wise person. So when something happens to me, he grounds me.”

Tuwing siya raw ay nagkakaroon ng breakdown moments dahil sa trabaho ay pinapalakas ni Norman ang kanyang loob. Naging madali rin kay Bela ang pag-travel sa ibang bansa dahil kilala niya si Norman.

“I think it was easier for me to move halfway across the world because I knew that there is someone. At least in that continent na kilala ko and I would feel safe with.”

bela padilla family

Larawan mula sa Instagram account ni Bela Padilla

Bela Padilla pinaliwanag ang paglipat sa London

Sa vlog ni Bela Padilla noong 2021, nilahad niya ang ilang mga rason kung bakit pinili niyang manirahan sa London.

Ayon sa aktres, isa sa naging dahilan kung bakit siya lumipat sa Europa ay dahil sa nangyaring COVID-19 pandemic. Wika ni Bela Padilla, pakiramdam niya ay mas magiging productive siya sa London lalo’t mahigpit ang naging lockdown sa Pilipinas.

Napadalas din ang pagbisita niya kay Norman sa Switzerland dahil pareho na silang nasa Europa. Ngunit nilinaw niya na hindi ito ang rason kung bakit siya lumipat sa London.

Si Bela Padilla ay may family sa United Kingdom. Doon nakatira ang kanyang British father na si Cornelio Sullivan.

 

YouTube

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ray Mark Patriarca

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Bela Padilla shares her thought on having her own kids: "Maybe I'm not mature enough for it"
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko