STUDY: Breast milk pampatalino sa mga premature baby

Nakitang mataas ang IQ ng mga premature baby na pinainom ng breast milk.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakita sa bagong pag-aaral ng mga eksperto na isa raw sa bitbit na benefits ng breast milk ay pagiging matalino para sa mga premature baby.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Breast milk pampatalino sa mga premature baby, ayon sa pag-aaral
  • Steps on how to breastfeed your child right

Breast milk pampatalino sa mga premature baby, ayon sa pag-aaral

Larawan mula sa Shutterstock

Sa pregnancy stage pa lang, ipinapayo na ng mga doktor na magpa-breastfeed sa baby instead of using the formula milk. Ito ay sa kadahilanang ang benefits ng breastmilk ay malaking tulong both sa mommy at kay baby. Kabilang na diyan ang pagiging affordable nito, good for the health ni baby, at maraming napabababa ang risk na disease.

Ngayon, sa isang pag-aaral nalaman din nilang bukod sa mga ito malaking tulong din daw nag breast milk upang maging matalino ang baby lalo ang mga premature o kulang sa buwan.

What is a premature baby?

Tumutukoy ang premature babies sa mga sanggol na isinilang ‘preterm’ o hindi pa sa tamang buwan na dapat sila ay lalabas. May mga pagkakataong hindi full -developed pa ang baby kung isisilang sa ganitong panahon. Hindi pa kasi formed ng maayos either ang kanilang physical body o ang brain.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kadalasan sa mga premature baby ay may mataas na chance ng lower academic achievement. Ayon sa eksperto, karaniwan daw na mahina sila sa Mathematics, pagbasa, at iba pang skills na kinakailangan sa development ng kanilang brain. Isa pang nakita sa pag-aaral ay ang pagkakaroon nila ng mataas na chance din sa attention-deficit hyperactivity disorder o ADHD.

Sa isang pag-aaral na isinagawa ng investigators mula sa Brigham and Women’s Hospital kasama ang South Australian Health and Medical Research Institute, nakita nila ang benefits ng breast milk sa premature baby. Sa loob kasi ng 7 taon ay pinag-aralan nila ang neurodevelopment outcomes mula sa 586 na infants na ipinanganak nang mas mababa sa 33 linggo. Isinama nila sa pagtingin ng data ang dose at duration ng iniinom nila na breast milk.

Larawan mula sa Pexels

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dito nila natagpuan na mayroong mas mataas na academic achievement ang mga ito nang nag-edad sila nang 7 years old. Bukod dito mataas din ang performance nila verbally at maging ang kanilang IQ. Bumaba rin ang ADHD symptoms at umunlad ang executive function and behavior.

Salaysay naman ng isa sa mga researchers na si Mandy Brown Belfort, MD, MPH, na mula Department of Pediatric Newborn Medicine, layunin daw ng pag-aaral na maipakita ang benefits ng breast milk later on sa mga premature baby.

“A lot of families are dedicated to the idea of providing maternal milk but may face steep challenges. Our findings emphasize the importance of providing support for initiating and sustaining lactation because maternal milk at this early age can provide benefits years later.”

Magandang encouragement din daw ito sa families upang magpa-breastfeed sa kanilang baby. Ang kanilang research din daw ay call upang magkaroon ng policies para dito,

“Our study confirms recommended strategies for supporting parents to provide maternal milk for preterm infants.”

“And it strengthens the call for health policies and parental leave policies that support rather than work against parents. As a society, we need to invest in families — it’s an investment that will continue to benefit children when they reach school age.”

Steps on how to breastfeed your child right

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Pexels

Proven and tested nga naman ng maraming pag-aaral ang kaliwa’t kanang benefits ng breast milk kay mommy and baby. Dahil dito, para sa parents na nagdedecide nang magswitch from formula to breastmilk, narito ang tamang steps on how to feed your baby.

Step 1: Tickle your baby’s lips.

Grab your nipple and tickle the lips of your baby. Sa ganitong paraan matutulungan mong mag-open ng mouth si baby.

Step 2: Aim for the top lip.

I-aim na ang iyong nipple ay nasa top lip ng iyong baby. Siguraduhin ding hindi naka-tuck ang chin ng baby sa kanyang dibdib.

Step 3: Aim for the lower lip.

I-aim mo naman na ang iyong nipple ay nasa lower lip ni baby upang mag-outward ang kaniyang labi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Step 4: Let the baby lead.

Dapat ay mag-lead si baby sa breast na chin first at tyaka na siya magla-latch sa iyong breast.

Step 5: Fill the mouth with your breast

Dapat din na extended ang tongue ni baby at ma-fill ng iyong breast ang mouth ni baby.

Para mas maayos ang pagpapabreastfeed kay baby dapat lang na nasa quiet and calm place kayong dalawa. Hayaan mo rin na maglead si baby na dumede. Siguraduhin lang din na sinusuportahan mo ang kanyang leeg, balikat, at maging hita ng iyong kamay. Mas mainam din na hayaan siyan matagpuan ang iyong nipple.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva